EPILOGUE

2.3K 80 4
                                    

Jeralyn

"Zeeeeeeeeeeeff!!!"

Panay ang buga ko ng hangin habang nakahawak sa aking tiyan na kumikirot. Nakakamatay ang sakit at pakiramdam ko mawawalan na ako ng ulirat!

"What—fucking fuck!"

Tinapunan ko siya ng nakakamatay na tingin na nasa entrada ng pinto ngunit nauwi din ito sa pag ngiwi.

"Wag na wag kang mahihimatay at ako mismo ang papatay sayong hinayupak ka!! Araaaay!!"

Madiin na napahawak ako sa aking tiyan nang sumakit na naman ito. I know hindi pa pumutok ang panubigan ko pero alam kong manganganak na ako!

"M-Ma-Manganganak kana?"

Kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa siguro nakabulagta sa sahig si Zeff.

"Tatayo ka lang ba diyan?! Dalhin mo na ako sa hospital!"

Nakakarinding sigaw ko sa kanya na parang binabad sa suka dahil sa sobrang putla.

Ngunit hindi pa man siya nakakahakbang ay bumulagta nalang siya sa sahig at nawalan ng malay.

"Naman oh!"

Napahawak ako sa aking noo at kinuha ang phone sa bed side table. Kinakagat ang pang-ibabang labi dahil sa sakit.

Hindi na ako nag-abalang tingnan kong sino ang aking tinawagan dahil sa pagmamadali.

"Kung sino ka mang natawagan ko tulungan mo ako! Manganganak na ako!"

Napasigaw ako sa sakit na bumalatay na naman sa aking tiyan.

Lord tulungan mo ako!

"Shit. Okay. I'll be there. Nasaan ba ang asawa mo?"

Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang boses ni Ashera. Mabuti nalang at siya ang natawagan ko.

Napatingin ako sa sahig kung nasaan ang asawa kong wala paring malay.

"Nahimatay siya—aray! Pwede pakibilisan mo? Baka mamaya pumutok na ang panubigan ko." Pakiusap ko sa kanya habang humihinga ng malalim.

"Just relax and keep on inhaling. Papunta na ako diyan."

Hindi na ako sumagot sa kanya at pinatay ko na ang tawag. Kahit sa pagkakataong ito, hindi ko mapigilan na matawa sa itsura ni Zeff.

Kaming dalawa lang ang nandito sa bahay dahil ang mga bata ay nasa pangangalaga nila mama Maries at papa Francis.

Palagi nalang akong nag fa-false alarm na palaging inaalarma ni Zeff. Ngayong nagkatotoo na, saka naman nawalan ng malay.

"Shit!"

Napapikit ako nang bumalatay na naman ang sakit sa aking tiyan. Parang gusto ng lumabas ni baby sa sobrang sakit.

"Jeralyn!"

Napamulat ako ng aking mata nang marinig ko ang boses ni Ashera. Nakahinga ako ng maluwag ngunit napangiwi din kalaunan.

"Kaya mo bang tumayo?" Tanong niya habang inaalalayan ako sa pagbaba sa kama.

Tumango ako sa kanya. "Kaya ko naman."

"Okay. Aalalayan kita hanggang sa makababa tayo."

Tumango lang ako sa kanya bago kami nagsimulang maglakad. Napatingin ako kay Zeff na binuhat ni Axle.

"Tsk. Tsk. So weak man."

Hindi ko na sila pinansin at maingat na inihakbang ang aking mga paa. Bawat hakbang ko ay sumasakit ang aking tiyan.

Black Mafia 5: Zeff LendezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon