CHAPTER 9

1.3K 55 0
                                    

Jeralyn

"Mommy, mommy. My beautiful mommy, wake up."

"Daddy, daddy. My handsome daddy, wake up."

Napaungol ako sa mga boses na gumigising sa akin. Ngunit kalaunan ay napangiti na din ako dahil kilala ko kung sino ang gumigising sa akin. Sa amin.

"Ito na, gigising na si mommy." Saad ko bago iminulat ng tuluyan ang aking mata.

Nakita kong tumalon-talon si Nicole sa kama. Habang si Kenneth naman ay dinaganan si Zeff na nasa tabi ko dahilan para magising din.

Yep. Sa tabi ko.

Dahil sa kakulitan ng mga bata at sa eksplenasyon ni Zeff kahapon, napagplanuhan naming matulog sa iisang kwarto.

But, nothing happened between us.

Magkatabi lang kami at natulog. Wala ng iba. Isa pa, behave naman si Zeff.

Naisip kasi namin na baka manghinala ang mga bata kaya nasa iisang kwarto kami ngayon.

"Kenneth kiddo, get off. Your so heavy." Zeff said in a husky voice.

"Ayoko dad." Protesta ng bata at yumakap na lamang kay Zeff.

Natatawang umayos ako ng upo. Lumapit sa akin si Nicole at naupo sa harapan ko.

"Ang aga naman magising ng baby ko." Lambing ko sa aking anak habang kayakap siya.

"Nasanay na po kasi ako mom. Sa bahay ampunan palagi po kaming gumigising ng maaga." Tugon niya.

"Are you all hungry?" Singit ni Zeff na nakababa na sa kama at pasan-pasan si Kenneth.

Tumayo bigla si Nicole. "Ako po. Gutom na ako."

Lahat kami ay natawa dahil sa itsura ni Nicole. Nakanguso ang labi at nakahawak pa sa kanyang tiyan.

"Owwkay. Come here baby, mag piggy back ride ka kagaya ng kuya mo." Ani ko kay Nicole nang makababa ako sa kama.

Excited na lumapit siya sa akin at sumampa. Agad ko namang inalalayan siya upang hindi mahulog.

"Nauuna na po sila daddy, mommy!" Tili ni Nicole nang makitang nakalabas na ang mag-ama.

Natatawang naglakad ako upang habulin sila. Hindi na ako nag aksaya ng oras na isarado ang pinto dahil alam kong wala namang magtatangkang pumasok duon.

"Anong gusto niyong ulam? Ako ang magluluto—"

"Nope. I'm the one to cook."

Nakanguso kong tiningnan si Zeff na pinutol ako sa pagsasalita. Pinaupo ko muna si Nicole sa isang stool na katabi ng kanyang kuya.

"Gusto kong magluto." Pagpupumilit ko.

"I said no. Just sit and let me do the rest. Okay? Ayokong mapagod ka."

Sa hindi malamang kadahilanan, bigla na lamang akong natigilan habang pinipigilan ang tibok ng puso ko na kumalma.

It's getting worse and worse.

Tipid na lamang akong ngumiti at tumango bago tahimik na umupo sa stool sa tabi ni Nicole.

"Mom, bakit po sad kayo?"

Bigla akong natigilan sa mahinang tanong sa akin ni Nicole. Napatingin ako sa kanya na nakatitig lamang sa akin.

"Sad? Hindi naman sad si mommy." Tugon ko.

Bakit niya naman natanong na malungkot ako?

Bakit hindi ba?

Of.. course.

Black Mafia 5: Zeff LendezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon