Chapter 22

1.5K 37 0
                                    

Chapter 22

"Gusto kong makausap ang magulang niya" sabi ng hindi pamilyar sa akin ang boses.

Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ang isang doktor at si Timang. Nilibot ko ang aking paningin at...Bakit nasa hospital ako? Paano ako napunta dito? Lumingon sa akin si Timang at lumapit para alalayan akong umupo. Nagpaalam ang doktor na aalis na, tumango lang si Timang.

"B-bakit nandito ako? Anong nangyare? Si Ate?" sunod sunod kong tanong. Naguguluhan ako kung paano ako napunta dito. Shit!

Umupo siya sa tabi ko. "Calm down, baka sumakit ang ulo mo" nagaalalang sabi niya.

Tinulak ko siya. "Sagutin mo ako! paano ako napunta dito? at anong sabi ng doktor?" kunware naguguluhan kong tanong. I was just acting na hindi alam kung bakit ako napunta sa hospital.

"Hindi ko alam Tif, magpahinga kana lang muna. Huwag kang mag isip ng kung ano-ano, papunta na ang mga magulang mo" mahinang sabi niya. Kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Tell me! may taning na ba ako?" naiiyak kong tanong. Pati pag iyak ko naging acting na. Siguro pag nandito si Mier tinatawanan niya na ako. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Shhh, don't cry hindi ka mamamatay" natatawang sabi niya.

Tinulak ko siya. "Bakit ganyan ka makatingin na para bang mamamatay na ako?" nahihiya ako sa mga pinaggagawa ko.

"H-ha...hindi ganon 'yon. Magpahinga ka na lang, do you need something?"

Si Ate! "Nasaan si Ate?" deretsong tanong ko na hindi sinagot ang tanong niya.

"Umuwi siya babalik mamaya, masakit pa ba ang ulo mo?" nag aalalang tanong niya. Pinakiramdaman ko ang sarili ko, umiling ako.

"Good, wait me here bibili lang ako ng kakainin natin" aniya tsaka humalik sa noo ko at umalis. Sa wakas at umalis na wala ng actingan na magaganap.

Ano 'yon? Ba't may pa halik? Shit! yung panaginip ko totoo ba 'yon? Napangiti ako ng maalala kong si AD, ang batang nagligtas sa'kin at Timnag ay iisa. Ibig sabihin may nakaraan kami kaya ba ang sweet niya sa akin? Alam niya ba na wala akong maalala? Nilibot ko ang paningin ko ang laki nitong kwarto para sa akin feeling ko mahal ang bayad dito. Bumalik nanaman ako sa hospital.

"What do you want?"

"Ay ang laki!" napasigaw ako sa biglaang pagsulpot ni Timang.

"Anong malaki?" kunot-noong tanong niya.

Feeling ko namumula na ako, umiwas ako ng tingin. "A-ah...malaking chicken...yun ang gusto ko hehe"

"Okay, don't think too much...baka sumakit lang ang ulo mo" malungkot niyang sabi at umalis.

Kingina! kung ano-ano ang lumalabas sa bibig ko. Sinilip ko ang suot kong damit iyong dress pa rin nung party. Inalala ko lahat kung paano ako napunta dito. Sa party, yung lalaking sinundan ko at ang pagmamadali ni Ate.

"Hey, are you okay?" tanong ni Timang hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala siya.

"H-ha? okay lang ako" naiilang kong sabi.

"Umorder na lang ako, may naaalala ka ba?" tanong niya habang nag babalat ng orange.

"W-wala" anong maalala? alam niya na wala may amnesia ako?

"Bakit namumula ang mukha mo?" tanong niya tsaka hinawakan ang mukha ko.

"L-lumayo ka nga! naiinis ako sayo" iritado kong sabi. Kingina! paano kung malaman niya? Sana hindi pa, hindi ko pa alam lahat ng nangyari sa akin hangga't hindi ko pa alam ang dahilan ng pagka-amnesia ko ayoko munang malaman ng iba.

The painful truth (COMPLETED)Where stories live. Discover now