CHAPTER 1

2.8K 69 0
                                    

Jeralyn

I'm biting my lower lip habang nagdidilig ng mga bulaklak ko dito sa hardin ng aming bahay. Most of all it's bonsai. Mahilig kasi ako sa maliliit na mga bulaklak kaya napagtripan ko ang mga bonsai.

It looks cute in my eyes. Ang sarap nilang tingnan dahil ang liit-liit nila.

"Jeralyn? Honey?"

Itinigil ko ang aking ginagawa saka hinarap ang aking mommy na tinatawag ang pangalan ko.

Naglakad muna ako sa may gripo na nakakonekta sa hose na hawak ko at pinatay ito.

"Do you need something mom?" Baling ko sa aking mommy na ngayon ay tuluyan ng nakalapit sa akin.

"You need to get dress. Kailangan na nating pumunta sa Charity."

"Okay mom." Tugon ko.

Hinawakan niya ako sa kamay at sabay kaming pumasok sa kabahayan. Naabutan namin si dad sa living room na nagbabasa ng diyaryo at nakabihis na ng pormal. Ganun din si mom.

"Good morning dad."

"Good morning too sweetheart." Tugon niya saka ako matipid na nginitian.

Naglakad sa gawi niya si mom saka tumabi ng upo. Napangiti ako saka duneretso sa second floor kung nasaan ang aking kuwarto.

I'm twenty four already but my family is still the same. I'm just the only daughter so that's why they treat me like a princess.

We always bond at each other and hang-out. Sometimes we went to different countries to enjoy our vacation.

Para sa akin perpekto na ang pamilya ko. Wala na akong mahihiling pa sa kanila na hindi nila ibinigay sa akin.

Those memories with them, it's unforgettable. Those bonding time with them, it's overwhelming.

Nakaalalay nalang ako sa aking mga magulang ngayon na may ari ng isang sikat na kompanya. And Cuevas Empire.

Most of all, charity's ang priority namin dahil bukal sa loob ng aking mga magulang na tumulong.

We help a lot af charity's. Kaya hindi kataka-taka na maraming mga bata at pamilya ang masaya sa amin.

Nang matapos na akong maligo at magbihis ay bumaba na ako papunta sa living room.

Nanduon pa din si mom at dad sa kanilang pwesto kanina.

Nakangiti akong lumapit sa kanila dahil hindi nila ako napansin nung pababa na ako sa hagdan.

"Mom, dad. Let's go?"

Napaangat sila ng tingin sa akin.

"Oh, yes. We should go now. Baka kanina pa naghihintay ang mga bata sa Open Home Orphanage."

Ang Open Home Orphanage ay ang bahay ampunan na tinutulungan namin ngayon.

Tumayo si dad at inakay na kami palabas. "Ano pa bang hinihintay natin? Let's go."

Napangiti nalang kami ni mom bago sumunod kay dad na nauna ng lumabas sa bahay.

Dad always had a good heart to everyone. Sa aming pamilya, siya ang pinakamabait at mapagmahal.

Sumakay ako sa backseat ng sasakyan ni dad habang si mom naman ay nasa passenger seat. Tahimik lang akong tumingin sa labas ng bintana habang bumabiyahe kami.

Minutes later, nakarating na din kami sa Orphanage na gustong tulungan nila mom. Soon. Ako naman ang magma-manage ng ginagawa ng pamilya ko ngayon.

Black Mafia 5: Zeff LendezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon