Chapter 7

1.8K 47 0
                                    

Chapter 7

Nagising ako sa iyak ni Thalia. Mukhang ginugutom kaya bumaba ako para kumuha ng makakain niya, habang sinusubuan siya nang patatas may tumatawag sa cellphone ko sa messenger, si Timang.

"Good morning, uuwi ako before lunch. Pakisabi kay Manang na mag ready ng lunch"

"Okay sir" boring kong sagot.

"Don't call me sir. How's my daughter?"

"Okay lang sir, sinusubuan ko siya ngayon" ayaw tawaging sir huwag ng pilitin.

"Can I see you?" tanong niya.

"A-ah ako? bakit?" naguguluhan kong tanong.

"Of course yung anak ko, I want to see my daughter" biglaan niyang sagot. Akala ko kung ano na. Hindi kase nilinaw agad. "Ah ok wait" pinindot ko ang video call. Tinapat ko kay Thalia ang camera.

"Good morning baby, I miss you" kausap niya sa anak. Humahalik naman si Thalia sa cellphone.

"Don't eat the phone, Tif ilayo mo sakanya" masungit niyang sabi.

"Hindi niya kinakain yung cellphone, gusto ka niyang ikiss"

"Oh really! later baby, kiss me" nakangiti niyang sabi.

"Lati, i gotta go now. Magte-text na lang ako kapag magpapasundo thank you" then he hang up.

Pagkatapos kong subuan si Thalia ay pinabantay ko siya kay Neri dahil mag-aalmusal pa ako. Mga ilang oras lang ay nag text si Timang na magpapasundo.

"Kuya Nestor, nagpa-pasundo na po si sir Tim sa airport"

"Sige Lati, pakisabi na lang kay Manang na umalis na ako" tumango lang ako. Pagkatapos kong sabihin kay manang na umalis na si Kuya Nestor ay umakyat na ako sa kwarto ni Thalia.

"Salamat Neri"

"Wala yun ano ka ba pwends naman kita ehhh, kahit tinulugan mo ako kagabiii, bumalik ako para ituloy kaso tinulugan mo akoooo" nagtatampo niyang sabi habang binabantayan si Thalia na naglalaro sa kama.

"Sorry"

"Okay lang next time ko na lang itutuloooooy, Alis na ako haaaaa, tutulungan ko pa si Manang"

"Sige" ngiting tugon ko.

"Princess, ang bango mo" inamoy ko siya, ang bango niya. Narinig ko na ang busina ng kotse mula sa labas. Binuhat ko si Thalia at sumilip mula sa veranda ng kwarto ni Thalia.

Nakita kong lumabas si Timang sa kotse at deretsong tumingin sa'kin ng masama. Sa'kin? Totoo ba ang nakita ko? Sa'kin siya nakatingin or kay Thalia?

"Baby, kanino nakatingin ang daddy mo sa'kin o sayo?" naguguluhan kong tanong kay Thalia. Tinuro naman ako ni Thalia na parang naintindihan niya yung tanong. Lalo tuloy akong nangigil sakanya.

"Ang bango mo baby" sambit ko habang inaamoy siya sa leeg.

"Ako ba?" nakangising tanong ni Timang, nasa likuran siya ni Thalia. Muntik na akong matumba dahil ang lapit niya sa'kin si Thalia lang ang pagitan namin.

"Oh ba't parang gulat na gulat ka?" natatawa niyang tanong. Parang kanina lang salubong ang kilay tapos ngayon nakangiti na.

Lumayo ako sakanya. "A-ah wala po" naiilang kong sagot.

"I miss you baby" sambit niya tsaka lumapit at kinuha sa'kin si Thalia.

"Do you miss daddy?" nakangiti niyang tanong sa bata. Hinahawakan lang siya ni Thalia sa mukha.

The painful truth (COMPLETED)Where stories live. Discover now