Chapter 19

1.4K 29 0
                                    

Chapter 19

Avoiding him

It's been days at wala akong ibang ginawa kung hindi mag-aral lang ng mag-aral. Ilang beses na rin napansin ni Raffy na down na down ako pero lagi ko lang dahilan sa kanya ay pagod ako kahit na parehas lang naman halos ang ginagawa namin at wala na rin naman akong balita kay Gray after what happen at kung meron man. I will do everything to avoid him para maiwasan ko pa na mahalin pa siya ng todo.

Pinapauwi ako nila Mommy today para sabay sabay na kami magdinner mamaya and that's why I'm on my way home.

Pagdating ko sa bahay si Mommy ang sumalubong sakin nasa company pa daw si Kuya at Dad kaya antayin na lang daw namin dahil ready na daw yung dinner. While I'm on my room Ate Chloe text me if I'm busy because she want to call me.

"Hello wazzup Ate? " bungad ko sa kanya pagkasagot ng tawag.

"Girl! Empleyado na ako ng company niyo wahhhhh.." tuwang-tuwang sabi niya nahiwalay ko pa yung tenga ko sa phone ko dahil sa lakas ng boses niya.

"Congrats... So, boss mo na pala kami ngayon ni Raffy." I said to tease her. Duh! Hindi naman kami magiging boss niya lalo na at Lee's ang hahawakan ko at si Raffy ay mga hotels namin.

"Kapal mo naman oy... Hahaha pero naisip ko talaga girl na pang office talaga ako hindi sa pakikipagsapakan." natawa din ako dahil sa sinabi niya. Nagkwento lang siya about sa pag aapply niya sa company namin at nakikinig lang ako sa kanya.

"E ikaw? Kamusta ka? Nasabi sa'min ni Raffy na ang down mo daw this fast few days." nakwento pa pala ni Raffy sa kanila. I know Raffy is trying hard not to ask me kahit na alam kong gustong gusto niya na malaman ano ba nangyari sa'kin. She just want me to open up to her on my own.

"I'm fine, pagod lang sa mga ginagawa." I used the exact words I always said to Raffy pag nagtatanong siya.

"Hindi mo ko maloloko Zaira, hindi ka pagod kasi kung lagi kang pagod dapat si Raffy din, parehas lang ang ginagawa niyo buong araw. Aminin mo na lang sakin na hindi ka pagod, malungkot ka Zai, ramdam ko hanggang dito." napangiti ako ng malungkot dahil dun. I want to let this out yung nararamdaman ko.

"You're right, Ate Chloe malungkot ako and I don't know why am I feeling this." Pigil ang pag iyak na sabi ko.

"Bakit ba? Ikwento mo sakin Zai, para maintindihan ko." nagkwento ako kay Ate Chloe walang kulang halos lahat nakwento ko sa kanya kahit yung unang pagkikita namin ni Gray. Lahat nakwento ko pati yung sinabi ni Kuya sakin sinabi ko din.

"At di ko na alam after ko malaman yun may saya kasi baka kahit papaano may pag-asa pero mag nangingibabaw yung doubt at takot na baka masaktan ako, masira ulit ako o baka maging rebound lang ako." umiiyak ng sabi ko sa phone. Ate Chloe didn't talk hinayaan niya lang akong magsalita ng magsalita.

"Naiintindihan kita diyan Zai, pero masasaktan ka naman talaga kahit anong gawin natin kasi pagmamahal yan Zai, at hindi madali magmahal dahil laging may sakit pero andiyan pa din yung saya na mararamdaman mo sa isang tao lang na yun." Dahil sa sinabi ni Ate Chloe naalala ko yung pag-uusap din namin ni Kuya last time.

"Just promise me Zai, you will not cry because of love." Napakunot noo ako dahil sa sinabi niya. It's impossible not to cry because of love. Because love is always around us. Like love for the nature. Love for friends, love for family and lastly love to the only person napaka impossible na di tayi masaktan sa pagmamahal. Because loving is where you also accepted the pain.

"It's impossible kuya, I already cry because of love. Nung iwan niyo ko ni Mommy, I love the both of you so much back then but you choose to leave me, but I love you both even more now, after hearing the true reason why you both left me. It's accepting the love and tha pain kuya." I smiled at him "And I'm always ready to accept the love and the pain because I know someday the pain will be worth it, so I'm willing to cry because of love kuya." He smiled at me and pinch my cheeks.

Love Me Then (Then Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon