Chapter 2

2.2K 54 0
                                    

Chapter 2

Maaga akong nagising dahil ito ang unang  pasok ko bilang yaya, nag search ako kanina kung paano mag-alaga ng bata konting idea lang ang alam ko kaya medyo natataranta ako. Sana ay huwag umiyak ang bata sa akin, simpleng tshirt at short ang suot ko.

Medyo malayo kaya nag taxi ako. Nang makarating ako ay namangha ako sa laki ng bahay.

*Ding dong!

Ding dong!

Ding dong!"

Naka ilang doorbell na ako pero wala pa ring nagbubukas ng gate, kainis naman!

Nagpaulit-ulit ako sa pag pindot hanggang sa may lumabas mula sa pintuan, isang babae mukhang 45yrs old. "Pasensya na iha tulog pa kase yung iba" aniya sabay bukas ng gate.

"Ikaw ba ang bagong yaya ni Thalia?" tanong niya habang itinuturo ang daan papuntang likod ng bahay.

"Ah opo manang"

"Ganoon ba, hindi bagay sayo ang maging yaya, mukhang ikaw pa ang magiging ina ni Thalia hahahah" nagulat ako sa sinabi ni manang. 

"Ah hehe" naiilang kong sagot, kingina napaka echosera ni manang mukhang nadagdagan si Ayvie at Mier sa kaechosera.

"Kumain kana ba?" ani manang.

"Ah hindi pa po, tulog pa po kasi yung mga kasama ko sa bahay" sabi ko habang inililibot ang paningin sa piligid, nakakamangha sobrang linis ng piligid.

"Dito nga pala ang tinitirhan ng mga katulong at gwardiya, may limang kwarto. Bawat kwarto dalawa ang kama, may isa pang bakante doon ka na lang iha" aniya habang itinuturo bawat pinto ng kwarto.

"Ito nga pala ang uniform mo" sabay abot ng uniform, psh sa dami ng kulay bakit pink pa?

"Thank you po, ah wala po akong balak na mag stay dito, pang umaga lang naman po ako dito tsaka may ibang trabaho pa ho ako ng hapon" paliwanag ko.

"Ganoon ba, oh siya kumain kana muna dyan at maya maya lang ay ituturo ko ang kwarto ng alaga mo" sabi niya habang naglalagay ng plato.

Pumasok ako sa cr para magpalit ng damit na ibinigay sakin ni Manang. Kaimbyerna hate ko ang pink pero para sa pera sige. Lumabas na ako para sumabay kumain kay manang.

Habang nililibot ko ang paningin ay biglang bumukas ang unang pinto, isang babae na magulo ang buhok medyo inaantok pa ang mga mata. Mukhang nasa 20yrs old, hindi ako sigurado.

"Manang sino ho siya?" takang tanong nung babae.

Sino ka rin?

"Ah siya ang bagong yaya ni Thalia, ano nga pala ang iyong pangalan?" tanong ni manang.

"Lati po" ngiting sabi ko.

"Huuuuuh! Lati mag iingat ka sa batang iyon masungit at makulit na bataaaa iyakin pa, lahat ng naging yaya niya hindi nagtatagal karamihan ay wala pang isang linggo sinesante na dahil makuliiiiit, minsan nga nahulog siya galing sa kama dahil kay Ate Marie, nagkaroon ng bukol yung bata kaya yun nagalit si sir Tim sinesante siyaaaaa!" pagku-kwento nung babaeng kagigising lang hindi man lang nagsipilyo nagkwento agad.

"Magsipilyo ka muna bago magkwento Neri" panghahabilin ni manang kay Neri. 

"Ah hehe sorry, saglit lang ha maliligo muna ako kain ka lang dyan!" medyo naiilang niyang sabi nakaramdam siguro na ang baho ng hininga niya.

Pagkatapos kumain ay nagsilabasan na ang iba. Mababait naman sila lahat maliban sa isa pagkalabas ng kwarto may drawing na ang kilay akala mo naman ikinaganda niya mukha namang nike.

The painful truth (COMPLETED)Where stories live. Discover now