Chapter 15

1.6K 32 1
                                    

Chapter 15

Text Messages

"What is it, Mommy? Anong totoo?" naguguluhang tanong ko kay Mommy.

"May nagtatangka sa buhay natin noon Zaira, anak." I look at her still confused.

"Yung unang naging karelasyon ng Daddy mo pinagtatangkaan niya yung buhay natin sinabi niya na kaya niyang patayin tayong tatlo para lang makuha ang Daddy mo." I don't know what to say. I'm speechless to everything she is saying.

"Walang alam ang Daddy mo dun, kami lang ng Kuya mo ang nakakaalam at naalala mo yung nakidnap kayo ng Kuya mo noon?" Tanong niya sa'kin at tumango lang ako.

"Siya ang may pakana nun, anak."

"At hindi alam ni daddy na yung ex niya yung nagpakidnap samin ni Kuya?" gulat na tanong ko at tumango naman si Mommy.

"Sinadya kong hindi ipaalam sa Daddy mo Zai, pinalabas ko na dahil lang sa pera kaya kayo nakidnap ayoko na ng gulo noon Zaira, anak kaya nagawa ko yun at hindi ko sinabi sa Daddy mo dahil gusto ko ng mamuhay tayo ng payapa. Pero akala ko titigil na siya, yun pala hindi... Isang taon bago kami umalis nagpakita siya sakin. At sabi niya na iwanan ko ang Daddy mo, pero di ko siya sinunod anak at nalaman yun ng Kuya mo, pero nagulat na lang ako isang araw bigla siyang sumulpot dito sa bahay, mag isa lang ako nun dahil wala ang Daddy mo at nasa school kayo ng Kuya mo, tinakot niya ulit ako na sasaktan ka niya at may pinakita siyang video sakin na nasa school ka, may nakasunod sayo nun at may nakatutok na baril sayo." gulat na gulat ako sa lahat feeling ko sasabog na yung dibdib ko sa mga nalalaman ko.

"Sinabihan niya ulit ako na iwanan ang daddy mo kaya sinunod ko na siya, at narinig pala ng Kuya mo ang lahat kaya mapagdesisyonan namin na iwan na lang natin ang daddy mo pero ng nagtatalo kami sinabi niya na ikaw ang maiiwan sa kanya at sa'kin ang kuya mo, wala na kaming nagawa anak. Hindi ka namin gustong iwan ng kuya mo, mahal na mahal ka namin." At dun na tumulo yung luha ko.

"Alam na ba yan ni Daddy? At nasaan na yung taong yun?" I ask her still crying.

"Shh, wala na siya anak namatay siya dahil sa isang sakit at ko alam na ng Daddy mo 'to sinabi ko sa kanya nung nag usap kami, kaya pinabalik niya na kami dito." she is wiping my tears pero tuloy-tuloy pa din yung pag tulo ng luha ko. Ang sama ko! Napakasama ko, bakit ako nagalit ng ganun sa kanila tapos ang iniisip lang pala nun ay ang kaligtasan ko.

"Mommy, I'm sorry." and I hug her.

"Shhh, it's okay now my daughter, wag ka na umiyak nasasaktan si Mommy." At tinanggal niya yung pagkakayakap niya sakin at nginitian ako kaya napangiti na din ako.

"Mahal ka kasi namin ng Kuya mo. At handa kaming gawin lahat para sayo." natigil lang yung iyakan namin dito ng may biglang pumasok sa kwarto ko.

"Mommy, Mag-" hindi niya na natuloy yung sasabihin niya ng nakita niya akong umiiyak. Agad-agad niyang lumapit sakin at hinawakan ang balikat ko.

"Anong nangyari sayo, baby girl? Mommy inaway mo 'to?" at parehas kaming natawa dahil sa pagka oa ni Kuya.

"Alam mo ang epal mo Kuya!" at tinabig ko yung kamay niya na nasa balikat ko. At pinunasan ko na lang yung luha ko.

"Ano bang nangyayari sa inyo, Mommy?" Tanong ni kuya kay Mommy.

"I explained to her everything Zairon, your sister knows everything now." sagot ni Mommy sa kanya kaya gulat na napatingin siya sakin.

"Ano? Ang panget mo!" inirapan ko siya. At inayos na yung gamit na dala ko.

"Magpapaalam na daw sila Casper Mom." rinig kong sabi ni Kuya. Yes I can call him Kuya now because I already forgive them hindi dahil sa sinabi ni mommy, oo nakadagdag yun. But someone made me realize that instead of saying I hate you it should be I love you.

Love Me Then (Then Series #1)Where stories live. Discover now