Chapter 21

1.4K 31 2
                                    


Please listen to the song while reading this Chapter. I had a hard time finding a boy cover of this song because I want to to help you all to imagine the scene. Enjoy reading...

Chapter 21

Love me then

Nakatambay lang kami dito sa office ni Kuya dahil ayaw pa namin ni Raffy umuwi at sabi naman ni Kuya na may tatapusin lang siya tapos gala kami sa mall kaya nag stay na lang kami dito. Tahimik lang ako dito at si Raffy naman ay gamit lang ang phone niya iniisip ko pa din. Kung paano kami mag uusap ni Gray. Kung tama ba yung gagawin ko.

Ang tahimik ng buhay namin ng may biglang pumasok sa office ni Kuya at dire-diretso lang sa harap ng table ni Kuya kaya hindi kami napansin ni Raffy. Natigil din si Raffy sa ginagawa niya sa phone niya dahil sa pagpasok ni Casper.

"Nahatid ko na si Gray, Tangina hindi naman nagkaganun kay Sheena yun ah. Tapos sa kapatid mo lang pala magiging ganun si gago." sinisenyas na ni Kuya na nasa likod lang ako pero hindi yun pinapansin ni Casper.

"At ito pa ah, hindi ko na mabilang ilang beses niya ng nabanggit sa'kin pangalan ng kapatid mo." Casper said at si Kuya naman todo senyas lang na nasa likod kami.

"Zai, tanga ba yan?" bulong sakin ni Raffy pero yung mata ko na kay Casper pa din. "Hoy!" sigaw ni Raffy kaya dun na napalingon si Casper at gulat na gulat pa siya ng nakita ako pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Yung totoo? Hindi mo kami nakita?" at lumapit sa kanya si Raffy at parang natakot si Casper at napaatras pa siya.

"Hindi ko kayo nakita! Kanina pa kayo diyan?" Tanong niya sa'min kaya lalong nainis si Raffy at sinamaan siya ng tingin lalo.

"Nauna pa kami sayo dito!" inis na sigaw niya kay Casper kaya umiling na lang ako at naglakad papunta sa kanila.

"Where is he?" tanong ko agad kay Casper.

"Nahatid ko na sa condo niya, bagsak." takot na sabi ni Casper sa'kin at tumango lang ako dun at nanahimik na lang ulit. Si Kuya at Raffy naman parang gusto ng saktan si Casper siguro dahil sa pagbanggit kay Gray e ilang beses nga iniiwasan ng dalawa na mabanggit si Gray sa'kin.

Sumama na sa'min si Casper sa mall at wala siyang ginawa kung hindi asarin lang si Raffy tapos si Raffy naman syempre inis na inis na. Kami naman ni Kuya napapailing na lang sa kanila. Kumain lang kami at nag gala gala sa mall at ang huling ginawa namin ay maglaro sa arcade dahil yun ang gustong gawin ni Kuya at Casper edi wala kaming choice makisali na lang sa kanila.

Hindi na kami hinatid ni Kuya kasi may dala naman kaming sasakyan nakauwi kami around 8:30 na dahil kanila Kuya. While I was driving may nagtext sa phone ko but I wasn't able to check it baka maaksidente pa kami dito 'no buti sana kung traffic e ang luwag luwag ng daan.

Pagkapark na pagkapark ko ng kotse ko sa parking bumaba na agad kami ni Raffy at naglakad papunta sa elevator habang naglalakad kami chineck ko na yung phone ko.

From: Gray

I want to see your smile again Zairene and I miss you :(

To: Gray

Where are you?

From: Gray

Our safe place.

Hindi na ako nakapag paalam kay Raffy at dali-dali na akong tumakbo pabalik sa kotse ko para puntahan si Gray.

Pagkadating ko doon nagmadali akong bumaba ng kotse ko at tinakbo ko na hanggang sa makarating ako nakita ko siyang nakaupo lang doon at nakatingin sa city lights sa paligid. Tatawagin ko na sana siya pero bigla siyang kumanta.

Love Me Then (Then Series #1)Where stories live. Discover now