CHAPTER 17

1.5K 60 0
                                    

Jeralyn

Isang linggo ang nakakalipas at naging maayos na din ang lagay ko. Kagaya ng sabi ni Zeff, hindi mawala-wala ang pag-alala sa mga mukha ng mga bata.

Mabuti nalang at hindi sila nagtanong kung bakit nasa hospital ako. Hindi nila alam na ang sanhi ay binaril ako.

Hindi ko din naman gusto na malaman nila ang tungkol sa pagbaril sa akin. Ayokong magkimkim ng takot ang mga anak ko.

"Hey, hey. Careful. Ako na ang magluluto. Maupo ka nalang."

Napatigil ako sa aking pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Zeff. Napasimangot ako nang inagaw niya sa akin ang sandok at pinaupo ako sa stool.

"Kaya ko namang magluto." Nakangusong ani ko sa kanya.

Binigyan niya lang ako ng matalim na tingin.

"It's a no wife. Just sit there and leave it to me. Baka mapano ka, si baby. I don't want you to get hurt, and of course the baby." He said then wink at me.

Nawala sa pagkakanguso ang aking labi at nauwi ito sa isang ngiti. Patagal ng patagal, nagiging sweet talaga itong si Zeff.

"Fine. Fine." Pagsuko ko saka hinawakan ang aking tiyan. "tingnan mo si daddy, baby. Nagagalit soya dahil nagluto si mommy." Pagkausap ko sa aking baby kahit hindi naman ako naririnig.

Napaangat ako ng tingin nang maramdaman kong may nakatingin sa akin. Nahuli kong nakatitig sa akin si Zeff.

"What?" Taas ang isang kilay na tanong ko.

Lumapit siya sa akin. Ngayon ko lang napansin na nakapatay na pala ang stove.

Ipinalibot niya ang kanyang braso sa aking beywang saka ako hinalikan sa noo.

"Do you know that I'm so happy right now?" Bulong niya.

Nagtataka ang mukhang tumingin ako sa kanya. "Why is that?"

He smiled at me softly. "Because your here in my side. Your and our children. Wala na akong mahihiling pa. Lahat kayo, sapat na sapat na sa akin."

Hindi ko napigilan ang aking sarili na yumakap sa kanya. Maybe because of the hormones, palagi na akong emosyonal kahit sa konting bagay lang.

"Me too Zeff. Sapat na kayo sa akin." Bulong ko habang nakayakap sa kanya.

I felt him kiss my head before he caress my back. Napakasarap sa pakiramdam na yakap ko siya ngayon.

I hope sooner or later, may lakas na din ako ng loob na umamin sa kanya. I hope so that day, iisa na ang aming nararamdaman.

I want him to love me not because of our baby, but because of me. My self. Siguro paunti-unti, magagawa ko din yun.

"Mommy! Daddy!"

Kumalas kami sa pagkakayakap ni Zeff nang marinig namin ang sigawan ng mga bata.

Nag-uunahan sila sa pagpasok sa kusina at patakbong yumakap sa aming dalawa.

"Kumusta na po si baby, mom?" Tanong ni Nicole na nakayakap sa akin at nakaharap sa aking tiyan.

"Okay lang naman si baby. Natutulog pa siya sa tummy ko." Tugon ko habang hinahaplos ang kanyang buhok.

"Dad, pwede na po ba akong kumain?" Singit ni Kenneth na nakahawak sa kanyang tiyan.

Nagkatinginan kami ni Zeff saka sabay na natawa. Binuhat niya si Kenneth habang inalalayan ko naman si Nicole na umupo sa stool.

"Oki dokie!"

Inihain na ni Zeff ang niluto niyang hotdog at bacon. Matiim na naghintay naman ang mga bata sa pag-aasikaso ng kanilang ama.

Black Mafia 5: Zeff LendezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon