Chapter 38

1.8K 37 0
                                    

Chapter 38

The painful truth 4

LATIFA'S POV

"Sweetie...Latifah" a soft voice called me. Iminulat ko ang aking mata then I saw my mother.

"M-mom?" kunot-noong tanong ko. Is this one of my memories? Nasa past ba ako or future?

"Y-yes it's me" naiiyak na sabi niya. Nilibot ko ang aking paningin at nandito sila lahat. Si Daddy, Kuya, Papa, Mama, Ate Tamia, Ayvie, Mier and sino siya? Napako ang paningin ko sa isang lalaki kunot-noong nakatingin ako sakanya. Tinitigan ko siyang maiigi hanggang sa mamukhaan ko siya.

"I-It was you, the boy I kissed nung tumakas ako" gulat kong sabi. Ngumiti lang siya sa akin.

"You know him?" naguguluhang tanong ni Mommy. Tumango lang ako bilang sagot.

"Really? siya ang napili namin bilang asawa mo dati, sweetie siya rin ang nagbabantay sayo kasama niya si Bren. I'm sorry kung hindi ko pinasabi sayo na binabantayan kita kahit malayo kami sayo. Una pa lang anak alam na naming maghihiganti sayo si Kein kaya ka rin namin pinadala sa America dahil nakakatanggap kami ng mga sulat na gusto kang patayin at si Kein ang may kagagawan ng lahay. Nag utos ako ng magbabantay sayo and willing si Mr. Cabrera at si Bren na bantayan ka. I'm sorry sweetie for not telling you" malungkot na sabi ni Mommy. Now I know kung bakit bigla na lang akong dalhin sa America kung pwede naman ako ditong mag-aral. Tumingin ako kay Bren ngumiti lang siya. Gusto kong magpasalamat sakaniya pati kay Mr. Cabrera.

Lumapit sa'kin si Mama ang nagsilbing Nanay ko simula nung mawalan ako ng alaala. "I'm glad you're okay. I'm sorry Latifah dahil sa anak ko ay napunta ka sa sitwasyon mo ngayon. Patawarin mo sana kami lalong lalo na ang kambal ko kahit mahirap ang sitwasyon" naiiyak na sabi ni Mama. Napansin kong pumasok si Tim tumingin ako sakanya saglit at tumingin na kay Mama.

"K-kambal? Ano pong ibig mong sabihin Mama" naguguluhan kong tanong.

Tumingin muna si Mama kay Mommy na parang humihingi ng permiso nakita kong tumango si Mommy.

"May anak akong kambal...si Sofy at Kein"

Napamaang ako. Kambal? kaya pala nalilito ako sa sinasabi ni Kein about kay Sofy dahil buong akala ko si Sofy at Kein ay iisa yun pala ay kambal sila. Kingina! kaya pala nanibago ako kay Kein dahil hindi naman ganun magsalita si Sofy sa'kin.

"W-wala naman pong nakwento sa'kin si Sofy na may kambal siya" nanginginig na sabi ko.

"Hindi niya alam na meron siyang kambal buong akala namin ay namatay na si Kein dahil sa sakit. Sinubukan namin ang lahat pero hindi niya kinaya iyon ang sabi samin ng doktor pero ang totoo ay buhay pa. Tinawagan kami ng doktor para sabihin na nagkamali sila na wala talagang butas ang puso ni Kein, kukunin na sana namin siya pero huli na ang lahat dahil nagkapalitan ng baby. Sa ibang pamilya siya napunta. Sinubukan namin ang lahat para hanapin siya pero hindi na namin mahanap. Nahanap lang namin siya nung makita siya sa mismong burol ni Sofy. Sinabi ni Kein sa amin na laging niyang nakakausap si Sofy pero hindi alam ni Sofy na kambal niya si Kein." nakinig lang ako. Lahat kami ay nakatulala.

Lumapit siya sa'kin at niyakap ako. "I'm sorry, Kein told us everything about sainyo ni Tim at ang paghihiganti niya sa pagkamatay ni Sofy. Nasa kulungan na siya at pinagsisisihan ang kaniyang ginawa. I'm so sorry" naiiyak na sabi ni Mama.

"A-ako po dapat ang mag sorry sainyo kung hindi dahil sa'kin ay hindi sana mamamatay si Sofy at hindi sana makukulong si Kein" napahagulgol ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil una sila ang nagsilbing magulang ko nung mawalan ako ng alaala, pangalawa sila ang magulang ng kaibigan ko, pangatlo kasalanan ko kung bakit namatay si Sofy at na kulong si Kein.

"Natatandaan mo ba ang sinabi ko sa'yo? Huwag mong sisihin ang sarili mo dahil hindi mo kasalanan ang nangyare. It was accident nawalan ng preno ang sinasakyan ni Sofy at nagkataong patawid ka"

Pagkatapos naming mag usap ni Mama ay tumahimik na kaming lahat. Kanina ko pa napapansing tulala si Tim, gusto ko na siyang kusapin about sa lahat ng nangyare. I want to apologize, mabuti na lang at umalis na silang lahat at naiwan si Tim.

"A-are you okay?" nagaalalang tanong niya sa'kin.

Nagulat ako ng yakapin niya ako. "H-hey" Nagi-guilty ako sa nangyare dahil sa pagkamatay ni Sofy because it was all my fault. Naramdaman ko ang luha ko.

Nakita ko ang luha sa kaniyang pisnge. "Damn! I'm sorry, napakagago ko para iwan ka. I'm very sorry kung hindi sana kita iniwan kung sana ay dinala kita sa loob bago puntahan si Thalia"

Umiling ako dahil hindi niya kailangan mag sorry. "Hindi mo kailangang mag sorry. Alam mo ba kung bakit hindi ko sinabing may amnesia ako? Dahil ayokong mag alala ka. Naisip ko rin na kapag nalaman mo baka paalisin mo ako bilang yaya ni Thalia unti-unti kong nalalaman ang lahat simula pagka bata, the day you said that you want me to be your girlfriend, your proposal, ang wedding pagbalik ko galing America, ang pagiging cold mo sa'kin. All of that is fucking hurts lalo na nung nalaman kong may kasama kang ibang babae habang nasa malayo ako. Ang alam ko lang ay niloko mo ako at nung malaman ko ang totoo na may babae kang kasama mukha akong tanga na iyak ng iyak" Para na akong bata na umiiyak tapos natatawa pa ako habang sinasabi ko sakanya.

"That day my parents decided na i-arranged marriage ako. Kinabukasan ang araw ng pagkikita ko sa magiging asawa ko. I don't know what to do because all I know is ikaw ang gusto kong pakasalan even you cheat on me. Tumakas ako at umuwi sa Pilipinas ng hindi nila alam, I call you after I landed here pero hindi mo sinasagot a-and then si Sofy ang tinawag ko k-kung tinignan ko sana ang daan hindi sana ako madidisgrasya at hindi sana mamamatay si Sofy" napahagulgol na ako.

Tumigil siya sa pag iyak. "It's not your fault. It's okay, everything will be fine" pagpapatahan niya sa'kin. Pinaliwanag niya sa'kin ang lahat kung paano siya naniwala sa mga pinagsasabi ni Kein, hanggang sa mabuntis niya si Sofy. Hindi ko mapigilang maawa kay Thalia dahil hindi niya man lang naabutan ang Mommy niya.

Ang ipagpalit ako sa bestfriend ko dahil nabuntis niya at namatay kasabay ng pagkawala ko ng alaala ang pinakamasakit na katotohanan para sa'kin. Ang ine-expect ko ay magiging masaya ako kapag naalala ko lahat pero nagkamali ako. I broke my own heart because i expected too much.

The painful truth (COMPLETED)Where stories live. Discover now