CHAPTER 7

1.4K 55 0
                                    

Jeralyn

One week.

One week na kaming kasal ni Zeff. Ang bilis ng panahon noh? Ganyan talaga kapag hindi mo namamalayan ang oras. Kagaya ko, sa bilis ng panahon, may asawa na ako.

The process of our marriage went fast. Mukhang may ginawang kung ano si Zeff para mas mapadali ito at makuha na namin ang mga bata.

One week of being a wife to him, I can say it's worth it. Napagplanuhan din namin na lumipat ako sa kanyang bahay na nasa isang sikat na subdivision, but we have a condition, hindi kami sa iisang kwarto matutulog.

Ngayon ay nandito ako sa kompanya. The whole sale of the company went up at ang mga investors noon na nag pull out ng kanilang investment ay bumalik.

Pakiramdam ko na impluwesyahan sila ni Zeff.

Ngayon isasagawa ang proyekto ko sa Open Home Orphanage. Kasama ko duon si Zeff at duon mismo namin sasabihin na opisyal na naming kukunin ang dalawang bata.

Napatigil ako sa aking ginagawa nang bumukas ang pinto at humahangos na pumasok si Lou.

Napakunot ang aking noo nang dumeretso siya sa aking mini kitchen at kumuha ng malamig na tubig sa ref.

Nakahalukipkip na tiningnan ko lamang siya dahil na we-weiduhan ako sa kanyang kinikilos.

May problema ba siya?

"Anong nangyari sayo?" Kunot ang noong tanong ko sa kanya na naglalakad na ngayon paupo sa upuan na nasa harap ng aking lamesa.

"Tell me." Seryosong aniya na mataman na nakatitig sa akin bagaman ay habol parin ang hininga. "Your married to Zeff?"

Hindi na ako nagulat sa kanyang sinabi. It's either nalaman niya sa pamamagitan ni Zeff, o nalaman niya sa mga diyaryo o news na nakakalat sa kung saan.

"Yes Lou—"

"What the fuck?!"

Napapikit ako sa bigla niyang pagsigaw. Imulat ko ang isa kong mata at nakita siyang pabalik-balik sa paglalakad. Iminulat ko na ang isa kong mata bago napabuntong hininga.

I know why he's angry.

"Lou, listen to me." Tawag pansin ko sa kanya. Bumuka ang bibig ko upang sabihin sa kanya ang totoong dahilan. Sabihin sa kanya ang katotohanan para hindi na siya magalit.

I explain to him everything. Kung kailan kami ikinasal ng biglaan kaya wala akong wedding ring dahil nagtataka siya. Sinabi ko sa kanya ang lahat maliban sa part na may kondisyon kami ni Zeff.

"—Nicole have a wish. And that is to be her mom. Alam naming pareho ni Zeff na isa lang ang sulusyon duon." Pagtatapos ko sa aking paliwanag.

Mahinahon na siyang nakaupo ngayon sa swivel chair habang ang isang siko ay nakapatong sa aking lamesa.

Gustong kong maintindihan ni Lou ang lahat. Ayokong magalit siya sa akin dahil siya nalang ang itinuturing kong pamilya.

Maliban sa mga kapatid ni mom at dad na nasa ibang bansa naman.

"Yeah. I know your reason. But," tumingin siya ng matiim sa aking mga mata. "are you doing this to get the justice of your mom and dad?"

My lips thinned. Napabuntong hininga ako bago tumayo at naglakad palapit sa glass wall nitong opisina. Kung saan makikita ang buong syudad.

"You tell me to do what is right other than wrong, right?" Paunang wika ko. "it's my decision to make Lou. I choose to be right. Hindi ko ito ginagawa para makuha ang hustisya para sa mga magulang ko. At kahit kailan, hindi ako gagamit ng mga inosenteng bata para makuha ito."

Black Mafia 5: Zeff LendezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon