CHAPTER 18

1.3K 52 0
                                    

Jeralyn

Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang malaman ko na iisa lang ang nararamdaman namin ni Zeff sa isa't isa.

Kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko sa loob ng village and as usual nandito kami sa Café.

Ang mga bata ay iniwan namin sa playground para makapaglaro. Nasa trabaho kasi ang mga asawa namin kaya walang magbabantay.

Sa company ko naman ay si Girly muna ang inaasahan ko dahil hindi ako pinapayagan ni Zeff na magtrabaho. He's overprotective.

"At last buntis. May forever kana." Ani Janine sa gitna ng katahimikan.

Wala sa sariling napangiti ako. "I'm so happy right now. Ganito pala yung pakiramdam kapag nalaman mong mahal ka din ng taong mahal mo. Hindi ko ma-explain."

Mahinang natawa si Juv sa sinabi ko. "Sabi ko naman sayo eh. Don't lose hope. I hope nakatulong ang advice ko sayo."

I smiled at her soflty. "Nung gabing yun, balak ko na sanang umamin sa kanya about my feelings. Pero naunahan niya ako sa pag-amin. I don't know if it's a blessing in disguise but I hope so it is. Nung time na yun kinakabahan talaga ako."

"I know your feeling too. Siguro lahat naman tayo iisa lang ang nararamdaman kapag nagmahal. There has a sadness, happiness, and be scared. But when you know the real meaning of love, you'll take the risk whatevet happen." Singit ni Ashera na sinang-ayunan namin.

"If you don't mind. Pwede ba akong magtanong?" Ani Janine.

Tumango ako habang sumisimsim ng frappe. "Sure. Anong gustong mong tanungin?"

"Nagtataka lang kasi ako. Diba kasal na kayo?" Tanong niya na sinagot ko ng tango. "So that time hindi niyo mahal ang isa't isa? Eh bakit kayo nagpakasal?"

Hinampas ni Ashera ang braso ni Janine na ikinasama ng mukha ng huli.

"Ang chismosa mo talaga kahit kailan. That's personal." Pinandilatan pa niya si Janine.

Napanguso ang huli. "Hindi ako chismosa. Curious ang tawag dun. C-U-R-I-O-S."

Natatawang sinaway ko silang dalawa. Kahit kailan talaga ang dalawang toh. Palaging nagbabangayan.

"It's okay." Singit ko sa kanilang dalawa. "sasagutin ko ang tanong ni Janine. I know curious din kayo."

Nginisihan lang ni Janine si Ashera na napapailing nalang. Si Juvelyn na as usual na mabait ay pinapanood lang kami.

Bumuka ang bibig ko upang sabihin sa kanila ang kasunduan namin noon ni Zeff tungkol sa kasal.

Lahat sinabi ko. Kasama na din ang condition sa kasal namin na kapag nakita na namin ang mamahalin namin habang buhay, mag fa-filled kami ng annulment.

But I doubt na magagawa namin yun sa isa't isa. Ngayong nalaman namin ang feelings naming dalawa?

"Totoo?!"

Napangiwi ako ng sabay-sabay silang sumigaw dahilan para mapatingin sa amin ang ibang customers dito sa Café.

Nag peace sign lang si Janine bago humarap sa amin.

Bumuntong hininga ako. Mahaba-habang eksplenasyon toh.

"Yes."

"Woah. Hindi ko yun aakalain." Ani Janine na mukhang naka recover na sa pagkagulat.

"That was a wise condition. Paano pala kapag hindi niyo mahal ang isa't isa."

Napangiti ako sa sinabi ni Ashera. "Actually naisip ko na din yan. What if's in my mind. Pero naisip ko din, wala namang imposible diba? Noon gusto ko na talaga si Zeff. Mas lumalim lang ito nang makasama ko siya. And every time were together, he's so sweet. Kaya hindi ko maiwasang mag-isip na baka iisa lang ang nararamdaman namin."

Black Mafia 5: Zeff LendezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon