Chapter 18

1.6K 42 0
                                    

Chapter 18

Hindi ako mapakali sa inuupuan ko. Kinakabahan ako na hindi maintindihan. Feeling ko may mangyayareng hindi maganda. Maraming tao, may mga artista akong nakikita kaya maraming camera bawat pasok ng artista ay may picture mabuti na lang at wala kanina nung dumating kami. Nagpaalam si Ate at Mier na kukuha lang ng makakain.

"Are you hungry?" tanong sa akin ni Teo.

"Yeah, pakuha na lang ako pwede ba?"

"Wait me here, huwag kang aalis" aniya tsaka umalis

Mga ilang minuto lang ay may dala na siyang pagkain. "Nakita mo ba sila ate?" tanong ko kay Teo dahil wala pa rin sila. Lalo tuloy akong kinabahan baka kung ano nang nangyare kay Ate at Mier.

"Huwag kang kabahan just enjoy this night, may kausap lang sila maybe kaibigan nila. Kain kana pumapayat kana oh pinapakain kaba dun?" tanong niya.

"Hindi ako makatulog ng ilang araw hindi ko alam kung bakit. Teo hindi ko maiwasang hindi kabahan, hindi ako sanay sa mga ganitong party. Pakitawag si Ate please kinakabahan ako eh"

"Come on huwag kang kabahan I'm here okay? wait tawagan ko sila" tinawagan niya sila Ate pero hindi sumasagot.

"Goodmorning ladies and gentlemen" nagumpisa ng magsalita ang emcee pinakilala ang mga importanteng bisita ni Ayvie sakto namang bumalik na sila Ate at umupo. Medyo nabawasan na ang kaba ko.

Masyadong bongga ang handaan kaya maraming tao ganyan talaga kapag nag iisang babae hindi niya na celebrate ang birthday niya nung 18 kaya ngayon lang naging bongga. Dahil boring ako nag ml na lang ako mabuti na lang at may free wifi. Nasa kalagitnaan ako ng paglalaro ng magsalita ang emcee at sabihin ang pangalan ng lalaking pinakamamahal ko kahit alam kong malabong maging kami.

"Let's welcome Mr. Timothy Chad Hidalgo the owner of this hotel" nakatingin lang ako sakanya habang sinasayaw si Ayvie.

Nakita ko kung paano nahulog ang hawak na wine glass na pinaginuman ni Ate habang nakatingin kay Ayvie at Timang na nagsasayaw.

"Ate okay ka lang?" tanong ko sakanya. Nag madali siyang ayusin ang kanyang gamit. "Tara na Tif uwi na tayo tumawag sa akin si Mama" aniya tsaka hinila ako.

"Huh? paano si Ayvie? wait lang magpapaalam muna ako"

"Tawagan ko na lang siya pagka-uwi natin tara na" aniya nagtataka ako sa kinikilos niya kahit sila Mier ay hindi alam ang gagawin.

"Maiwan na lang kayo dito pakisabi nauna na kami ha. Thank youuu" sabi ko at mabilis akong hinila ni Ate hindi ko nasilip si Timang kung kasayaw niya pa rin si Ayvie.

Nasa loob na kami ng elevater ng may naagaw ng atensiyon ko isang lalaking hula ko ay nakatingin sa akin. Naka jacket black lahat ang suot sinundan ko siya. Huling kita ko sakanya ay nung nasa tapat ako ni Aling Pasing. Bago magsara ang pinto ay lumabas na ako at sinundan siya.

"Tifah! saan ka pupunta?" pasigaw niyang tanong.

Sumasakit nanama  ang ulo ko. Patakbo akong sumunod sakanya sobrang bilis niyang tumakbo kaya hindi ko siya naabutan dinala ako ng paa ko sa isang garden. Garde? may garden sa hotel? umupo ako sa may bench dahil sumakit ang paa ko. Tatayo na sana ako nang bigla akong matumba mabuti na lang at may sumalo sa akin.

"I-ikaw? Bakit ka nandito?" kunit-noong tanong ko kay Timang. 

"Kaibigan ko ang Fiance ni Ayvie and I'm the owner of this hotel, how about you?" inalalayan niya akong umupo.

Nakalimutan kong siya nga pala ang may ari nitong hotel. "Kaibigan ko ang may birthday"

"I know sinabi sa akin ni Ayvie ang ibig kong sabihin ay bakit ka nandito sa garden? Sino yung katabi mo kanina?" kunot-noong tanong niya.

The painful truth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon