CHAPTER 20

1.4K 56 0
                                    

Jeralyn

Tahimik akong naghihintay kay Zeff dito sa loob ng kotse. Sinamahan ko siya sa pag go-grocery pero hindi niya ako pinasama sa loob. Kaya nandito ako sa loob ng kanyang sasakyan.

At dahil madali lang akong ma bored, lumabas ako ng kotse at naglakad-lakad. Hindi naman ako lumalayo sa kotse dahil baka biglang lumabas si Zeff sa grocery store.

Gusto ko lang talagang lumabas at tumingin-tingin sa paligid.

"Jeralyn?"

Napatigil ako sa paglalakad at napalingon sa harapan ko. Napangiti ako nang makita ko si John.

"Oh, Nice to see you again John. It's been a long time."

Nakangiting naglakad siya palapit sa akin. "Yeah. It's been a long time. May kasama ka ba?"

Lumingon ako sa gawi ng kotse kung dumating na ba si Zeff ngunit hindi pa. Lumingon ulit ako sa kanya at tumango.

"Yes. Kasama ko ang asawa ko. Nasa grocery store siya at bumibili ng groceries namin sa bahay." Sagot ko sa kanyang tanong.

"Asawa?"

Nakangiting tumango ako ngunit napakunot din ng noo dahil sa itsura niya. Pero baka nagkakamali lang ako. Imposible namang mangyari yun.

"May.. problema ba?" Tanong ko nang hindi na siya ulit magsalita.

Tipid ang ngiting umiling siya. "Nothing. Can we have some coffee and chit chat's? Matagal na ding hindi tayo nakapag bonding." Anyaya niya sa akin.

Napalingon ako sa grocery store kung nasaan si Zeff. Sa bagay, matagal na nga kaming hindi nakapag bonding ni John. Isa pa, baka matatagalan pa si Zeff sa loob.

"Sure." Pagpayag ko sa anyaya niya. "basta mabilis lang tayo." Kiming ani ko sa kanya.

"No problem."

Tumango ako bago sumunod sa kanya sa paglalakad. May malapit na Café na nakita kami na ilang lakad lang ang layo sa grocery store.

Naghanap kami ng mauupuan na malapit sa glass wall. Nag presenta na din si John na siya ang mag o-order dahil libre niya.

"Thanks for the treat." Ani ko kay John nang makabalik siya dala-dala ang kanyang order at sa akin.

"It's mo big deal. After all, mukhang huli na natin itong pagkikita dahil babalik na ako sa Italy bukas. May business akong aasikasuhin duon."

Napanguso ako sa kanyang sinabi. "Ganun ba? Kung alam ko lang, sana pala nakipag bonding ako sayo kahit sa konting panahon."

He chuckled on what I said. "Hindi na yun kailangan. Alam ko naman na busy ka lalo na ngayon na may pamilya kana. There are your top priorities."

Napahawak ako sa aking tiyan dahil sa kanyang sinabi. "Well, yeah. Naging busy din ako kaya minsan nalang ako lumabas kasama ang mga kaibigan ko."

Bumaba ang tingin ni John sa kamay kong nakahawak sa aking tiyan. "Are you.. pregnant?"

Bumaba ang tingin ko sa aking tiyan at matamis na napangiti. "Yeah. Three weeks."

"Congratulations."

"Salamat." Nakangiting saad ko.

Hindi na ulit siya nagsalita kaya sumimsim ako ng order niyang frappe sa akin.

Napatingin ako sa labas ng glass wall habang iniisip kong nakabalik na ba si Zeff? Baka kanina pa niya ako hinahanap. Ayoko pa namang pinag-aalala siya.

"John, mauna na ako ah? Baka kasi hinahanap na ako ni Zeff." Paalam ko kay John.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Nakakunot ang noo. "Can we talk a little more time? Pagbigyan mo na ako. Bukas wala na ako dito."

Black Mafia 5: Zeff LendezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon