Chapter 31

1.4K 37 0
                                    

Chapter 31

Nasa palengke ako ngayon kasama si Neri, si Manang dapat ang kasama niya pero masakit ang paa ni Manang. Si Animalia naman ay maarte ayaw samahan si Neri dahil mabaho raw sa palengke, dami niyang arte. Medyo naiinis na ako dahil kakagaling ko lang sa hospital tapos ako pa yung sinama okay lang sana kung hindi ako galing sa hospital kahit buong araw pa kami dito.

"Marami pa ba tayong bibilhin? kanina pa tayo paikot-ikot, baka umiiyak na si Thalia tsaka sumasakit ang ulo ko Neri" sabi ko kay Neri habang tinitignan niya ang nasa listahan. Wala akong alam sa pagtingin ng mga pinamili kaya taga bitbit lang ako hindi naman ganun karami kaya okay lang.

"Halaaaa wait lang sabihin mo sa ulo mo na huwag muna sumakit pagdating na lang natin wait laaaang pweeends kamatis na lang ang kulang tara doon tayo sa unahan. Kaya mo pa ba?" tumango lang ako bilang sagot. Hinila niya pa ako papuntang harap kung saan napuntahan na namin.

"Manang magkano po ang kamatis niyo?"

"30 isang kilo"

Kanina lang ay nakita kong 25 pesos isang kilo tapos ngayon 30 na? "Nagmahal?" kunot-noong tanong ko.

"Masakit?" biglang singit ni Neri.

"Porket nagmahal masakit na, magkaiba ang presyo ng kamatis sa totoong pagmamahal Neri" natatawang sabi ko sakanya natawa rin tuloy si Manang kaya nahulog yung pustiso niya lalo akong natawa kaya pati si Neri ay natawa na rin.

"Halaaa Manang nakalimutan niyo po atang mag polident" natatawa niyang sabi. Inabot ni Neri yung pustiso dahil malapit lang sakanya.

"Bibili ba kayo or tatawanan niyo lang ako?" inis na tanong ni Manang pinigilan namin ang tawa at umalis, bumili kami sa ibang tindahan.

Hanggang sa pag-uwi ay natatawa pa rin kami. First time kong makakita ng pustiso at sa palengke pa. Kahit paano naman ay nawala sa isip ko ang naalala ko pati ang nangyareng pamamaril sa pottery shop.

"Babalikan ko si Manaaaaang kapag pasko reregaluhan ko siya ng polident" natatawang sabi ni Neri habang inaayos ang pinamili namin.

"Ikaw talaga" natatawang sabi ko.

Pagkatapos naming ayusin ang pinamili ay buong araw akong nasa kwarto nakikipaglaro kay Thalia. Minsan naman ay sumasama si Neri sa laro namin. Si Neri na lang talaga ang hindi nag papaboring sa akin dito sa bahay pero minsan nakakarindi.

"Pweeeeends! ano yang pinapanood mo?" tanong niya sa akin.

"EXO next door, hindi ko pa kasi napanood"

"Talaga? isa ka ring Exo-l? halaaa sinong bias mo?" excited niyang tanong.

Tumingin muna ako kay Thalia bago ko siya sinagot. "Si Chanyeol, Baekhun at Sehun. Ikaw?"

"Hala sa akin si Sehuuuun feeling ko kasi ang laki ng ano niya wahhhh! kinikilig ako" tumitili pa siya hindi ko na lang pinansin. Nasa part na ako kung saan sinisilip ni Ji Yeonhee sila Baekhyun na kausap si Kai nang biglang magsalita si Neri.

"Nakakatawa yan pweeeends! mahuhuli ni Sehun si Ji Yeonhee na sinisilip sila tapos nakaisip ng kalokohan si Sehun at Baekhyun na kunware naghahalikan sila tapo-"

Pinatay ko ang TV. "Punta ka sa harap" tinuro ko ang harap. Nagtataka siyang sumunod sa akin. "Ituloy mo ang sunod na mangyayare" mariin kong sabi sakanya.

"Pwends namaaaan!"

"Nanonood ako tapos iku-kwento mo spoiler ka alam mo ba yun? nasa part pa lang ako kung saan sinisilip ni Ji Yeonhee sila Baek tapos sisingit ka, ngayon dyan ka sa harap ikwento mo hanggang dulo, napanood mo na diba?" inis kong sabi. Naiinis talaga ako sa mga spoiler next time nga pag manonood ako dapat walang Neri sa paligid.

"Heto namaaaan, sige na hindi ko na iku-kwento panoorin mo na hehe"

Binuksan ko na ulit ang TV, dahil sa inis ko hindi ko siya pinansin. Siya pa ang nag e-enjoy na manood kaysa sa akin.

Gabi na ng matapos ko ang pinapanood nagpaalam si Neri na aalis dahil meron siyang sinampay bigla kasing umulan ng malakas. Kumakain ako habang pinapatulog si Thalia. Tatayo na ako para ilagay sa kusina ang plato.

Pipihitin ko pa lang ang door knob ng bumukas ito at nakitang basang-basa si Neri. "Neri bakit basang-basa ka?" naghanap ako ng tuwalya at mabilis na binigay sakanya pero hindi niya tinanggap.

"I-ibigay mo na lang...kay sir Tim, haaaaa! mas kailangan niya yan. Nasa labas siya basang-basa ayaw pumasooook pweeeends" hinihingal na sabi niya.

Nagmadali akong lumabas naghanap ako ng payong tsaka lumapit kay Timang.

"Bakit ka nandito sa labas, pumasok na tayo basang-basa ka" mariin kong sabi sakanya.

"Hindi ako papasok hangga't hindi mo ako napapatawad" lasing na sabi niya.

Kunot-noong nakatingin ako sakanya. "Ano bang pinagsasabi mo, halika na aalalayan kita. Bakit ba kasi lagi kang lasing pag umuuwi may problema ka ba?!" sigaw ko sakanya. Naiinis ako sa tuwing lasing siya kung ano-anong lumalabas sa bibig niya, hindi ko naman maintindihan.

Lumuhod siya. "Forgive me for what I've done, it's not my intention to do it. Ikaw ang nauna pero hindi ko naman alam na hahantong sa ganun. Please forgive me" naiiyak niyang sabi.

Naiinis na ako ha, nauubos na ang pasensiya ko. "Oo na, pinapatawad na kita. Halika na tumayo ka diyan at pumasok na tayo sa loob" pinilit ko siyang tumayo pero ang tigas talaga ng ulo ayaw tumayo.

"Tatayo ka dyan o sisipain kita?" banta ko sakanya. Hindi siya mahirap sipain kapag ganitong ubos na ang pasensiya ko pati tuloy ako basa na, dahan-dahan siyang tumayo.

"Tatayo ka naman pala, halika na" nilagay ko sa balikat ko ang braso niya at inalalayang pumasok. Lumapit naman sa amin si Abel para tulungan ako.

Binigyan kami ng panibagong tuwalya ni Manang. "Jusko kang bata ka! magkakasakit ka sa ginagawa mo" nag-aalalang sabi niya.

"Manang, pwede po bang pahatid ng soup sa kwarto niya" mahinang sabi ko kay Manang.

"Kaya mo bang alisin yang damit mo?" tanong ko sakaniya pero hindi siya sumagot. Tinawag ko si Abel dahil hindi ko kayang hubaran si Timang.

"Abel ikaw na lang ang mag alis ng damit, aalis muna ako at magpapalit" sabi ko kay Abel, lumapit ako kay Timang. "I'll be back later" paalam ko sakanya at hinalikan siya sa noo.

Naabutan ko si Neri sa kwarto hindi na siya basa mukhang kakatapos niya lang mag shower.

"Pwennnds hindi mo ba napapansin? Laging lasing si sir sa tuwing umuuwi siya?" takang tanong niya.

"Nagtataka rin ako, baka may problema siya. Ganun naman ang mga tao ngayon may problema lang eh ang akala nila alak na ang sagot"

"Kasiiii dahil sa alak pansamantalang nawawala ang problema"

"Pansamantala lang pero kinabukasan nadagdagan naman ang sakit na nararamdaman mo, maliligo muna ako pakibantay muna si Thalia"

Mabilis lang akong naligo dahil kailangan ko pang balikan si Timang. Nagpupunas ako ng buhok papuntang kwarto ni Timang. Bubuksan ko na sana ng makarinig ako ng ungol ng isang babae. Nagsimulang bumilis ang tibok ang puso ko bubuksan ko na sana ang pinto pero pinigilan ako ni Abel. Pinigilan ko ang luha ko.

"A-anong nangyayari sa loob Abel?" nauutal kong sabi.

Nilayo niya ako sa may pinto. "W-wala naman binibini puntahan mo muna si Thalia baka hinahanap kana, hindi mo gugustuhin ang makikita mo"

"Wala? anong wala! may naririnig ako Abel, hindi ako bingi, anong hindi gugustuhing makita? lumayo ka sa akin gusto kong makita" naiiyak kong sabi. Pinipigilan niya akong lumapit sa pinto pero hindi ako nagpatalo sakanya.

Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong nakapatong ang isang hubad na babae sa hubad na katawan ni Timang hindi ko makita ag mukha ng babae. Halos mawalan ako ng hininga dahil sa nakikita ko ngayon. Nagsimulang kumawala ang luhang kanina ko pa pinipigilang bumagsak. Hindi ko pa nga siya napapatawad sa ginawa niya tapos may panibago nanaman. Kingina! sobra naman na ata.

The painful truth (COMPLETED)Where stories live. Discover now