Chapter 11

1.7K 50 0
                                    

Chapter 11

Nahirapan ako sa pagtulog. Dalawang linggong na ang nakalipas simula nung managinip akong about sa pottery shopat sa pamilya ko. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako. Kung sino talaga ang tunay kong pamilya. Sinubukan kong mag search ng pottery shop dito sa Laguna marami akong nakita pero wala akong makitang kapareho nung shop mismo na naalala ko.

Sa dalawang linggo na 'yon 3 days lang ang pagtuturo ni Mier kay Neri kailangan niya ng mauna dahil may screening pa. Nung isang linggo naman ay umuwi na si Animalia kainis nga eh masyadong sipsip kay Timang.

Laging wala si Timang ang mga magulang niya naman ay hindi ko pa rin nakikilala sabi ni Manang ay iba ang bahay ng magulang niya. Ngayon ang araw ng pagpunta namin sa bahay nila Neri. Umaga pa lang ay nag ayos na kami. Ako, Thalia, Abel, at Mier lang ang pupunta, susunod si Timang.

"Ang aga bakla nakabusangot ka. Meron ka ba?" takang tanong ni Mier. Umiling lang ako, wala ako sa mood magsalita. Parang ang bigat ng pakiramdam ko.

"Ngiti ka naman dyan binibini" nakangiting sabi ni Abel habang bitbit ang gamit papuntang van. Si Abel ang driver, hindi pwede si Kuya Nestor dahil may pupuntahan pa sila ni Manang na inutos nila Madam.

"Ay was! wala talaga sa mood baka nagaway sila ni Papa Tim" pang-aasar ni Mier.

"Ayan ka nanaman Mier, tumigil ka. Mag ingay ka kapag wala kami ni Thalia sa tabi mo. Nakakarindi ka!" singhal ko.

"Hay nakuuu!" bulong ni Mier.

Pagkapasok sa van ay inayos ko na ang pwesto namin sa likod ng driver seat. Sa may bintana ako at sa kaliwa ko naman si Thalia, si Mier tabi ng driver.

Pagkatapos kong patulugin si Thalia ay tinulog ko. Napuyat ako at feeling ko mapupuyat nanaman ako mamaya. Nagising na lang ako ng tapikin ako ni Neri.

"Pwends gising naaaa" mahinang sigaw ni Neri. Sunod naman niyang ginising si Mier na humihilik pa.

"Bakla gising naaaa!" sigaw ni Neri kay Mier.

"Ay bakla! ano ba hinaan mo boses mo akala ko binabangungot na ako ikaw lang pala! ay was ang haggard ko na" naiinis niyang sabi nung tumingin sa salamin.

"Ang hirap niyong gisingiiiin, puyat ba kayo?" takang tanong ni Neri. Hindi ko siya sinagot, binuhat ko na lang si Thalia na tulog pa rin.

"Masantos ya ugto ed sikayo" bati ng isang babaeng nanay siguro ni Neri. Magkamukha sila. Ibig niyang sabihin ay magandang tanghali.

"Ahh siya nga pala ang Nanay ko tawagin niyo na lang Tita Nali, siya naman ang bunso kong kapatid si Navi" pagpapakilala ni Neri sa nanay niya at sa isang lalaking nasa edad 20 na siguro. Ang astig ng pangalan nila, ano kayang pangalan ng tatay? Rivi? Pinaghalong NaRI at NaVI tapos yung Na galing sa Nanay?

"Nay, siya po si Lati kaibigan kong katulong din alaga niya iyong batang hawak niya, tapos ito naman po si Mier ang nagturo sa aking rumampa at siya naman po si Abel driver po namiiiiin" paliwanang ni Neri.

Nakakapagtaka lang at ang hina ng boses niya kapag kausap ang kaniyang nanay pero pagdating sa amin ang lakas.

"Masantos ya ugto met ed sikayo" (Malgandang hapon din sa inyo) maligayang bati ko.

"Anong sabi bakla?" kunot-noong tanong ni Mier.

"A-ah ibig sabihin ay magandang tanghali sa inyo" paliwanag ni Neri kay Mier.

"Nay, mag tagalog na lang po kayo para maintindihan ng iba kong kasama" kausap ni Neri sa kaniyang ina.

"Pasok kayo, pasensiya na ha maliit lamang ang aming bahay. Neri ihatid mo ang kaibigan mong may hawak na bata sa isang kwarto para makatulog ng maayos" utos ng kaniyang ina.

The painful truth (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt