Chapter 29

1.2K 19 2
                                    


Chapter 29

Unwanted Visitors

We are just waiting for Irene and Hannah dahil sabay na daw pupunta yung dalawa and luckily Irene has no schedule. At yung dalawa naman na kasama ko dito parehas ang lalim ng iniisip ako nga lang ata yung kalmado dito e. In Raffy's case, I know that it will be so awkward and for Ate Chloe's case alam ko na yun kung ano at hindi ko na kailangan sabihin pa.

"Ang tagal naman nila." nagsalita na ako dahil baka talagang masiraan na yung dalawa.

"Parating na yun." tulala sa TV na sabi ni Raffy kaya napangiwi na lang ako. At tama nga dahil narinig ko na yung door bell kaya ako na ang nagbukas.

"Hi, girl!" bati sakin ni Hannah pagbukas ko ng pinto at dirediretso pasok na siya sa loob binati naman ako ni Irene at sabay na kami naglakad kung nasaan sila.

"Anong meron sa mga yan?" tanong ni Hannah dahil tumango lang yung dalawa sa bati niya.

"May iniisip silang napakalaking problema." yun na lang ang sinabi ko at binuksan na yung dala nilang pagkain. Buti nga naisipan nilang bumili dahil kaming tatlo na nandito kanina pa ay pare parehas tinatamad.

"Why? Anong meron?" curious na tanong ni Irene at napatingin pa sa'kin.

"Iniisip nila kung dadating ba yung mga kinakatakutan nila makita." I said at kinain ko na nga yung pizza na binili nila. Nakita ko naman na ang sama ng tingin sa'kin nung dalawa kaya nagkibit balikat na lang ako. Basta ako wala akong problema makikita ko pa nga si Gray nun e.

 Pero nga kasi it's our hangout tapos eepal sila mali nga naman yun. Bakit ba ang gulo ko? Kanina ayaw ko na pumunta sila dito ngayon naman benefit pa sa'kin kasi makikita ko si Gray. Get a grip Zaira.

We just talk about our life at buti na lang bumalik na sa sarili nila si Raffy at Ate Chloe hindi na siguro nila naiisip na mangugulo yung mga yun dahil kanina pa naman kami naguusap usap dito pero wala namang dumadating but they're wrong kakatext lang sa'kin ni Gray na nasa condo na siya ni Casper at inaantay mga pinsan at kapatid ko. At wala na akong balak sabihin sa dalawa yun.

"By the way girls, I have some announcement!" nakangiting sabi ko sa kanila.

"Ano? Buntis ka?" binato ko nga siya ng tissue dahil sa sinabi niya. Igagaya pa ako sa kanya. Kung may mauuna man na mabuntis sa'ming dalawa baka siya na yun sa dami niyang alam tungkol sa lalaki. I am aware that she is still a virgin pero dahil sa pagiging playgirl niya at sa tindi niya sa lalaki hindi na ako magtataka. I know Hannah value herself as a woman. 

"Gaga hindi, kung ikaw yun pwede pa!" sigaw ko sa kanya at sabay irap pero tinawanan niya lang ako.

"Sige na, ano nga?" tanong niya sa'kin sila na lang naman ni Irene ang may pake sa sasabihin ko dahil yung dalawa ang sarap lang ng kain sa tabi.

"Gray is already my boyfriend." simpleng sabi ko sa kanila at sabay pa silang napatili at tumalon talon pa kaya umiling na lang ako sa kanila.

"Oh my gosh Zaira, Ikaw na!" they said at niyakap niya pa ako at nakidamay na rin si Irene kaya natawa na lang ako sa kanila. Napatingin sila kay Ate Chloe at Raffy dahil parang yung dalawa lang yung walang reaksyon sa sinabi ko.

"Kayo? Alam niyo na?" tanong ni Irene sa kanila at tumango lang sila at pinagpatuloy ang pagkain pero agad silang pinuntahan ng dalawa para hampasin ng hampasin kaya umiling na lang ako. Natigil sa paghaharutan yung apat ng tumunog yung doorbell at sabi ko na ako na ang magbubukas.

"Hi, princess!" bati agad ni Drake ng buksan ko ang pinto. Napanganga ako sa kanila at ilang beses pang kumurap. The freaking hell, kompleto nga sila!

Love Me Then (Then Series #1)Where stories live. Discover now