Chapter 7

1.8K 35 0
                                    

Chapter 7

Comeback

It's dinner time na ng nagising ako because of that damn dream hindi pa ako nakakarating sa living room rinig ko na yung ingay ni Drake. I think they're here. Pagkadating ko nga sa sala nakita ko sila na nag uusap-usap tatlo at si Drake ang pinaka maingay.

"Gago, makikita ko din yung babaeng yun akala niyo!" mayabang na sabi ni Drake dun sa dalawa.

"Talaga lang Drake? O baka tinamaan ka na dun sa babae?" Nang-aasar na sabi ni Renzo gusto kong matawa kasi yung mukha ni Drake akala mo may hindi magandang sinabi si Renzo 'e.

"What the fuck bro!!! Ako tata-" hindi niya na natuloy yung sasabihin niya nang nakita niya ako kaya nginisian ko siya para din mang asar

"Oh, gising na pala isang prinsesa ko eh!" Tuwang-tuwang sabi ni Drake kaya umiling lang ako at naglakad sa sofa at tumabi kay Raffy.

"Wala pa tayong dinner? At bakit andito kayo ha?" Tanong ko sa kanila anong trip nila at napadpad sila dito.

"Nagorder na ako ng pagkain natin, ewan ko ba diyan sa dalawa bigla na lang sumulpot dito." sagot ni Raffy sakin.

"Oh, anong meron nga at nandito kayo?" tanong ko sa dalawa pero yung tuwang-tuwang mukha ni Drake at yung nang-aasar na mukha ni Renzo napalitan ng kakaibang tingin sa'kin ngayon. Ganyan din yung tingin ni Raffy sakin kanina so I think alam na nila kaya biglang napasugod sila dito.

"I heard what will happen tomorrow." nag- aalalang sabi ni Renzo sakin.

"Yeah. Nagkausap na kami ni Dad about it at wala na rin akong magagawa di'ba " I laugh para ipakita sa kanila na okay na.

"But you will be okay right?" Drake ask me full of concern.

"Of course, I'm Zaira guys, The heartless queen of the Rheinfords." And I laugh loudly kasi totoo naman 'e pero wala pa ding pinagbago mga  itsura nila.

"Come on cousins, I'm fine... Really, nagkausap naman na kami ni Dad he wants me to go back to the house but I said no and he agreed basta daw  uuwi ako dun pag weekends." Yes, I'm fine pero hindi ko lang alam pag nakaharap ko na yung dalawa walang nagbago sa tingin ng dalawa sa'kin kahit nagexplain na ako. Naputol lang yun ng may nagdoorbell at si Raffy na ang tumayo I think yan na yung inorder nila na food.

Hindi na nila ako tinanong but I know they are still bothered and worried to me we just ate silently kasi hindi na talaga nagsalita pa yung dalawa hanggang sa matapos kaming kumain wala pa ring nagsasalita samin pati si Raffy.

"I'm fine! Hindi niyo na nga kailangan mag-alala. I'm really fine." I assure them they just look at me but I smiled widely to them.

"Okay, susunduin namin kayo dito bukas wag na kayong magdala ng kotse." si Renzo ang unang nagsalita sa kanila at tumango na lang kami ni Raffy pero gusto ko talagang magdala ng sariling kotse ayoko na mangyari last time na nanghiram pa ako ng  kotse para lang makapag walk out but fine, I don't have a choice.

"Zaira, Sure ka? you will be okay?" seryoso pa din si Drake na nakatingin sakin. I sigh and smile at him ang kulit!

"Oo nga Drakie, ano ba? Itakas niyo na lang ako bukas kung may hindi magandang mangyari matutuwa pa ako sa inyo."  tinawanan ko lang yung sinabi ko.

After that talk napili na lang namin na manood ng movie hanggang sa magpaalam na yung dalawa na uuwi na. At kailangan na rin naming matulog ng maaga kasi nga may lunch pa bukas at mabagal nga daw kami kumilos ni Raffy.

I woke up around 8 o clock at feeling ko tulog pa nga si Raffy kasi paglabas ko ng kwarto ang tahimik pa ng buong condo. Kaya naisipan ko munang magluto ng breakfast yung light lang kasi kakain din naman kami mamaya ng matapos akong magluto pumunta na ako sa room ni Raffy to wake her up.

Love Me Then (Then Series #1)Where stories live. Discover now