Chapter 47

1.4K 30 0
                                    

Chapter 47 

Wait

I got home at sila Mommy agad ang sumalubong sa'kin. They look so worried. 

"Finally, umuwi ka din, anak." sabay yakap sa'kin ni Mommy. Galing din sila dun kanina pero hindi talaga ako sumama sa kanila umuwi at si Kuya lang ang naiwan para pilitin akong umuwi. 

Nagpaalam na muna ako sa kanila na magpapahinga pero ang totoo ayaw ko lang na makita nila akong ganito. I don't want to make them worry. Alam kong gusto nila akong damayan but I don't want to be a burden again. I can face this alone. Like what they always say I'm a strong princess so kaya ko. 

Nahiga ako sa kama at kinuha yung phone ko na nasa bag ko. Tiningnan ko ulit yung huling message na sinend sa'kin ni Gray at parang maiiyak na naman ako dahil dun. 

Bakit ganun? Magsisisi tayo sa mga nagawa natin pag may nangyari na. Like me, I regret not listening to him at sana hindi na ako nagpumilit pa na pumunta dun. Lagi ba talaga dapat ganun. Na marerealize mo lang ang mga maling desisyon mo pag may hindi na magandang kinalabasan. That's why being impulsive is not good. 

Walang may gustong mangyari yun. But it happen because of me. Hindi siya aalis sa bar kung hindi niya nakita yun. Pagod na nga siya sa business trip at flight niya nakita niya pa yun. I can't imagine how miserable is he when he saw it. Damn you Zaira. He's right you hurt him again. Hindi ko man ginusto yung nangyaring yun sa bar alam ko na may kasalanan din ako. I didn't listen to him. He said no hard drinks for me kasi alam niya kung paano ako malasing. I became wild but not like I will kiss some random guys at the bar. Nagawa ko yun sa pag-aakalang siya yun. Kaya may kasalanan talaga ako and I admit it. 

So I was wiling to wait for him and explain my side. I will admit my fault. Basta gumising lang siya doon. 

Nakatulugan ko na ang pag-iyak at nagising lang ako ng may kumatok sa kwarto ko. Tiningnan ko muna yung sarili ko sa salamin at sobrang maga ng mata ko. Hinayaan ko na lang dahil wala din naman akong magagawa dun.

"Oh, Ate Chloe?" akala ko si Mommy ang kumakatok but it's not, Ate Chloe gave me a smile before going in. 

Akala ko nga nasira ko na yung bonding nila nila ni Kuya with their son. Dahil kaninang umaga nakita ko silang kasama nila Mommy kaya gulat ako. Pero ang sinabi lang naman nila tulog pa naman daw anak nila so it's fine. Hindi na lang ako nagsalita doon. 

"Alam kong hindi ka okay, tandaan mo lang na nandito ako." nakangiting sabi niya at hinaplos yung buhok ko. "Ate mo na talaga ako ngayon." natawa ako sa sinabi niya. Yeah right she's my sister now for real. 

I feel so lucky to have a people that are willing to be with me through hard times. But I feel like I am a burden to them. Lagi na lang akong ganito. Kailangan laging damayan. 

They have their own life pero dinadala din nila yung problemang dinadala ko and I don't like that. Sobra na yun. 

"Alam kong mabigat diyan Zai, tell me ano ba talagang nangyari at sinisisi mo ang sarili mo?" simula pa lang ganyan na si Ate Chloe nalalaman niya na agad kung may tinatago ka kung gaano kabigat yung dinadala mo. Kaya nga siya ang unang nakaalam ng tungkol sa nararamdaman ko kay Gray noon e. Mabilis yan makaramdam. And I think that is one of the reason why my brother fell for her. She's a total package. 

I tell her everything that happen. I explain my side to her kahit na alam kong kay Gray ko dapat gawin yun. Gusto ko lang ipaintindi na hindi ko talaga ginusto yun. But I also admit my fault of course. 

"May nagawa ka ngang mali, pero hindi mo kasalanan na nangyari yun. At alam kong hindi gugustuhin ni Gray na sisihin mo ang sarili mo sa nangyari sa kanya." and just like the other said. Sinabi niya din na hindi ko kasalanan yun. But why do I feel like it is really my fault. Kahit na ilang beses na nilang sinasabi na hindi ko kasalanan bakit para sa'kin. Ako talaga... Ako. 

Love Me Then (Then Series #1)Where stories live. Discover now