CHAPTER 19

1.4K 56 0
                                    

Jeralyn

Kinabukasan din ay sinamahan ako ni Zeff patungo sa sinasabi niyang head quarters. Nagtaka ako kung bakit kailangan pa naming sumakay ng helicopter para makapunta duon.

Malayo ba yun kaya kailangan pa naming sumakay ng helicopter?

Pero nagkakamali pala ako. Dahil ilang minuto lang ang nakakalipas ay natanaw ko ang isang Isla na mukhang paraiso.

Sa gitna ng Isla ay may malaking bahay o mas tamang sabihin na malaking mansyon. It was made of glass wall!

Naka-awang lang ang bibig ko habang lumalanding kami sa helipad ng kanyang mansiyon. Nang lumipad pabalik ang chopper ay tinanong ko si Zeff.

"Mansiyon mo ba to?" Tanong ko habang nagtataka ang mukha.

He smirked at me smugly. Inakbayan niya ako bago siya nagsalita.

"It's ours wifey. It's our mansion." Tugon niya habang nagsisimula na kaming maglakad pababa sa roof top ng kanyang mansyon. Or should I say our's?

Napailing-iling ako at iniyakap na lamang ang aking kamay sa kanyang beywang. Hindi ko parin maisip na pagmamay-ari niya ang mansiyon na ito.

Yes he's freaking rich. Pero hindi ganito kayaman ang ibig kong sabihin.

Hindi ko ma reach ang antas niya.

"Stop thinking about it wifey." Wika ni Zeff habang pababa kami ng hagdan.

Napanguso ako. "Bakit ba? Mali bang isipin ko yun? Nakakalula lang ang yaman mo."

Natawa siya sa aking sinabi. "Paano pa kaya kapag sinabi ko sayong.."

Tumaas ang kilay ko sa pagbitin niya sa kanyang sinasabi. "Ano?"

"Pagmamay-ari ko ang Isla na ito."

Literal na nalaglag ang panga ko sa kanyang sinabi. Hindi ako makapagsalita habang nakatingin sa kanya na smug lang na nakangisi.

He own this Island? For real?

Yes! It's for real!

Hindi ako makahuma ng salita at napalunok nalang. Pakiramdam ko nahilo ako sa kanyang sinabi.

"Alam mo pakiramdam ko nagmamayabang ka lang sa akin." Pabiro kong sabi pero pinaseryoso ko ang aking boses.

Nanulis ang kanyang nguso nang lumingon siya sa akin. "Hindi ako nagmamayabang. After all, this Island is your's too. What's mine is yours." Nakanguso niyang sabi saka ako hinalikan sa noo.

Wala sa sariling napangiti ako. "Ang sweet talaga ng asawa ko."

Nakangiting hinalikan niya ang aking labi. "Matagal na akong sweet sayo."

Nakangiting sumunod ako sa kanya sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa labas ng bahay.

May naka abang duon na golf cart at alam ko nang malayo-layo ang kinaroroonan ng mga lalaking nagpatay sa mga magulang ko.

"Try to relax your self when you face them. Ayokong mapahamak ka. Lalo na ang anak natin." Ani ni Zeff na hinawakan ang kamay ko at pinisil ito.

"I tried not to Zeff. Ayoko ding mapahamak ang baby natin. Pero hindi ko din maipapangako ang sinabi mo kapag kaharap ko na sila."

Napabuntong hininga siya saka ako hinalikan sa noo. "I'm just here. I'll protect you."

Tumango ako sa kanyang sinabi bago niya ako inalalayan patungo sa golf cart. Siya ang nagmaneho patungo sa kung saan.

Black Mafia 5: Zeff LendezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon