Chapter 32

1.4K 36 0
                                    

Chapter 32

Hindi ko kaya ang nakikita ko, kitang-kita kong nagugustuhan ni Timang ang nasa harap niyang si Kein. Unti-unting lumingon si Kein sa akin nagulat ako dahil kamukha niya si Sofy sunod si Timang. "Tif wait...wait let me explain" nagmadali siyang nagsuot ng damit.

Tumayo na ako bago pa siya makalapit sa akin. Nagmadali akong bumalik sa kwarto. "Neri bantayan mo si Thalia" pagkatapos kong sibihin iyon ay kinuha ko ang cellphone ko at mabilis na tumakbo palabas ng mansyon.

Kinapa ko ang cellphone kong nasa bulsa. "M-Mier, pwede mo ba akong sunduin?" pinilit kong huwag ipahalatang umiiyak ako.

Medyo malayo na ako "Huh?! wait bakla...nasaan k-" pinatay ko na ang tawag dahil hindi ko na talaga kaya.

Paano niya nagawa sa'kin iyon? B-bakit si Sofy pa? P-paano niya nagawang magloko ulit? Hindi pa ba sapat ang isang beses na panloloko? Nasaan na ang pinangako niya sa'kin dati? May nakita akong papalapit na sasakyan. Sandali pa akong napahagulgol bago inayos ang sarili.

Huminto ang sasakyan sa harap ko at bumaba si Mier. "Bakla! bakit ka nandito sa labas?" tanong niya sa akin. Yumakap ako sakanya at umiyak ng umiyak.

"Pasok tayo sa sasakyan" inalalayan niya akong pumasok.

"Ano bang nangyare sayo at bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong niya.

Magsasalita na sana ako ng biglang may kumatok sa bintana sa side ni Mier. "Mier buksan mo nga ang pinto" sabi ni Neri.

"Bakit nandito ka?" naguguluhang tanong ni Mier kay Neri.

"Sasama ako wait langgg" aniya tsaka umikot at pumasok sa back seat.

"Paano si Thalia sinong nagbabantay?" tanong ko kay Neri sumisinghot pa ako.

"Si Manang ang nagbantay nakita ka niyang umalis at nakita niya rin si Ma'am Kein sa kwarto ni Sir kaya pumunta siya sa kwarto at pinasunod ako" malungkot na sabi niya. Mabuti na lang at nandun si Manang.

"P-pwede bang umalis na muna tayo dito? dalhin mo ako sa malayo yung...y-yung hindi tayo masusundan"

Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan. Hindi na siya nagtanong pa tinigil ko na rin ang pag iyak. Nakatulog ako sa byahe siguro mga isang oras napansin kong huminto kami kanina bumili siguro ng alak dahil nagaya kaming uminom. Dinala niya kami sa isang beach.

"Okay ka lang ba? Pwede kang mag kwento para naman mabawasan yang nararamdaman mo" sabi ni Mier habang umiinom ng beer.

"Bakit ganun? Pangit ba ako? Bakit kailangan niya pang maghanap ng iba kung nasa tabi niya lang naman ako. H-hindi pa ba ako sapat na nasa tabi niya at inaalagaan silang mag ama? Kingina pangalawa na" niiyak kong sabi tsaka uminom ng beer. Hinayaan lang nila akong magsalita.

"Mier nalilito ako, nagmakaawa siya ng ilang beses sa akin akala ko pa naman sincere siya tapos ngayon may kachuckchakan siyang babae at ang bestfriend ko pa? Sa mga naalala ko naman hindi kami okay ang cold niya sa'kin then my brother told me na may nakita siyang kasama si Tim na ibang babae maybe ang ina ni Thalia . K-kaya siguro pina-arranged marriage ako nila Mommy dahil alam nilang may babae si Tim. I don't know! ughhh!" naguguluhan kong tanong.

"Talagang maguguluhan ka dahil hindi mo pa naaalala lahat hanggang sa madisgrasya ka" lasing na sabi niya, umiling ako. Nakaka-apat na beer na siya si Neri naman ay isa pa lang ako tatlo na. "At isa pa malay mo naghiwalay kayo habang nasa America ka, malay mo nagloko rin siya dati tapos nakilala niya yang sinasabi niyong Kein kaya kung ako sayo hintayin mong maalala lahat ng alaala mo para hindi ka maguluhan" paliwanag ni Mier. May point siya, paano nga kung naghiwalay kami nung nasa America pa ako?

"Naalala ko na lahat Mier! hanggang sa mangyare ang aksidente. Mas masakit pa yung ginawa niyang panloloko sa'kin kaysa sa aksidenteng nangyare." mariin na sabi ko at uminom ng alak.

"T-tekaaa hindi ko maintindihan! anong alaalaaaaa? anong America?" naguguluhang tanong ni Neri. Si Mier ang nagkwento lahat ng nangyare sa akin.

"T-talagaaa? kaya pala nahimatay ka nung first day mo bilang katulong akala pa namin buntis ka" gulat na sabi ni Neri.

Tumatawa naman si Mier. "Siya buntis? eh virgin pa yang baklang si Lati HAHHAHAHA"

"Virgin pa siya? Diba may nangyare na sainyo ni Sir? nakita ko kayo sa veranda naghahalikaaan"

"Walang nangyare sa amin Neri naghalikan lang kami yun lang" paliwanag ko. Totoo namang halikan lang ang nangyare sa amin wala ng iba. Kasalanan ang may mangyare sa amin habang hindi pa kami kasal. Paano kaya kung may nangyare na pala sa amin sa nakaraan pero hindi ko maalala? B-baka anak ko si Thalia? Imposibleng may nangyare sa'min dahil naalala ko lahat. Naiiyak ako sa iniisip ko. I wish anak ko sana si Thalia pero alam kong hindi eh.

"Okay lang yan pweeends huwag ka ng umiyak, kung ano man ang nagawa ni Sir
sayo sigurado namang hindi niya sinasadya or may ibang rason" pagpapatahan sa akin ni Neri.

"Anong hindi sinasadya? anong rason nanaman ang sasabihin niya? pangalawag beses na Neri...gusto ko siyang patawarin pero inulit niya. Hindi mo alam yung sakit na naramdaman ko nung nakita ko sila. Sobrang sakit...ang sakit to the point na kunin na lang ang puso ko at durugin sa harapan ko. Nasasaktan ako pero mahal ko pa rin siya parang gusto ko na lumayo pero wala ih marupok ako at kahit nasasaktan na ako alam kong babalik pa rin ako sakanya kingina lang" naiiyak na natatawang sabi ko.

"Kasi mahal mo kaya ka nasasaktan. Minsan kahit nasasaktan tayo okay lang dahil sila rin naman ang nagpapasaya sa'tin" si Mier. Nakatingin lang siya sa dagat pati si Neri. Wala akong nagawa kundi umiyak at uminom lang. Bakit ba kasi sa dinami-dami ng tao sakanya pa ako nahulog sa isang Timang pa.

"Imagine mo Neri may kabit yung boyfriend mo tapos naghiwalay kayo tsaka nadisgrasya kapa at nagka-amnesia. Paano mo matatakasan yun?" seryosong tanong ni Mier kay Neri.

"Stop imagining" sagot ni Nerim. Natawa ako  ang seryoso ni Mier tapos yung sagot pa ni Neri.

"Lumayas ka sa harap ko baklang Neri baka mahampas ko sayo 'tong bote" inis na sabi ni Mier.

"Totoo naman ah! pwede ka namang huwag mag imagine para hindi mo na kailangang tumakas. Bakit pa kasi kailangang mag imagine nagkaproblema ka pa tuloy" natatawang sabi ni Neri. Pansin kong lasing na siya dahil tinataas niya pa ang kamay niya na parang kumakaway.

"Seryoso nga kasi ang hirap mo talagang kausapin ng matino"

"Ewan ko sainyong dalawa" natatawa kong sabi.

"Ikaw na lang baklang Lati, paano mo matatakasan ang nangyayare sa buhay mo?" tanong sa akin ni Mier. Paano nga ba?

Nagkibit-balikat ako. "Lalayo? Tatakas?"

"Huwag kang tumakas ayusin niyo ang problema niyo dahil walang mangyayare kung tatakasan mo lang" seryosong sabi ni Neri.

"I don't know...maybe tatapusin ko muna ang kontrata"

Walang ng nag lakas ng loob na magsalita ulit. Tumigil na ako kakaiyak dahil wala namang mangyayare kahit umiyak pa ako hanggang bukas hindi mabubura ng iyak ko ang nakita ko at ang nararamdaman ko.

"Mier, Lati nakikita niyo ba ang sarili niyong ikakasal?" biglang tanong ni Neri. 

"Nakikita ko ba ang sarili ko? dati nung nalaman ko ang alaala kong nasa palawan kami at nagpropose sa akin si Tim pero ngayon...I don't know" sagot ko.

"Hindi ko pa nakikita" sagot ni Mier.

"Talaga Mier? kung sakali nasaan ka? sa naglalakad papuntang altar o naghihintay sa altar? Sino bang gusto mong pakasalan? " si Neri.

"Depende sa mapapakasalan ko kung babae or lalaki. Bisexual ako bakla nagkakagusto ako sa babae at lalaki. Nakapalda, nakashort, naka dress or kahit anong suot pa siya basta tao pwedeng pakasalan" nakangiting sabi ni Mier. Hindi halatang bisexual siya ang alam ko lang kasi ay bakla siya dahil never naman siyang nagsabi na may gusto siyang babae.

Pagkatapos naming uminom ay nag decide kaming bumalik sa mansiyon. Napagisipan kong mas mahihirapan ako kung tatakasan ko ang problema dahil kahit anong takas pa ang gawin ko babalik din lang.

The painful truth (COMPLETED)Where stories live. Discover now