CHAPTER 16

1.4K 59 0
                                    

Jeralyn

"You should protect her!"

"I did!"

"No you don't! Kung prinotektahan mo siya, hindi ito mangyayari sa kanya. You should stay away from her. You see? She got shot because of you."

"I did all my best bud. I did protect her. If I know this would happened, I shouldn't come near her."

"Sa simula palang alam mong mangyayari ito. If it's not about our organization, it's about your enemy. This is your mission bud. I hope you won't regret even a single thing."

Napakunot ang noo ko dahil sa ingay na nagmumula sa aking paligid. Iminulat ko ang aking mga mata dahil pamilyar ang mga boses na yun.

"B-Bakit ang ingay?"

Napasulyap ako sa kanang bahagi ng kinahihigaan ko nang makarinig ako ng kalabog.

Bahagya pang nanlaki ang mata ko nang makita kong nadapa si Zeff.

"Pfft."

Napatingin ako kay Lou na nagpipigil ng tawa. So.. sa kanila pala ang boses na naririnig ko kanina?

"Fuck. Are you okay? May masakit ba sayo? Do you need anything? Do you want to eat? A drink? What do you want? Tell me what is it!"

Kahit nahihirapan ay binatukan ko siya sa abot ng makakaya ko. Nakalapit na kasi siya sa akin sa kagagaling sa pagkakadapa.

"Pwede bang wag kang sumigaw? Ang lapit-lapit ko lang kaya." Masama ang mukhang ani ko sa kanya.

Lumambot ang kanyang ekspresyon at bigla na lamang isinubsob ang mukha sa leeg ko.

"I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry. I failed to protect you. I'm sorry. This is all my fault."

Umangat ang kamay ko at hinaplos ang kanyang buhok. Base sa boses niya, sinisisi niya ang kanyang sarili sa nangyari sa akin.

"No. Hindi mo kasalanan ang nangyari sa akin. Hindi mo nga alam na mangyayari ito. Don't blame your self, okay?" Mahinahong bulong ko habang patuloy pa din sa paghaplos ng kanyang buhok.

Hindi siya tumugon sa aking sinabi kaya napabuntong hininga ako. Mukhang sinisisi niya talaga ang kanyang sarili dahil sa nangyari sa akin.

Ilang minuto siyang nakayakap sa akin bago umalis. Napatitig ako sa kanyang magandang mata na hindi ko maintindihan ang emosyon na nakapalibot.

"I-I.."

Kumunot ang noo ko sa kanyang itsura. Hindi niya matuloy-tuloy ang kanyang sinasabi na para bang nahihirapan talaga siyang bigkasin yun.

"Hmm?" I hum.

Umiling-iling siya kalaunan saka ngumiti sa akin. But that didn't reach his eyes.

What's up with him? May problema ba siya?

"Always remember that your so important to me. Our child. All of you."

Speaking of our child.

"Nasaan ang mga bata?" Tanong ko saka sinulyapan si Lou na nakatingin lang sa amin.

"They're fine. Nasa bahay sila ni Acxle. You don't need to worry, Jeralyn."

Nakahinga ako ng malalim sa sinabi sa akin ni Lou. Atleast ngayon, mapapanatag na ako na wala talagang masamang nangyari sa kanila.

Napatingin ako sa banda ng aking tiyan kung saan ako tinamaan ng bala. Pero, sino namang nagtangkang pumatay sa akin?

"May alam ba kayo kung sino ang nagbaril sa akin?" Mahinang tanong ko ngunit alam kong narinig nila ang aking sinabi.

Black Mafia 5: Zeff LendezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon