Chapter 5

1.9K 43 0
                                    

Chapter 5

"Latiii! patay ka kay sir kapag nalamang tinulugan mo ang bataaaa!" sigaw niya.

"Nagulat ako sayo akala ko kung ano na. Hinaan mo ang boses mo, malapit lang ako sayo" medyo inis kong sabi.

"Hehe pasensya naaa" aniya habang nilalaro si Thalia.

"Nanonood ako kung paano makipag laro sa bata tsaka kung paano papatahimikin kapag umiiyak kaso nakatulog ako" paliwanag ko tsaka lumapit kay Thalia.

"Naabutan kong umiiyak si Thalia. Tekaaaaa hindi mo alam mag-alaga ng bata?" takang tanong niya, tumango ako.

"A-ano?! eh bakit nag apply ka bilang yayaaaa?"

"Dahil kailangan ko ng pera, huwag kang maingay Neri" tinakip ko pa ang bibig niya. Baka marinig siya nila Manang lalo na si Amalia baka isumbong pa ako kay Sir.

"Ano kabaaaa Lati! hindi kita isusumbong noh!"

"Salamat" nakahinga ako ng maluwag.

"Pero pag nalaman ni Sir yan nakuuuu! paalisin ka agad lalo na't hindi ka marunong mag alaga!"

"Kaya nga nanood ako kung pa'no mag alaga ng bata"

"Turuan na lang kita kung paano! marunong ako mag alagaaaa" excited niyang sabi.

Buong araw tinuruan niya ako kung paano mag alaga ng isang bata, kung paano paliguan, pakainin, bihisan, patahanin kapag umiiyak, at kung paano matulog. Gabi na ng matapos niya akong turuan.

"Salamat Neri" ngiting pasasalamat ko.

"Walang anumaaaaan, kailangan ko rin ng pera dati mabuti na lang at tinuruan ako ng nanay ko kung paano mag alaga ng bata at maglinis ng bahay kahit papaano ay napagkakitaan ko paaaaa!"

"Pasensiya na sa abala, maraming salamat ulit"

"Walang anuman Lati! pwends na tayo haaaaa? hindi natin pwends si Amalia dahil isa siyang gold degger at inggeteraaaa! " 

Kingina nadagdagan ako ng kaibigang maingay. "Oo naman, gold digger hindi gold degger Neri" natatawa kong sabi.

"Pareho na rin yuuuuun! Tara na kain na muna tayooooo"

"Wait lang" binuhat ko si Thalia. "Tara"

Saktong pagbaba namin ay kumakain na sila manang sa may dirty kitchen, sa dirty kitchen ang kainan ng mga katulong at guard.

"Oh nariyan ka pala Neri, saan ka nanggaling at hindi ka namin mahanap?" takang tanong ni Manang.

"Kasama niya ang bagong katulong sa taas Manang" maarte sagot ni Amalia tsaka umirap.

"Ganoon ba, oh siya kumain na tayo. Ilagay mo muna sa crib iyang bata Lati ng makakain ka"

Nilapag ko si Thalia sa crib na malapit sa akin tsaka sumabay na kumain kila Manang, hindi naman umiyak si Thalia kaya hinayaan ko lang siya na maglaro.

"Anong ginawa mo sa taas Neri at hindi mo ako sinamahang mamalengke?" kunot-noong tanong ni Manang, kinakabahan ako.

"A-ahhhh...e-ehhh...n-naglinis manang opo naglinis ng kwarto po ni Thalia hehe" kinakabahan niyang sagot.

"Sigurado ka?" nakangising tanong ni Amalia. Yang ngising yan mukhang may alam sa pinag-usapan namin. Tss chismosa!

"Oo naman, kahit tanungin mo pa si Lati, dibaaa?" sabay tingin niya sa'kin.

"Oo" tipid kong sagot. Mahirap na baka kung ano pang lumabas sa bibig ko.

"Oh siya! bilisan niyo ng kumain"

The painful truth (COMPLETED)Where stories live. Discover now