Chapter 30

1.5K 34 0
                                    

Chapter 30

"Are you ready anak?" sabi ni Mommy habang inaayos ang buhok kong nakalugay.

Ni minsan ay hindi ko na isip na mag asawa ng maaga, kung mag aasawa man ako ay mas gugustuhin ko pang ang mahal ko ang pakasalan ko kaysa sa hindi ko kilala. Kung alam ko lang na pag tumagal ako dito may arranged marriage ako hindi na sana ako sumama, may problema ba utak nila? Alam nilang may boyfriend ako!

Pagbukas ng elevator, restaurant ang una naming nakita. Bago pa man kami makalapit sa lamesa ay nagpaalam akong mag cr.

Saktong may dumaan na waitress. Humiram ako sakanya ng uniform nila, wala na akong maisip na paraan. Mabuti na lang at napahiram niya ako, nagpasalamat na lang ako

Time is running, nagmadali akong nag ayos ng sarili tsaka lumabas ng CR na parang may ginawang kasalanan. Meron naman talaga Tifah!

Buong-buo na ang desisyon kong tumakas. I'm not ready para magkaroon ng pamilya sa hindi ko gusto. I'm already 20 kaya kong buhayin ang sarili ko. Kung magkaka pamilya man ako ay ayoko ng arranged marriage. Kahit cold sa akin si AD, wala akong pakialam basta makatakas ako okay na.

"I'm sorry, It's just an accident" mabilis na depensa ko ng makitang magkasalubong na ang kanyang kilay nung lalaking nakabunggo ko. "I'm so sorry" pagpaumanhin ko pagkatapos ay mabilis na pumasok sa elevator. Hindi ko na siya tinignan pa.

Umuwi ako at mabilis na nag impake ng gamit, nagpa book ng ticket papuntang Pilipinas. Mas gugustuhin ko pang nasa Pilipinas dahil nandun ang boyfriend at kaibigan ko. Kaya lang naman kami napunta dito dahil gusto nila mommy na dito ako mag-aral, pumayag ako dahil para naman sa akin eh pero ang arranged marriage? No, ayoko!

Kapag nag stay pa ako dito lalo lang akong pipilitin nila Mommy na magpakasal, kung alam ko lang talaga umpisa pa lang hindi na sana ako sumama. Nag iwan ako ng sulat para sakanila Mommy. I'm sorry mom and dad.

Pagkauwi ko ng Pilipinas ay sinubukan kong tawagan si AD pero hindi niya sinasagot sunod kong tinawagan si Sofy nagri-ring pero hindi sinasagot, sinubukan ko ulit siyang tawagan dahil baka sakaling sagutin niya na. Tatawid na sana ako papunta sa kabilang kalsada ng makita ko ang isang sasakyan na papunta sa'kin.

"Ahhhhhhh!" humugot ako ng hininga para akong naubusan ng hangin. Naramdaman kong may gumalaw sa tabi ko at nakita ko si Ate na inaalalayan akong umupo.

"Dahan-dahan lang baka sumakit ulit ang ulo mo. Bakit ba kasi ang tigas ng ulo mo kung alam ko lang na magpapasama ka kay Mier at Ayvie sa pottery niyo hindi na sana kita pinayagan" mahabang sabi ni Ate.

Naalala ko na lahat. Kung totoo man na nangyare 'yon ay nasasaktan ako hanggang ngayon. Nakatingin sa akin si Ate, nakikita ko ang lungkot sa kanyang mata.

"A-ate...totoo bang may babae si Tim?" una kong tanong sakanya sa lahat ng nalaman ko sa nakaraan ko 'yon ang pinakamasakit.

"Naalala mo na pala, gusto kong sabihin na wala siyang babae dahil ayokong masaktan ka pero 'yon ang totoo"

Yung feeling na naalala ko kung paano ako nasaktan sa nakaraan ko na hanggang ngayon ay dala ko pa rin yung sakit. Gusto kong umiyak ng umiyak pero wala ng tumutulong luha sa mata ko pagod na siguro. Kung niloko niya ako it means yung ina ni Thalia ang pinalit sa akin? Gusto kong tanungin si Ate pero pinili ko na lang na huwag magtanong.

"I-I feel empty and sad...replaying moments from my life wondering where did it all go wrong. Wala naman akong ginawang masama para lokohin niya ako"

"Wala kang nagawang mali maybe may gusto siya na hindi niya nakuha sayo. Malayo kayo sa isa't-isa kaya possibleng maghanap siya ng iba. I don't know the reason Tif. But it's not your fault para maghanap siya ng iba. Malalagpasan mo rin iyan, lahat ng problema mo" hinagod niya ang likod ko. Marupok ako pero bakit wala man lang tumutulong luha sa akin?

The painful truth (COMPLETED)Where stories live. Discover now