Chapter 20

1.6K 39 0
                                    

Chapter 20

Pagdating namin ay marami ng tao. Sabagay isa ba namang artista ang mag bi-birthday ngayon. Pagpasok namin ay halos lahat nakatingin sa amin. Nag paalam si Sofy na pupunta muna sa magulang niya at sila Mommy naman ay may kausap.

Umupo ako sa malapit na mesa dahil nakakangalay tumayo.

"Hey! good evening you're here" maligayang bati ni Isaac ang pinsan ni Sofy.

"Happy birthday!" bati ko tsaka humalik sa pisngi niya at binigay ang regalo.

"Thank you, kumain kana ba?" tanong niya. Umiling lang ako.

"Tara samahan kitang kumuha" anyaya niya. Bigla naman akong nahiya nakahawak siya sa aking beywang at halos lahat ng bisita ay nakatingin na sa akin.

"A-ah, Isaac marami ka pang bisita sige na kausapin mo na muna kaya kong kumuha mag isa" nahihiya kong sabi.

"Is it okay with you?" nag aalala niyang tanong.

"Of course. Nandyan naman sila Mommy, just enjoy your night" nakangiting sabi ko.

Pagkatapos kong kumuha ng konting pagkain ay bumalik na ako sa mesa. Nadatnan kong nag uusap si Momny at Daddy.

"Kain dad, mom" anyaya ko.

Numiti lang si mommy at humarap kay daddy. "Come on, hon kuha tayo ng pagkain"

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Nasa graden ang venue, maraming tao. May mga kilala akong artista, yung iba familiar yung iba hindi. Naubos ko na ang pagkain ko pero hindi pa rin bumabalik si Sofy.

Nag umpisa ng magsalita ang emcee ng may humarang sa paningin ko. "Hey lady, do you mind if I sit?" tanong ng lalaking pinaka bwisit sa buhay ko.

Hindi ko siya sinagot nakatingin lang ako sa stage. Huwag pansinin ang nagpapapansin.

"Hey talk to me" pangungulit niya pero hindi ko pa rin siya pinapansin.

"I'll kiss you kapag hindi mo ako pinansin"

Dahil sa takot kong mahalikan ulit ay tumingin na ako sakanya ng masama. "What do you want?"

"I just want you to talk to me"

"I'm already talking to you asshole" umirap ako.


"Hey, watch your words kababaeng tao ang pangit ng lumalabas sa bibig tsh!" singhal niya.

"Eh ano bang pakialam mo?! bibig ko 'to kaya huwag mong pakialaman" singhal ko rin kaya karamihan sa bisita ay naagaw namin ang kanilang atensiyon.

"Tone down your voice, kababae mong tao ang lakas ng boses mo" inis niyang sabi.

"Ano bang kailangan mo at binubwisit mo nanaman ako?" kunot-noong tanong ko.

Ipinilig niya ang kanyang ulo at pinasadahan ng tingin ang aking katawan. Ayan nanaman yung manyak na tingin.

"Ano ba! ang manyak mo" inis kong sinabi at pinag krus ang braso sa aking dibdib na parang tinatakpan.

"You look sexy and beautiful" amaze niyang sabi. Tsaka lumapit at hinapit ako sa beywang.

Sinampal ko ang kamay niya. "Hoy! yang kamay mo ilayo mo sa akin baka maputol ko"

"Edi putulin mo, basta maiwan sa beywang mo para walang umaligid sayong lalaki" he whispered. Fuck! I can feel his breath on my neck and it turns me on! Umayos ka Tif kay Sofy yan!

The painful truth (COMPLETED)Where stories live. Discover now