CHAPTER 5

1.6K 53 0
                                    

Jeralyn

"Jeralyn? Jeralyn. Jeralyn."

Sumama ang mukha ko nang marinig ko ang pangalan ko ng paulit-ulit. Nawala lang yun nang maalala ko kung nasaan ako ngayon.

Tipid akong ngumiti kay John na mukhang natakot sa itsura ko.

"Sorry. May iniisip lang ako."

Kung nagtataka kayo kung bakit ko siya kasama ngayon ay nagyaya siya. Matagal na din naman kaming hindi nagkikita mula ng makita ko siya sa naturang Café kung nasaan din kami ngayon.

He wants to hang out with me kaya pumayag ako.

But mere the fact that my mind is far, hindi ako mapakali. Tatlong araw na ang lumipas nang halikan ako ni Zeff sa banyo ng amusement park.

He just press his lips on me but it send a tingling sensation in my body. Hindi ko maintindihan pero nag-iinit ako sa kanyang halik.

Nababaliw na talaga ako.

Lihim akong napabuntong hininga sa naisip. Hindi na talaga mawala-wala sa isip ko ang nangyari at lalo na anf salarin.

"Hmm, mukhang malalim yang iniisip mo."

Napaangat ako ng tingin sa kanya. "Sort of. Ilang araw na itong hindi mawala sa isip ko."

Humalukipkip siya saka ako mataman na tinitigan. "Is that a sort of a problem? Or some business that out of my line?" Tanong niya.

Napangiwi ako. "The latter."

"It's out of my line." Bahagya pa siyang natawa sa kanyang sinabi.

Hindi na ako tumugon sa halip ay ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko ng isang slice ng caramel cake. Si John naman ay umiinom ng cappuccino.

"Kung may kaibigan kang ginagamit ka lang, anong gagawin mo sa kanya?" Out of the blue kong tanong sa kanya na ikinatigil niya sa pagsimsim ng cappuccino.

"It depends." Kibit balikat niya. "wala pa naman akong kaibigan na ginagamit lang ako. After all, ikaw pa lang ang naging kaibigan ko simula nung makauwi ako dito."

Napatango-tango ako sa kanyang sinabi. Tama nga naman siya. Paano niya malalaman kung wala naman siyang kaibigan bukod sa akin.

Isa pa, wala naman siyang atraso sa akin para gamitin ko siya.

So kailangang may atraso sayo yung tao para gamitin mo? Ganern?

Napairap ako sa isang bahagi ng isip ko na palaging hindi sang-ayon sa akin. Ewan ko ba, pati ako naguguluhan sa sarili ko.

"About the guy I saw with you. Yung nagkita tayo dito sa Café? Boyfriend mo ba yun? Nakita ko kasing magkasama kayo nung nagpaalam na ako sayo."

Napatigil ako sa pagsimsim ng aking frappe at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. Pabiro akong natawa dahil sa kakaibang kilabot sa pakiramdam ko nang banggitin niya ang salitang 'boyfriend'.

"Naku, hin—"

Nauwi sa pag-awang ang bibig ko nang makita ko ang taong preskong naglakad palapit sa amin habang malamig ang aura.

Nauwi sa panlalaki ang mata ko dahil bakit nandito siya?! Isa pa naman ako sa tipo ng babae na matagal maka move on. So in short, hindi pa ako nakaka move on sa nangyari sa amin sa banyo.

Nagtatakang tiningnan ko siya nang kumuha siya ng isang upuan sa lamesang walang umuukupa at nilagay ito sa tabi ko saka siya naupo.

"Hi. I'm Zeff Lendez. And you are?" Tanong niya kay John ngunit hindi parin ako makagalaw sa aking kinauupuan.

Black Mafia 5: Zeff LendezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon