CHAPTER 10

1.5K 55 1
                                    

Warning: MATURED CONTENT DOWN BELOW!!



🍒




Jeralyn

"Pasensya kana talaga ah? Gusto kasi ng mga bata ng kalaro. Kung iistorbohin ko naman si Girly, baka hindi siya matapos-tapos sa kanyang ginagawa." Ani ko kay Lou nang makarating siya sa opisina.

"It's okay. Now I understand why you want me to buy so much food."

Nginitian ko lang siya bago hinarap ang dalawang bulilit na tahimik na nakaupo sa sofa.

"Kids, this is your Tito Louise. Say Hi."

"Hi po." They said in unison.

Ibinaba muna ni Lou ang dala niyang pagkain sa center table bago nilapitan ang dalawang bata.

"Hello there kids. Nice to meet you. Do you want to play? Or eat?"

"Eat!"

Hinayaan ko na lang sila sa kanilang ginagawa. Inasikaso ko muna ang trabaho ko upang mas mabilis akong matapos.

The two kids feels awkward. Pero nang maglabas ng pagkain si Lou, mabilis pa sa alas kwatro na kinain nila yun.

Napailing-iling nalang ako bago tinuloy ang pag pirma sa mga report na binigay sa akin ni Girly.

"They are awesome kids."

Napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Lou. Naupo siya sa swivel chair sa harap ng aking lamesa.

"I know. Mabait silang mga bata at masunurin."

Tumango-tango siya bago seryosong tumitig sa akin. "You won't regret this right?"

Naibaba ko ang ballpen na hawak ko. Wala sa sariling napasulyap ako sa mga bata na maganang kumakain bago tumingin sa kanya.

"Of course I won't. Why would I? Ginagawa ko ito para sa mga bata. Para bigyan sila ng masayang—"

"Are you? I mean, happy? I'm not talking about the kids. I'm talking about you. You know I don't want to hurt you, right?"

Napabuntong hininga ako. "I guess I am happy. For them. Ayoko munang isipin ang sarili ko. They are my top priority. And anyway, I know I won't regret this. Kung may pagsisisihan man ako, yun ay ang hindi sila tulungan."

"But you know from the start that your at risk. Jeralyn if your—"

"Lou, I got all of this. You said you trust me. Hayaan mo na lang ako. Kahit pansamantala, gusto kong maging masaya." I seriously said, na ikinaputol ng pagsasalita niya.

Parang sukong-suko na si Lou na umayos ng upo. Kinuha ko ulit ang ballpen at sinimulang pirmahan ang mga reports.

"I hope so Jeralyn. I hope you won't regret this." Seryosong saad niya bago tumayo at lumapit sa mga bata.

Napatitig ako sa papel na aking pinipirmahan. Ano naman ang pagsisisihan ko sa huli? Ginawa ko naman ang tama.

O ginawa mo ang para sayo ay tama.

Ipinilig ko ang aking ulo at nagpatuloy sa pagpirma. Kahit ang isip ko hindi nakakatulong sa akin.

I know I will never regret this. Alam kong tama ito. Kung ano man ang iniisip ni Lou na pagsisisihan ko ito sa huli, hindi ko alam.

Did you already forget the past?

Of course not. Hindi ko iyon makakalimutan ngunit kaya kong pigilang alalahanin.

Black Mafia 5: Zeff LendezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon