Chapter 12

1.6K 37 0
                                    

Chapter 12

Naiinis ako sa ganyang ugali yung magseselos ng walang dahilan at isa pa wala namang kami.

"Come on! namiss kita, hindi mo ba ako namiss?" biglang lumambing ang boses niya. Lumapit ulit siya sa akin at pinulupot ulit ang braso. Ang kulit ng nilalang na 'to.

Umiling ako. "Ano ba lasing ka, tara na doon na lang tayo sa lamesa para naman makapagpahinga ka" anyaya ko sakanya pero ayaw niyang alisin ang nakayakap niyang braso sa akin.

"Give me a kiss, then we'll go there" nakangising sabi niya.

"Lasing kana, tara na malapit ng mag umpi-"

Nagulat ako ng bigla niya akong hinalikan. Smack lang, dahil sa gulat ay hindi ako makagalaw.

"Tutunganga kana lang ba dyan? gusto mo pa?" nanghahamong sabi niya.

Mabilis akong umalis pabalik sa lamesa nandoon na si Mier at Abel, feeling ko pulang pula ang mukha ko kaya umiwas ako ng tingin sa kanila lalo na ng makita ang mapanuksong tingin ni Mier.

"Magandang umaga sa ating lahat! specially sa mga sponsor natin..." kung ano ano pang sinabi ng emcee.

Nagumpisa na pero lutang ang isip ko. Nasa hita ko si Thalia na nilalaro ang manika habang nasa kaliwa ko si Timang. Sila Mier naman ay nasa harapan namin.

Ang ganda ni Neri, ang gand ng hubog ng katawan, ang galing niyang rumampa. Maganda rin naman yung iba pero mas maganda si Neri. Nag umpisa na silang magpakilala. Candidate number 9 si Neri siya ang pinakahuli.

Dahil wala ako sa mood ay nakipaglaro na lang ako kay Thalia. Swimsuit na ng mapansin kong tahimik si Timang, lumingon ako sa stage at nakitang bawat candidate ay malagkit na nakatingin sakanya.

"Pakiabot yung gatas!" inis kong sigaw. Inabot niya ang gatas ng hindi lumilinngon sa akin. Nakita ko kung paano siya ngumiti sa mga candidate. Psh babaero talaga. Pagkatapos nilang rumampa ng naka swimsuit ay may isang babaeng lumapit sa amin.

Inabot niya ang kamay kay Tim na tumayo. "Hi, ahm Mr-?" malanding tanong niya.

Inabot ni Timang ang kamay nung babae. "Timothy, call me Tim lady" nakangiting sabi niya.

"I'm Darlene" sabi nung babae.

Hanggang dito ba naman lumalandi pa rin. Kung kailan may anak siya tsaka pa natutong lumandi. Sa bagay single naman siya. Ah ewan wala akong pakialam sakanya.

Lumingin sa akin ang babae at kay Thalia. "Oh! anak mo?" nakangiting tanong niya sa akin.

"Anak namin, gusto mong maging ninang?" mariin kong tanong.

"H-ha? really? pwede bang maging stepmom na lang?" natatawang tanong niya kay Timang.

"Pamilyado na yung tao, huwag ka ng kumabit" mataray na sabi ni Mier.

"Wala akong pakialam" aniya saka pinulupot niya ang kanyang braso sa leeg ni Timang.

Lumingon ako kay Timang, nakangisi ang loko. Sinamaan ko siya ng tingin at nakataas ang kilay na tumingin kay Darlene.

Tumayo akong bitbit si Thalia at lumapit sakanya. "Hindi mo ba narinig? Oh wait! gusto mo itranslate ko pa sa english?" mataray kong sabi. Naagaw na namin ang atensiyon ng iba pati ang ibang candidate ay nakatingin na sa amin. Lalapit na sana si Neri pero pinigilan ko siya.

"I'm not d-"

"Huwag mo akong subukan. Baka gusto mong mabali yang buto mo para hindi ka makaabot sa final" banta ko.

"Hindi ako takot sayo, baka nakakalimutan monh nasa teritoryo ka namin" panghahamon niya.

"Kahit isama mo pa buong angkan mo, alam mo ng may pamilya yung tao aahasin mo pa take note willing ka pang maging stepmom ha! agkala inatey nen delap" (hindi kana namatay nung nagka baha)

"Oh! I didn't know marunong ka pala mag Pangasinan. Okay, aalis na ikaw na panalo" suko niya. "Call me" dugtong niyang sabi na nakatingin na kay Timang tsaka umalis. Padabog akong umupo hindi pinansin ang nasa paligid lalo na si Timang.

Kinuha niya ang kamay ko. "Hey, are you mad?" tanong niya sa akin.

"Ano ba! lumayo ka nga sa akin!" sigaw ko. Naiinis ako sakanya.

"I'm sorry okay? don't be mad at me please" pag lalambing niya. Para siyang bata pero kanina lang ang landi niya tapos pag dating sa akin isip bata?

"Kung ayaw mong lumayo, ako ang lalayo" binigay ko sakanya si Thalia. Kinuha ko ang susi kay Abel at umalis. Sumasakit ang ulo ko sa hindi malamang dahilan.

Wala ako sa mood simula pagkagising ko mas lalong sumama ang mood ko dahil sa haliparot na babae 'yon. Pumasok ako sa Van, at humiga. Naiinis ako dahil sa sinabi ko kanina, nabigla ako kung bakit ko nasabing ako ang asawa ni Timang. Sana pala hindi ko sinabi baka kung ano pang isipin niya na feeling ina ako. Arggghhh! sumasakit ang ulo ko, kailan ba hindi sumakit ang ulo ko? Araw araw namang sumasakit.

Mga ilang minuto lang ay nakarinig ako ng katok. Umupo ako ng maayos ng makita si Timang na kumakatok sa bintana.

Ayokong makipagusap sakanya. Ayokong malapit sakanya. Ayokong makipagsagutan. Ayokong may umaaligid na babae sakanya. Ayoko--, wait what?! Aisssst! Ayokong aminin na nagseselos ako pero sa inasta ko kanina parang ganun na nga.

"Open the door" mariin niyang sabi.

Binuksan ko  ang pinto. "Anong kailangan mo sir?" malamig kong tanong. Ayokong isipin niya na nagseselos ako kahit nagseselos naman talaga ako.

"What was that?! bakit mo ako iniwan doon?" inis niyang tanong.

"H-ha? may hinahanap lang ako sir, nahanap ko na po balik na ako" palusot ko at lalabas na sana pero nakaharang siya.

Pumasok siya kaya napaatras ako at sinarado niya ang pinto.

"Bakit ba ang hilig mong mang-iwan?"

"H-hindi kita iniwan...aalis na ako" pinilit kong maging malamig ang tono ng boses ko kahit nanginginig na ako sa sobrang inis, tatayo na sana ako ng bigla niyang ilock!

"Huwag ka ng magalit" mahinang sabi niya. Ang lapit ng mukha niya pwede namang makipagusap ng malayo ah bat kailangan pang ilapit ang mukha?

"H-hindi ako galit!" nauutal na sigaw ko.

Hinapit niya ang aking beywang. "Bakit sumisigaw ka?"

"H-hindi ah" mahinang sabi ko. Ang tanga Tifah! ayusin mo sagot mo!

"Nagseselos ka ba?" bulong niya at mas lalo akong hinapit palapit sakanya.

"H-hindi.."

"Are you sure?" mahinang bulong niya nararamdaman ko ang hininga niya na nagdudulot sa akin ng pagtaas ng balahibo. Mas lalong lumalim ang paghinga ko. Amoy ko ang alak sa kaniyang bibig.

"O-oo, lumay-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng magsimula siyang halikan ang tainga ko pababa sa aking leeg.

"Nagseselos ka ba?" ulit niyang tanong habang hinahalikan pa rin ang leeg ko. Napapikit ako sa ginagawa niya. Inangkin niya ang aking labi kasabay niyon ang pagpisil niya sa aking dibdib.

Dahil sa gulat ay tinulak ko siya at mabilis na lumabas. Mali, mali ang lahat. Ayokong mahulog sakanya, hindi pwede. Ayokong mag expect na may gusto siya sa akin pero sa kinikilos niya hindi ko maiwasang mag expect. Ang hirap dahil kapag nag expect ka, dapat ready ka rin sa disappointment.

The painful truth (COMPLETED)Where stories live. Discover now