Chapter 16

1.4K 34 0
                                    

Chapter 16

Truth or Dare

We just continue eating pero hindi pa din naman nawawala yung kwentuhan.

"So, Gray do you have a girlfriend?" tanong ni Tito Chard kay Gray pero nauna ng sumagot yung dalawang kaibigan niya.

"Meron yan, Tito." Sagot ni Kuya. Siya ba tinatanong? Masyadong epal e. Umirap na lang ako dun ng patago.

"Oo meron po yan, sobrang ganda." napairap ako lalo sa sinabi ni Casper.

"Wala na po." simpleng sagot ni Gray at nakita ko yung gulat sa mukha ni Kuya at Casper sa sinabi ni Gray.

"Break na naman kayo? Ano na namang dahilan ni Sheena para makipagbreak sayo?" tanong ni Kuya na parang sila lang yung tao sa paligid.

"Ako yung nakipagbreak."

"What? Pre, bakit? Never ka nakipagbreak kay Sheena, anong nangyari?" pero nag kibit balikat na lang si Gray at himdi na sinagot si Casper.

"Okay, enough with that talk boys, let's just eat." saway ni Mommy but my eyes landed to Gray kumakain lang siya na parang wala lang sa kanya yung break up nila.

Tapos na kaming kumain at naisipan na lang namin pumasok sa bahay at maglaro, naiwan yung mga parents namin dun sa pool area.

"So, ano gagawin natin?" tanong ni Raffy pagkapasok namin sa living room.

"Truth or Dare!" At pinakita ni Drake yung dala niyang bote kaya naupo na lang kami ng pabilog dito sa living room inusog nila yung center table para sa gitna kami.

"Ako una magpapaikot!" tuwang-tuwang sabi ni Drake at inkot niya na yung bote at tumapat yun kay Renzo.

"Okay, Renzo mahboy, Truth or Dare?" nang-aasar na tanong ni Drake kay Renzo na walang nagbabago sa itsura na nakatitig kay Drake.

"Truth."

"Ang boring mo talaga kupal ka." asar na sabi ni Drake kay Renzo. Alam kong alam ni Renzo na kalokohan ang ipapagawa sa kanya ni Drake, kung ako din naman truth ako pag si Drake ang magtatanong. Walang alam sa buhay yan kung hindi mangtrip pati nga babae naisip na pagtripan e. He is bored of his life, I guess?

"Nainlove ka na ba?"

"No." mabilis na sagot ni Renzo. Hindi ko pa naman talaga nakita si Renzo na may pinoporamahan na girls e, puro si Drake.

Pinaikot na ulit nila yung bote at kay Casper yun tumapat. Nag dare siya kaya inutusan siya na mag sexy dance sa gitna namin. Napatakip na lang kami ni Raffy ng mata at yung mga gago nagtatawanan lang.

Sumunod na tinapatan ay si Kuya na kaya nagtaas ako ng kamay ako ako na ang magtatanong.

"So, kuya Truth or Dare?" Nakangiting tanong ko sa kanya pero nang aasar lang talaga ako.

"Truth, baby girl." cool na sabi niya kaya tumango ako.

"Are you still a virgin, Kuya?" napa woah yung mga lalaki at si Kuya naman halos lumuwa na yung mata at tumawa lang ako.

"Yan talaga tanong mo, Zaira Eirene?" Seryosong sabi niya pero tumango lang ako.

"Answer it, Kuya yung totoo kasi nag truth ka." nakangising sabi ko sa kanya at sinamaan niya ako ng tingin.

"No." napatakip ako sa bibig ko dahil sa sagot niya at sila Drake naman inaasar na siya.

"Oh my god! Kuya!"

"What, you want an honest answer edi binigay ko." napailing na lang ako dun at natawa. Pinaikot na ulit nila yung bote at tumapat yun kay Gray magtaas ng kamay si Kuya na siya na ang magtatanong nag talo pa sila ni Casper pero ending si Kuya din nanalo.

Love Me Then (Then Series #1)Where stories live. Discover now