Chapter 35

1.3K 24 0
                                    

Chapter 35

Celebration 

"Buti naman at nakapunta kayo dito." Mommy said while we are eating here. Si Gray naman dito sa tabi ko kanina pa ako gustong kausapin pero hindi ko siya pinapansin dahil sa kaba ko. Bahala siya diyan. 

"Ikaw ba naman kulitin niyan ni Gray, syempre papayag ka na." napatingin ako sa Mom ni Gray kaya nagtama yung mata naman at ngumiti lang ako. 

"Kinukulit nga din namin yan si Zaira na papuntahin si Gray dito, ayaw naman." napanguso na lang ako dun at pinagpatuloy ang pagkain ko at si Gray naman alam kong nakatingin sa'kin pero hindi ko na lang pinansin.

 Hindi ko naman kasi ine-expect na bigla na lang siya susulpot dito. At feeling ko pa may alam si Kuya kaya ang tindi ng pang-aasar sa'kin nun kahapon pa at kaya din naisipan na pagalain kami nila Raffy. Inis akong sumulyap kay Kuya at nagkataon namang nakatingin siya sa'kin at nakangiti ng nakakaloko. Inirapan ko na lang siya at tumingin kay Gray na kanina pa nakatingin sakin inirapan ko na lang din siya. Nakakainis!

"Alam mo ba, Ate Zai yan si Kuya halos sa office na tumira para matapos lahat ng kailangan niyang gawin. Kasi yun yung kondisyon ni Daddy sa kanya para pumunta kami dito." napatingin ako sa katabi ko at nakita kong sinasamaan niya ng tingin kapatid niya. So it means tuwing magkausap kami ang dami niya talagang ginagawa. 

"But now that I see you. Now I know why my son is crazy for you." I look at Gray's mom at nakangiti siya sa'kin at tiningnan kaming dalawa ni Gray. Parang nawala yung kaninang kaba ko dahil sa ngiti niya. Bakit ba ganun talagang nakakakaba ba ang meet the parents my gosh!

We just continue eating at unti-unti na akong nagiging komportable na nandito yung family ni Gray. After eating naisipan nilang pumunta dun sa garden para mag usap kaya naman kami kami lang ang naiwan dito. 

"Hanggang kailan mo ko hindi papansinin, Love?" pag-iinarte ng lalaking nasa tabi ko. Nandito lang kami sa sala at naglalaro lang sila ng kung ano-ano at kami lang ni Gray ang hindi sumali. At ito nga siya kinukulit lang ako. 

"Kailangan ba talaga na hindi mo ko tawagan ng buong araw ha!" inis na sabi ko at lumingon sa kanya at binigyan siya ng masamang tingin.

"Kaya nga surprise, Love e. Paano yun kung sasabihin ko sayo di'ba." mas lalo akong nainis dahil sa sinabi niya kaya mas sinamaan ko siya ng tingin at nakita ko naman napalayo siya sa'kin konti.

"May sinabi ba akong sabihin mo sakin na pupunta ka dito. Ang sabi ko lang sana man lang nag message ka man lang sakin di'ba." saracastic na sabi ko sa kanya and I gave him an sarcastic smile also. Nakakainis lang kasi grabe yung pag iisip ko kung may problema ba siya kaya hindi niya na ako kinakausap tapos yun pala nag-iisip lang siya na pumunta dito. 

Isama mo pa yung pang aasar ni Kuya sa'kin kahapon at ngayong araw, yun pala siya lang ang may alam na pupunta sila Gray dito. 

"Sorry na nga e." inirapan ko lang siya at yinakap niya na lang yung braso niya sa bewang ko. 

"I miss you." he whisper to my ears softly kaya napalingon ako sa kanya at sobrang lapit na ng mukha namin. Ngumiwi lang ako sa kanya at inirapan lang ulit siya at tiningnan ginagawa nung mga kasama namin dito. 

"Sungit, buti na lang mahal kita." hindi ko na lang siya pinansin at tumayo na para umakyat sa kwarto ko. Bahala siya diyan bukas niya na ako kausapin. Alam ko naman na dito sila sa bahay tutuloy e dahil yun ang sabi ni Lola dahil marami naman daw guest room. Hindi pa ako nakakalayo ng magsalita na si Gray. 

"Zairon, susunod si Casper dito bukas sunduin mo daw." napalingon ako sa kanila at napabalik sa pwesto ko kanina. I look at Raffy and shock is evident on er face. 

Love Me Then (Then Series #1)Where stories live. Discover now