Chapter 14

1.6K 46 0
                                    

Chapter 14

"Manang nakita niyo po ba si Sir?" tanong ko kay Manang habang bitbit ang damit ni Thalia at nilagay sa labahan.

"Naku iha kaaalis lang ewan ko ba sa batang 'yon kauuwi niyo lang kanina eh umalis nanaman, may problema ba?" tanong ni manang habang naglulutong hapunan.

"May itatanong lang po sana ako sakanya, ano pong niluluto niyo?" lumapit ako para tignan. "Hmmm, ang bango naman po niyan pang hapunan po ba?" nakangiti kong sabi.

Masarap ang luto ni Manang sa lahat ng pagkain na niluto sakanya ang pinaka gusto ko lalo na kapag adobo. Masarap din naman magluto si Mama pero mas masarap talaga 'tong kay Manang.

"Oo, nag request si Tim ng sinigang na baboy matagal na ring hindi nakakakain dahil busy siya, upo ka muna gusto mo bang tikman?" tumango lang ako bilang sagot. Sabaw lang ang tinikman ko.

"Ang sarap po manang, saan niyo po natutunang magluto? sa lahat po ng lutong nakain ko yung luto niyo ang pinakamasarap" nakangiting sabi ko. Bigla naman pumasok si Neri ay nakipagkwentuhan.

"Manaaaang nanalo po ako 1st runner up oh dibaaaa! unang sali ko pa lang po naka 1st runner up na paano pa kaya sa susunooood?" pagmamalaki ni Neri.

Kung ano-ano pang kinwento niya na nangyare sa pageant, natatawa pa siya sa tuwing magku-kwento pati si Manang at Abel natatawa na rin. Napangiti ako dahil sa ngiti ni Neri. Kapag nakatingin ka sakanya ay mapapangiti ka pero kapag tumingin ka sa kaniyang mata iba, may kakaiba.

Sana ganyan din ako ka saya tulad ni Neri, laging masaya, nakangiti, malakas pero alam kong isang maskara lamang iyon, lahat ng tao may problema depende na lang sa tao kung paano mag handle.

Sana kaya kong mag suot ng maskara gaya ng sakaniya masyado akong marupok para magtago hindi ko kayang itago ang nararamdaman ko lalo na kapag napamahal na ako sa tao. I hate my attitude na kahit maliit na bagay lang ang bilis ko masaktan.  Masyado akong marupok to the point na may makikita kang luha sa mga mata ko pag katapos mo akong sabihan ng masakit na salita, hindi ako tulad ng iba na kayang pigilan ang luha.

"Hooooy pwendsss okay ka lang ba?" tanong ni Neri, wala na pala sila manang kaming dalawa na lang ni Neri ang naiwan

"Asan na sila Manang?" tanong ko.

"Kanina pa umaliiiiis nagaayos ng lamesa maya maya lang ay kakain na raaaaw, okay ka lang ba? bakit paraaaang napapadalas na ang pagtunganga moooo?"

"Okay lang ako, akyat lang ako saglit sa itaas silipin ko si Thalia" paalam ko at umakyat na. Tulog pa rin si Thalia ng makapasok ako humiga ako sa kama at hinayaan ang sariling makatulog.

"Hey...hey kakain na" gising sa akin ni Timang. Nag unat ako ng katawan tsaka bumangon sinilip ko si Thalia pero wala siya.

"Nasaan si Thalia?" tanong ko sakaniya.

"Nasa baba kalaro ni Neri kanina pa gising"

Tumango lang ako at pumasok sa cr para maghilamos. Akala ko umalis na si Timang pero paglabas ko sa cr ay nasa kama siya nakahiga. Hindi ko siya pinansin nauna akong bumaba. Simula ngayon lalayo na ako sakanya.

"Oh Lati andyan kana pala tara na kakain na nasan si Tim?" tanong ni Manang.

"Nasa taas po" tipid kong sagot at lumapit kay Thalia tsaka siya binuhat.

"Kumain na siya pweeends pinakain ni Manang" tukoy ni Neri kay Thalia. Nagpasalamat naman ako kay Manang nahihiya tuloy ako dahil trabaho ko 'yon pero sila ang gumawa. Tapos na kaming kumain pero hindi pa rin bumababa si Timang.

"Neri pwede bang magtanong?" tanong ko kay Neri nasa kusina kami naghuhugas siya ako naman ay kalaro si Thalia sa crib ang iba naman ay may ginagawa.

"Ano yuuuun?"

"Bakit hindi ka maingay nung nandun tayo sa inyo?" tanong ko nakatalikod siya sa amin ni Thalia.

"Napansin mo pala yuuuun, ayaw kasi ng nanay kong maingay akoooo pangit daw sa babae ang maingay kapag nandun lang ako tahimik peroooo kapag wala ay maingay ako hahahhaha" natatawa niyang sabi.

"Ahhh kaya pala...Nasaan pala ang tatay mo?"

Napahinto siya sa paghugas dahil sa tanong ko, humarap siya sa akin ng may pilit na ngiti sa labi.

"H-hindi ko alam ehhhh, pero kung nasaan man siya huwag na siyang bumaliiiik" nauutal niyang sabi tsaka humarap sa hugasin. Tama ako may mali nga.

Lumapit ako sakanya. "Okay lang yan Neri, hindi mo kailangang ngumiti huwag mong pilitin ang sarili mo"

Yumakap siya sa akin. "H-hindi ko na alam ang gagawin ko Lati, wala akong magawa para sa pamilya ko ako na lang ang hinuhugutan nila ng lakas kaya kahit mahirap nagsisikap pa rin ako" humagulgol siya ng iyak.

Hinagod ko ang kanyang likuran. "Shhh okay lang yan malalagpasan niyo rin iyan. Kahit ilang linggo pa lang kita nakakasama kilala kitang malakas basta kung may kailangan ka andito lang ako tapusin mo na yan at sa kwarto na lang tayo mag usap" pagpapatahan ko sakanya.

Pinunasan niya ang kaniyang luha. "P-pasensiya na ha, nabasa ka tuloy. Mauna na kayo ni Thalia susunod na lang ako salamat Lati ha"

"Hihintayin kita sa taas" sabi ko at umalis na.

Pagkapasok ko sa kwarto ay humiga ako kasama si Thalia na nilalaro pa rin ang barbie. Matutulog na sana ako kaso naalala ko mag uusap pa pala kami ni Neri. Pagkatayo ko sa kama ay nakita ko si Timang nakatayo sa harapan ko seryosong nakatingin sa akin at naka boxer lang.

Lunok

Lunok

Lunok

Shit! Tifah huwag kang marupok abs lang yan. Paano siya naka pasok? hindi ko narinig ang pagbukas ng pinto nung pumasok siya.

Umiwas ako ng tingin. "Anong kailangan mo?" normal kong tanong. Pero imbis na sagutin ako ay lumapit lang siya sa akin kaya napahiga ako sa kama.

"P-pwede bang lumayo ka sa akin?" mahinang sabi ko

Lumayo kang Timang sa akin kingina baka marinig niya yung tibok ng puso ko sa sobrang lakas. Papalapit na yung mukha niya sa akin isang dangkal na lang ang pagitan. Umiwas ako ng tingin sakanya napaharap ako sa kanan kung nasaan si Thalia naglalaro pa rin.

"Why are you doing this to me? Naaakit ako kahit anong gawin mo kahit simpleng damit lang naaakit pa rin ako" mahina niyang sabi. Naamoy ko ang alak sa kaniyang hininga.

Tinutulak ko siya. "Hindi kita inaakit, pwede ba umalis ka na ang bigat mo" seryosong sabi ko, nakapajama na nga lang ako at tshirt. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at nilagay sa taas ng aking ulo na parang wala na akong kawala. Shit! kingina yung puso ko lalong bumibilis yung tibok.

Napatingin siya sa aking mata papuntang labi na parang gusto niyang tikman. Kingina talaga! wala akong magawa lumalambot ako sa titig niya.

Nagsimula siyang halikan ang labi ko dahil marupok nga ako ay humalik ako pabalik. Naramdaman ko si Thalia sa tabi namin. "S-si Thalia" mahinang sabi ko. Pero hindi niya pinansin ang sinabi ko.

Nagpatuloy lang siya sa paghalik pababa sa aking leeg ng biglang bumukas ang pinto pareho kaming napatingin. "Ayyy hotdog! halaaaa sorry siiiir!" paumanhin ni Neri tsaka sinara ang pinto. Tinulak ko si Timang dahil sa kahihiyan natatawa lang siya dahil sa pagtulak ko.

"Huwag mo ng uulitin yun" naiinis kong sabi tsaka kinuha si Thalia at nilagay sa crib.

Humarap ako sakanya. "Alin? ang hindi pag lock ng pinto? don't worry next time ilolock ko na" nakangising sabi niya at hinapit niya ako palapit sa kaniya.

Lumayo ako sakanya. "Ano ba! napapadalas yang pag hapit mo sa akin ah! at anong pag lock ng pinto? bobo ka ba? syempre ang halikan ako!" inis kong sabi at pumasok ako sa cr.

The painful truth (COMPLETED)Where stories live. Discover now