CHAPTER 13

1.3K 51 0
                                    

Jeralyn

"Wife, are you okay?"

Napabuntong hininga ako bago itigil ang ginagawa. Wala na naman ako sa sarili dahil sa nalaman ko.

How could I don't remember anything? Dahil ba ang bata ko pa noon?

"Yeah. I'm fine Zeff."

Nandito siya sa kompanya ko kasama ang mga bata. Though napag-usapan na namin na kumuha ng kasambahay para bantayan ang dalawa naming anak pero hindi siya pumayag.

Aniya gusto daw niyang kami mismo ang mag-aalaga. Sumang-ayon na din ako. Wala naman akong magagawa.

"You don't look fine in me. Tell me, is there any problem?" Usisa niya habang nakasandal sa lamesa ko.

Napaangat ang tingin ko sa kanya. Nag-iisip kung dapat ko bang sabihin.

"I'm really fine Zeff. May iniisip lang ako." Tugon ko na lamang.

"Hmm. I think you wouldn't tell me what your thinking even if I force you." Napabuntong hininga siya. "I'll just wait for it." Aniya bago umuklo at hinalikan ako sa noo.

Napatango lang ako habang tinatanaw siya na puntahan ang mga bata sa sofa na kumakain. Lunch time na ngayon at kahit anong pilit ko sa sarili ko na kumain ay wala talaga akong gana.

Kanina pa din ako pinipilit ni Zeff pero sa huli sumusuko na din siya. Kaya hindi din siya kumain hangga't hindi ako kakain.

My mind is in turmoil. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong resolbahin. Ang dami ko ng nalalaman na mas lalo lang nakakapagdagdag ng bigat sa aking ulo.

I need to seriously talk to that girl named Eunice. Alam kong marami siyang alam.

Matapos kasi naming mag-usap ay mabilis akong umalis. Lumipas na ang isang araw at pakiramdam ko parang kanina ko lang nalaman ang balitang sinabi niya.

"Mommy."

Napatigil ako sa aking pag-iisip nang kinalabit ako ni Nicole. Umayos ako ng upo sa swivel chair at tinutukan siya.

"May kailangan ka ba baby?"

Nanulis ang kanyang nguso at napatungo. Hindi ko tuloy maiwasang mangamba dahil malungkot ang kanyang mukha.

Binuhat ko siya saka paharap na pinaupo sa aking hita. Nanatili lang siyang nakatungo kaya napabuntong hininga ako.

Something is wrong with my baby.

"Ano po kasi.."

Hindi niya matuloy-tuloy ang kanyang sinasabi. Mukhang kinakabahan siya at base na din sa kanyang pagtungo ay hindi niya kayang sabihin ito.

Inangat ko ang kanyang mukha gamit ang hintuturo ko. "Tell me. May gusto ka bang sabihin kay mommy? Wag kang matakot baby. Sabihin mo lang kung ano ang gusto mong sabihin sa akin."

Nanulis ang kanyang nguso bago nagsalita. "Kasi po, may kaibigan ako and she said na kapag ampon daw, hindi daw sila totoong mahal nung nag-ampon sa kanila. Totoo po ba yun mommy?"

"Of course not." Mabilis kong sagot nang mapansin ko ang namumula niyang mata. She's close to tears. "hindi yan totoo baby. Mahal na mahal ka namin ng daddy mo. Wag mo yang intindihin, okay? Always put in your mind na kahit hindi ka namin totoong anak, pero dito sa puso't isip namin, anak ka namin. Mahal ka namin. Walang basehan sa pagmamahal. Wag mo yan yung isipin ang ngumiti kana lang. Okay?" Pagpapaliwanag ko sa kanya.

Kagaya ng pagmamahal sa akin ng mga magulang ko kung totoo nga ba akong ampon. Then I won't regret even a single thing na inampon nila ako. Dahil ramdam ko ang pagmamahal nila sa akin.

Black Mafia 5: Zeff LendezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon