CHAPTER 8

1.4K 53 0
                                    

Jeralyn

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa nakakabinging alarm na siyang dahilan ng paggising ko. Kinuha ko ito sa side table saka pinatay.

Kinusot-kusot ko ang aking mata bago umalis sa kama. Inayos ko muna ito bago dumeretso sa banyo upang maligo. Nang matapos ako ay pumunta ako sa walk in closet para magbihis. Nagsuklay ng buhok bago lumabas ng kwarto.

Pababa pa lamang ako sa hagdan ay naririnig ko na ang ingay na nanggagaling sa kusina. Wala sa sariling napangiti ako at duon dumeretso.

"Ang sarap po ng pancake niyo dad!" Maligalig na wika ni Nicole habang kumakain ng pancake. Iyon ang naabutan ko nang pumasok ako sa kusina.

Si Zeff ay nakatalikod sa akin habang nagluluto. Si Nicole na pukos sa pagkain kaya si Kenneth lang ang nakapansin sa akin.

"Good morning mom."

Napangiti ako bago siya hinalikan sa noo at umupo sa tabi niya. "Good morning too kiddo."

Napatingin ako kay Nicole nang bumaba siya sa kanyang inuupuan at lumapit sa akin sabay yakap.

"Good morning mom."

Napapangiting ginulo ko ang kanyang buhok saka siya hinalikan sa noo. "Good morning too my baby."

"And here is the last pancake for my wife."

Napabaling ako kay Zeff nang ibigay niya sa akin ang platong may lamang pancake. Bumalik na ulit si Nicole sa kanyang kinauupuan at pinagpatuloy ang pagkain.

Napangiti ako habang nakatingin sa pancake. Sumulyap ako kay Zeff na nasa tabi ko.

"Thanks."

"Your welcome wife." Aniya bago halikan sa noo.

Nanigas ako sa aking kinauupuan dahil sa kanyang ginawa. Wala sa sariling napahawak ako sa aking noo.

He didn't usually kiss my forehead. Ngayon pa lamang niya ito ginawa sa akin kaya nakakagulat.

Pero wag kang mag assume girl. Baka ginagawa lang niya yan para hindi manghinala ang mga bata.

Agad kong ibinaba ang kamay kong nakahawak sa aking noo at tipid na ngumiti.

Siguro tama nga ang isang bahagi ng isip ko. Na ginagawa lang niya iyon para hindi magtaka ang mga bata.

Afterall, noon na wala pa ang dalawang bulilit dito ay hindi niya naman yun ginagawa. Yeah. My mind is right.

"Where do you want to go kids?" Biglang usal ni Zeff na nakapagpatigil sa akin na mag-isip.

Kunwaring napahawak sa baba si Nicole. "Gusto ko pong mag picnic."

"How about you Kenneth?" Baling ni Zeff sa katabi ko.

"I agree with Nicole. Gusto ko din pong mag picnic." Tugon ng bata.

Napatingin sa akin si Zeff at binigyan ako ng makahulugang tingin.

I smiled and nod at him. Alam kong hinihintay lang niya ang kompirmasyon ko.

Okay lang naman kung hindi ako magtrabaho ngayon. Gusto ko din naman kasing makasama ang mga anak ko sa unang araw nila dito.

"But after that, we will go to mall. Kailangan nating bumili ng mga gamit niyo." Singit ko.

Napasinghap si Nicole at parang nagningning ang mga mata. "Totoo po mommy?"

"Hmm-mm." Tumatango-tangong ani ko.

Nicole giggled before continue to eating. Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan ang dalawang lalaki na masinsinan na nag-uusap.

"I will enroll you in a school with Nicole. Bantayan mo siya duon at wag na wag mong hahayaan na may lumapit sa kanyang lalaki." Seryosong ani ni Zeff.

Black Mafia 5: Zeff LendezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon