CHAPTER 15

1.4K 53 0
                                    

Jeralyn

Kinabukasan nga ay sinamahan ako ni Zeff patungo sa address na ibinigay sa akin ni mother. Inihabilin namin ang mga bata kay Lou na hindi naman nag protesta.

Hindi nagtanong sa akin ang mga bata kung bakit namin sila inihabilin sa kanilang Tito. Sumang-ayon lang sila at sumama kay Lou.

"Do you know who are the relatives of your real parents?" Tanong ni Zeff habang bumabiyahe kami.

Tumango ako. Nanatiling nakatingin sa labas ng bintana.

"Oo. May sinabing pangalan sa akin si mother. Hindi ko nga lang alam kung sino yun. Pero pakiramdam ko may koneksyon ito sa magulang ko. Sinabi din naman ni mother ang pangalan ng nanay ko."

"Bakit hindi nalang sinabi sayo ni mother ang tungkol sa totoo mong pamilya?"

Bumuntong hininga ako. "Dahil iyon ang kagustuhan ni mom at dad. Hindi nila gustong masaktan ako kaya itinago nila sa akin ang katotohanan."

"Partly, I understand your parents. If I am them, I should do the same so you won't be hurt. Pero ngayong malaki kana at naiintindihan mo na ang lahat, destiny planned to lead you to your origin."

Napatango-tango ako sa kanyang sinabi. "Tama ka. Alam kong ginawa lang iyon ni mom at dad para iwasan akong masaktan. Dahil baka isipin nilang magtanim ako ng sama ng loob sa kanila. But even I know it right now, hindi ko yun gagawin."

Hindi ko na narinig ang kanyang tugon but I know he understand me.

Nagpapasalamat pa nga ako dahil may kumupkop sa akin na katulad ni mom at dad.

Ang mga magulang na kagaya nila ay mahirap ng hanapin. Kaya nagpapasalamat ako na sa dinami-dami ng bata sa bahay ampunan, ako ang kanilang napili para alagaan. Mahalin at arugain.

Mahigit tatlong oras yata kaming bumabiyahe ni Zeff bago kami nakarating sa lugar. Inihinto ni Zeff ang sasakyan bago siya naghanap ng mapapag-parkingan ng sasakyan.

"Are you sure that this is the place?" Tila hindi sigurado si Zeff sa kanyang tanong.

Tiningnan ko ulit ang papel na bitbit ko saka siya nilingon at tinanguan.

"Dito nga."

The place in front of us is a crowded one. Dikit-dikit ang mga bahay at kahit saan ako tumingin ay halos nag-iinuman ang mga tao.

Maraming mga bata na naglalaro ng kung ano. Mga misis na sinisita ang anak o kaya ang kanilang mga asawa.

Sigawan sa kahit saan at hindi papahuli ang mga taong mukhang adik.

Kaya siguro nagtaka si Zeff.

"Tara na. Magtanong-tanong tayo sa ibang tao." Pukaw ko kay Zeff na nanatiling nakatitig sa lugar kung nasaan kami ngayon.

"Okay. Let's go."

Bago pa ako makapaglakad ay pinagsiklop niya ang aming kamay at mahigpit na hinawakan ito.

Napahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko dahil sa kakaibang tingin ng mga tao dito.

"Don't let go of my hand. I won't let anyone harm you here." Mahinang bulong sa akin ni Zeff na ikinagaan ng aking dibdib.

I don't know why, but while holding his hand, I feel like no one can harm me. That I'm in a safe zone. I'm in a safe arms.

Pakiramdam ko may kung anong kumikiliti sa tiyan ko. Parang imaginary na paru-paru na gumagalaw sa loob ng aking tiyan.

The normal heartbeat in my heart turns into a different one. Huminga ako ng malalim at pinukos ang sarili imbes na asikasuhin itong nararamdaman ko.

Black Mafia 5: Zeff LendezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon