Chapter 24

1.5K 31 0
                                    

Chapter 24

"Bilisan mong kumilos bakla may trabaho pa ako" pagmamadali sa akin ni Mier. Ngayon ang labas ko sa hospital pinangako ko sa sarili kong hindi na ako dito. Naiinis na rin ako sa pangungulit sa'kin ni Timang ewan ko kung nahahalata niyang umiiwas ako sa topic tuwing about sa past namin. Wala naman akong masabing dahilan mabuti na lang at si Mier ang kumausap.

"Sandali bakit ba nagmamadali ka, pwede namang mauna kana mag papasundo na lang ako kay Ate" inis kong sabi sakanya.

"Kung pwede lang na mauna ako kanina ko pa ginawa, wala ang Ate mo may trabaho. Bilisan mo na lang bakla"

Binilisan ko na lang ang kilos ko. Niligpit ko na lahat ng gamit ko at sumunod kay Mier papuntang parking lot.

"Oo nga pala sinabi ni Tita na hindi ka muna pwedeng bumalik sa trabaho mo kay Papa Tim kailangan mo munang magpahinga maybe 2 or 3 days" aniya habang nag mamaneho.

Hindi na lang ako sumagot, mabuti na rin at makakapagpahinga ako ng maayos, simula nung may lalaking pumasok sa kwarto ko ay hindi na ako makapagpahinga ng maayos or makatulog. Nagpasalamat ako kay Mier sa paghatid sa akin. Pagpasok ko sa kwarto ko ay tinulog ko na muna dahil ilang araw din akong puyat.

Alas sais ng hapon ako nagising. Nagluto ako ng kanin at bumili na lang ng ulam kay Aling Pasing dahil tinatamad akong magluto.

"Oh ikaw pala Lati kamusta ka? balita ko ay nasa hospital ka" 

"Okay na po ako" nakangiting sagot ko.

"Mabuti naman, siya nga pala may isang lalaki na palaging nakabantay dyan sa harap ng bahay niyo kilala mo ba?" takang tanong ni Aling Pasing.

"A-ahh baka po yung boyfriend ng ate ko. Sige po Aling Pasing alis na po ako" paalam ko tsaka umalis. Lalaki? baka iyong lalaking lagi kong nakikita. Nagmadali akong pumasok sa bahay at nilock ang pinto. Mahirap na baka biglang pumasok.

Nasa kalagitnaan ako ng panonood ng biglang makarinig ako ng malakas na katok mula sa pinto. Dahil okay na ang pakiramdam ko wala ng hilo kaya malakas ang loob kong binuksan ang pinto. Sisipain ko na sana kung sino ang kumatok ng bigla siyang matumba.

"T-timang? Anong ginagawa mo dito?" kunot-noong tanong ko. Inalalayan ko siyang umupo sa malapit na upuan, sinarado ko ang linto. Inamoy ko siya, amoy alak laging lasing.

"Bakit ka nandito?"

"I miss you" aniya tsaka lumapit at yumakap sa akin.

"Umayos ka nga, bakit ba lagi kang lasing sa tuwing nakikita kita? may problema ka ba?" tanong ko sakanya nakayap pa rin siya sa akin.

"Shiikaw and problema kossss, lagi kang galit shakin...lagi mo akong shinushungitan at iniiwashan tapos...tapos...y-you're actingsh like you don't knowshh messh...I misshh you shoooww bad...ngayon na nga langs ulit kita nakashama taposh shushungitan mo pash akosh" lasing na shabi niya ay este sabi niya.

Hindi ko masyado maintindihan sinasabi niya. "Tumayo ka nga ng maayos, kaya mo bang umuwi?" tanong ko sakanya. Umiling lang siya, inalalayan ko siya pahiga sa kama ko.

"Mahal na mahal kita kahit iniwan mo ako without saying goodbye...N-nagugutom akosh may nuggetsh kaba diyan?" aniya.

Mahal? Ako ba o ang ina ni Thalia ang tinutukoy niya? nagluto ako ng nuggets at soup para sakanya. Dapat pahinga ko ngayon eh kaya nga ako bumili kay Aling Pasing para hindi ako magluto tapos ngayon nagluluto ako.

Nilagay ko sa study table ko ang niluto kong nuggets at soup. "Oh aya kumain kana" hinayaan ko lang siyang subuan ang sarili niya. Para siyang tanga kapag isusubo niya yung kutsrang may soup kunware lumilipad na parang eroplano. Natatawa tuloy ako sa katangahan niya pati yung nuggets sinasayawan at kinakantahan niya.

"Kahit maputi na ang buhok koooo ohhhh" kanta niya sabay sayaw natutumba pa siya. Hinayaan ko lang siya hanggang sa maubos niya lahat. Pagkatapos kong iligpit ang pinagkainan niya ay inalalayan ko siya humiga.

"Dahan dahan lang baka mauntog ka"

"Tatabihan mo ba ako?" nakangiting tanong niya tsaka hinawakan ang kamay ko nilagay niya sa puso niya.

Binawi ko ang kamay ko. "Matulog kana" inayos ko ang kumot. Binawi niya ang kamay ko kaya wala na akong nagawa kundi ang hayaan lang siya mga ilang minuto lang ay tulog na siya kaya umalis na ako. Sa kabilang kwarto ako matutulog ayoko siyang katabi. Nagising ako ng maaga dahil kailangan ko ng paalisin si Timang ayaw ni Ate na may lalaking natutulog dito. Nagmadali akong pumunta sa kwarto ko kung saan natutulog si Timang.

"H-hay, goodmorning" bati ko sakanya ng magmulat siya.

Hinila niya ako kaya napahiga ako sakanya. "Good morning, you smell good" aniya tsaka inamoy ako.

Tumayo ako. "Tumayo ka na diyan bilisan mong kumilos baka maabutan ka ni Ate mas magaling pa naman makipag suntukan yun kaysa sa akin. Hintayin kita sa baba ipagluluto kita pagkatapos ay umuwi kana" pagmamadali ko sakanya.

Habang kumakain ay hindi ko siya kinausap. Hanggang sa magpaalam siyang aalis ay tango lang ang sagot ko. Nakahinga ako ng maluwag ng makaalis na siya.

"Oh Latifah anong ginagawa mo dito sa labas?" kunit-noong tanong ni Ate.

Hala hindi ko pa nahuhugasan ang pinagkaininan namin. "A-ah...pumunta kasi si Mier dito kinamusta ako dito na rin siya nag almusal" palusot ko.

"Nagsasabi ka ba ng totoo?"

"Oo naman, tara na kain kana nagluto ako" aya ko sakanya at naunang pumasok.

Niyakap niya ako. "Sinabi sa akin ni Mama na may naaalala kana, sorry Tif" malungkot na paumanhin niya.

"Okay lang para din naman sa ikabubuti ko. Pwede bang magtanong?"

Umupo na siya sa lames at nag umpisang kumain tumango lang siya bilang sagot. Gusto kong itanong sakanya kung nasaan ang pamilya ko, bakit sila ang kasama ko at hindi ang totoo kong magulang.

"Nasaan ang totoo kong pamilya?" deretsong tnong ko nakita ko ang pagkabigla sa kaniyang mukha napatigil siya sa pag nguya.

"H-hindi ko pwedeng sabihin nangako ako kay Mama at sa magulang mo na hindi ako magku-kwento sayo"

"Bakit? Hindi ko ba pwedeng malaman ang totoo? Please Ate sabihin mo na nababaliw ako sa kakaisip, gusto ko silang makita" pagmamakaawa ko sakanya.

Hinawakan niya ang kamay ko. "N-nasa America ang pamilya mo, ayan lang pwede kong sabihin sa ngayon dahil kapag nagtuloy ako sa pag kwento baka bigla kang mawalan ng malay. Sabi ng Doktor ay ilayo ka muna sa pamilya mo o kung sino man ang mga taong nasa nakaraan mo hangga't hindi kapa okay"

"Alam mong nasa nakaraan ko si Timang diba?"

"Oo, kaya nung makita ko siya sa party ay nagmadali akong ayain kang umuwi dahil baka bigla kang mawalan ng malay dahil sakanya. Nung gabing iyon ay nalaman kong siya pala ang Ama ng batang inaalagaan mo kung alam ko umpisa pa lang nilayo na sana kita sakanya, wala siyang alam sa pagkawala mo ng alaala. Natatakot ako sa posibleng mangyare kapag nalaman mo ang lahat. Lumayo ka sakanya Latifah ako na ang nagsasabi sayo"

"Bakit kailangan kong lumayo? Ate dahil sakanya nag umpisang bumalik lahat ng alaala ko, dahil sakanya naramdaman kong sumaya simula nung wala akong maalala" naiiyak ako, bakit niya ako pinapalayo?

Umiling siya. "Ayoko ng magkwento basta kung sakaling malaman mo ang lahat andito lang kami para gabayan ka" lumapit siya sa akin at yumakap.

Naiintindihan ko siya kung bakit ayaw niya g sabihin ang lahat. Ang pottery shop baka nalugi na. "Ate ang pottery shop sino ang nagma-manage?" takang tanong ko sakaniya.

"Hindi ko kilala pero ang sabi ni Mama ay malapit na tayo sa pamilya mo, gusto mo bang puntahan?"

Gusto ko bang puntahan? Paano kung mawalan ulit ako ng malay at maalala ulit ako sa hospital nanaman ang bagsak ko. Bakit ba hindi na lang lahat ng alaala ko sa isang araw lang para naman last na dalaw ko sa hospital.

"Sa susunod na lang siguro gusto ko na munang magpahinga" nakangiting sabi ko.

The painful truth (COMPLETED)Where stories live. Discover now