CHAPTER 2

1.9K 61 1
                                    

Jeralyn

"This is the report of Cuevas Empire whole sale while this one is the report of Open Home Orphanage." Anang  sekretarya ko na si Girly habang inilalagay ang mga folder sa lamesa ko.

"Okay. You can leave now." Tugon ko ngunit hindi ako tumingin sa kanya.

Mula sa peripheral vision ko ay nakita ko siyang naglakad palabas sa opisina.  Nang hindi ko na siya makita ay malalim akong bumuntong hininga at itinigil ang ginagawa.

Nanghihinang napasandal ako sa swivel chair habang minamasahe ang sentido.

It's been three years since that scene. Hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari lalo na ang nakita kong mukha ng gabing yun.

I hope I can't see him. Because surely I will loathe him. Alam kong lalaki ang nakita ko dahil kitang-kita ko siya dahil sa dim light mula sa kusina.

Mabilis kong ipinilig ang aking ulo at kinuha ang folder na naglalaman ng whole sale nitong kompanya.

"Shit.."

Napadiin ang pagmasahe ko sa aking sentido dahil sa nakita. Mula nung araw na mawala ang aking mga magulang, mas bumaba ang whole sale ng kompanya.

May iba pang mga investors na nag pull out ng kanilang investment kaya hindi ako makagawa ng ibang project para sa mga charity.

Inilagay ko nalang ang folder sa lamesa at kinuha ang isa pa. Binuklat ko ito at binasa ang report tungkol sa orphan.

It's a good news though. Mas marami ng nag a-adopt ng mga bata sa orphan na ikinasaya ng mga bata.

The bad news is, baka hindi ko ulit magawa ang project na ginagawa noon ni dad at mom dahil sa akin.

Noon pa man tama na ako. Hindi ko ito kaya.

Tumayo na lamang ako at lumabas sa opisina. Kinuha ko ang aking phone sa bulsa at tinawagan si Lou.

"Lou, can we hang-out?" Hang-out for me means bars and clubs.

"Sure. I want that too." Sang-ayon niya.

Napangiti ako at sinabi sa kanya na magkikita na lamang kami sa bar na palagi naming pinupuntahan.

I know it's just noon but I knew a bar na nagbubukas ng maaga. Though para lang sa mga special guest ang kanilang ginagawa.

I'm not barbaric. Hindi ako palainom kahit anong alcoholic drinks pa yan. Well except siguro sa favorite kong red wine. Hindi naman yun nakakalasing kaya okay lang.

Nagbago lang ang lahat simula nung araw na mawala ang parents ko.

Naglakad ako palapit sa aking kotse at binuhay ang makina saka ito pinaandar. Minutes later, nakarating na din ako sa bar na pinagkikitaan namin ni Lou.

Nakasara ang stainless steel door nito pero may daan sa likod. Duon ako pumunta at kumatok sa isang bakal na pintuan. May sumilip na isang tao duon saka binuksan ang pinto.

Naglakad ako papasok duon and as usual, marami ng mga tao.

"Baby cherry!"

Napalingon ako sa gawi kung nasaan ang bar counter. Natagpuan ko duon si Lou na nakaupo sa isang stool at may hawa-hawak ng baso na may lamang alak.

"Kanina ka pa ba dito?" Tanong ko bago nag order ng margarita sa bartender.

"Nope. Kararating ko lang din. And because your inviting me to hang-out. That means your stress right now?" Mahina ang boses na tanong niya.

Black Mafia 5: Zeff LendezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon