Chapter 21

1.5K 34 0
                                    

Chapter 21

Isang linggo akong nagkulong sa bahay hindi ako pumasok at hindi ko sinasagot ang tawag ni Sofy lalong lalo na ang tawag ni AD.

"Latifah open the door, your Mom told me na hindi ka pa kumakain simula breakfast. Open the door mag uusap tayo" sabi ni Dad wala akong choice kundi buksan dahil takot ako kay Dad.

Yumakap ako kay dad pagka bukas ko ng pinto. "Is there somthing wrong?" nag-aalalang tanong niya.

"I'm not feeling well dad" malungkot kong sabi. Umupo kami sa kama ko nakayakap pa rin ako sakanya habang hinahaplos niya ang aking likod. Hindi ko close si daddy dahil lagi siyang wala dito sa bahay pero ngayon parang gusto kong siya lang ang kausapin ko wala ng iba.

"Why? simula nung nanggaling tayo sa party nagiging matamlay kana. What happened tell me"

"Mahal ko siya dad, pero hindi ko kayang wala si Sofy. This guy is courting my bestfriend pero nagbibigay siya ng mga motibo na mahal niya ako lagi niya akong napapasaya pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil alam kong mali. Ayokong mawala ang pinagsamahan namin ni Sofy sinusubukan ko naman pong iwasan siya but here I am I look like a mess. Hindi ko kayang mawala ang lalaking mahal ko kahit pinapalungkot lang ako lalo" naiiyak kong sabi.

"Anak ganito yan, the only reason why you don't want to let go of what makes you sad is because it is the only thing that makes you happy. Pero kung mahal ka nga talaga niya hindi siya manliligaw sa kaibigan mo. He's wrong walang matinong lalaki ang liligawan ang isang babae samantalang ang isa ay pinapakilig lang. Hayaan mo siyang mag desisyon. Sometimes you just have to do what's best for you, always remember that you are worthy enough. It only takes the right one to see it. Wipe your tears let yourself rest for a while" pinunasan ni daddy ang luha ko.

"Thanks dad medyo gumaan na po ang pakiramdam ko"

"Basta kung ano man ang desisyon mo andito lang kami ng Mommy mo. Kausapin mo siya ng maayos huwag kang magkulong dito sa kwarto dahil sa ginagawa mo napapalayo ang loob ng kaibigan mo. Go to school tommorrow nagagalit ang lola mo sa akin dahil hindi ka pumasok ng isang linggo gustong bawian ang pottery shop. Sige na sumabay ka ng kumain maligo kana. I love you" aniya tsaka hinalikan ako sa noo at umalis.

Dahil sa sinabi ni dad ay nag decide akong pumasok bukas ayokong mawala ang pottery shop sa akin. Humiga pa ako ng ilang oras at naligo na.

Pagkababa ko ay nagulat ako ng makita si AD kausap si Mom at Dad. Kunot-noo akong tumingin sakanya. Tumayo siya ng makita akong nakatingin sakanya.

"Good evening" nakangiting bati niya sa akin tsaka inabot ang isang boquet ng bulaklak.

Hindi ko kinuha ang bulaklak. "What are you doing here?!" inis kong sabi sakanya. Tumingin ako kay Daddy pero nakangiti lang siya.

"Dad what is this? What is he doing here?" naguguluhan kong tanong.

"Akyat na kami ikaw ng bahala sa anak namin" nakangiting sabi ni Mommy at umalis.

"What are you doing here?!" tanong ko ulit sakanya.

"Chill tinawagan ako ng Daddy mo dahil hindi ka kumakain. Why? May lagnat ka ba? tell me" nag-aalalang tanong niya kanina lang ay nakangiti siya tapos ngayon ughh!

Tinutulak ko siya palabas. "Labas ka hindi kita kailangan kaya kong kumain ng wala ka. Aliiiis! ali-"

Hindi ko natulog ang sasabihin ko ng makita si Sofy na papalapit sa amin. "Sissy? What are you doing bakit mo tinutulak si Chad?" nagtatakang tanong ni Sofy.

The painful truth (COMPLETED)Where stories live. Discover now