Chapter 6

1.8K 46 0
                                    

Chapter 6

"Gabing-gabi na lumalandi pa, iba talaga kapag higad kahit gabi kinakati pa rin" pagpaparinig niya.

Nilagpasan ko lang siya at pumasok na sa loob. Wala akong pake sakanya, maka sabi ng higad eh siya naman 'tong mukhang higad. Pumasok na ako sa kwarto ni Thalia nakita kong may kausap si Neri sa cellphone ko pagkapasok ko. Naiwan ko nga pala kanina.

"Wait lang ho sir" sabi ni Neri sa kabilang linya at ibinigay sa akin ang cellphone. Nagtataka akong tumingin kay Neri at sinenyas niya sa'kin na kausapin ko ang nasa kabilang linya.

"Hello?" kunit-noong tanong ko. Sumenyas si Neri na lalabas na, tumango lang ako at nagpasalamat.

"Saan ka galing?" inis na tanong ni Sir Tim.

"A-ah...kumuha ng gamit" kinakabahang paliwanag ko.

"Sinong naghatid sayo?"

"Kaibigan po sir"

"Don't call me sir. Bakit hindi ka nagpahatid kay Manong Nestor? gabing-gabi na!" inis niyang sabi. Ba't nanaman? anong problema ng timang na 'to?

"A-ahh...nahihiya kasi ako na magpahatid kay Manong Nestor"

"Next time kay Manong Nestor ka magpahatid or kay Abel, hindi sa kung sino-sino lang"

"Kaibigan ko naman si Teo, walang mangyayareng masama sa akin" teka, bakit ba nagagalit siya sa akin wala naman akong ginagawa ahh at bakit ako nagpapaliwanag?

"Kahit na next time mag paalam ka sa akin, what if something bad happen to you?" galit niyang tanong.

"Ano ba! bakit ba nagagalit ka? kaibigan ko naman yun ah at isa pa grabe ka kung mag-alala! para kang nanay ko ewan ko sayo!" sigaw ko. Pagdating sakanya kumukulo ang dugo ko or sumasakit ang ulo.

"Kasalanan ko kung may mangyareng masama sayo, ang sa akin lang ay magpaalam ka bago umalis. Paano kung may mangyareng masama sayo? Obligasyon kita dahil nakatira ka sa pamamahay ko and you're fucking flirting with someone in the middle of the night!" singhal niya.

Kingina! ang dami niyang sinabi pero flirting talaga ang hindi ko nakimutan. "Flirting? flirting mo mukha mo!" tsaka ko pinatay.

Anong akala niya sa akin malandi? Ang kapal ng mukha niya, boss ko lang siya at wala siyang karapatang pagsalitaan ako ng ganon. Sumasakit nanaman ang ulo ko. Sinilip ko si Thalia dahil sa sobrang lakas ng boaes ko kanina kaya possibleng magising siya, mabuti na lang at hindi nagising. Kaimbyerna nung timang na 'yon.

Kinabukasan tumawag ako kay Mier para ikwento ang lahat. "Naiinis pa rin ako hanggang ngayon" naiinis kong sabi.

"Gaga! Baka naman concern lang kaya ganon"

"Concern ba ang tawag dun?" naiinis ako lalo kapag naaalala ko.

"Oo bobonikels! syempre ikaw ang yaya nung anak niya what if may mangyareng masama edi tegi ka? or kung may mangyare sayo siya ang sisisihin dahil oras mo naman talaga ng trabaho bakla!" paliwanag niya.

"Pwede naman akong pagsabihan ng mahinahon Mier, you know me. Ayoko sa lahat yung sinisigawan ako ng basta-basta"

"Ewan ko sayo bakla! baka nagselos, baka siya na ang future mo ay pasok!"

"Ewan ko sayo Mier, kung ano-anong iniisip mo" nandidiri ako sa mga sinasabi niya.

"Akala mo naman virgin pa! you're not a virgin anymore Lati! kaya huwag mo akong inookray"

"Okray ka diyan, virgin pa ako" nahihiya kong sagot.

"Sure ka ba?"

"Ewan ko sayo" lalo akong naiinis dahil sa kausap ko. Virgin pa ako, hanggang halik lang ako kapag kasal ko ibibigay ang perlas ng silangan.

The painful truth (COMPLETED)Where stories live. Discover now