CHAPTER 6

1.4K 58 0
                                    

Jeralyn

"Report of the Open Home Orphanage." Anang sekretarya ko na bagong pasok sa aking opisina.

Itinigil ko ang aking ginagawa saka siya tinunguan. "Salamat Girly."

"Your welcome maam." Tugon niya bago naglakad palabas sa aking opisina.

Sumandal ako sa aking swivel chair bago binuklat ang folder na binigay niya kanina. Naglalaman ito ng mga report tungkol sa orphanage.

Nakasaad din dito ang balak na pag-ampon ni Zeff. Pero kagaya ng sabi niya, hindi niya makukuha ang mga bata sa bahay ampunan hangga't hindi pa siya naikakasal.

Naalala ko na naman ang sinabing kahilingan sa akin ni Nicole. Noon pa man balak ko na talagang ampunin si Nicole kung ma turn-over na sa akin ang kompanya.

Ang kaso lang hindi ko ito naasikaso kaya naunahan ako. It's good to know though na may balak ng umampon sa kanila.

Ang tanong, kaya ko bang gawin ang hiling sa akin ni Nicole?

Napabuntong hininga ako saka minasahe ang aking sentido.

Bakit ko naman kasi sinabi na kapag kaya ko ay gagawin ko?

Bata kasi eh, kaya hindi ako maka tanggi. Isa pa, baka makalimutan din yun ni Nicole.

Napaangat ako ng tingin sa pintuan nang bumukas ito at pumasok si Lou na naka shades.

I look at him flatly. Para bang nasa beach siya, eh nasa opisina ko lang naman siya.

"Anong trip mo? Bakit ganyan ang itsura mo?" Nakakunot ang noong tanong ko sa kanya na naupo sa upuan sa harap ng aking lamesa.

"It's nothing." Aniya bago tinaggal ang kanyang shades. "I came here intentionally so you could tell me why your always gone here? Hmm?"

Napanguso ako sa kanyang tanong. "Yan lang ba ang pinunta mo dito?" Parang nagtatampo kunong tanong ko sa kanya.

Matagal-tagal na din kaming hindi nagkikita kaya na miss ko siya.

"Of course I miss you too. Now tell what is it."

Nawala ang pagkakanguso ko saka umirap. Kahit kailan talaga hindi ako makakatakas kay Lou. And lastly, ang chismoso niya.

Well, matagal naman talaga siyang chismoso.

Bumuka ang bibig ko upang sabihin sa kanya ang totoong dahilan kung bakit wala ako dito this past few days.

Wala akong itinagong sekreto sa kanya. Maliban nalang sa part na ilang beses na kaming naghahalikan ni Zeff.

Malaki ang tiwala ko kay Lou na hindi niya ito ipagsasabi sa iba. Hindi man lang siya nagulat nang sabihin ko sa kanya na ang kaibigan niya ang taong nakita ko nung gabing yun.

"—and he's planning to adopt Nicole and Kenneth. Sinabi din sa akin ni Nicole na may kahilingan siya na ako lang ang pwedeng tumupad, and that is to be her mom. Alam mo naman siguro kung ano ang kahahantungan ko diba?"

Napahawak siya sa kanyang baba at tumango-tango.

"As you said that Zeff is that man, I think he has his reason. What do you think?"

Bumuntong hininga ako. "Paano ko naman malalaman kung hindi niya sinasabi sa akin? Okay, sabihin na natin na may rason siya sa pagkamatay ng mga magulang ko, kaya ba siya nakikipag lapit sa akin ngayon para sabihin sa akin ang kanyang rason? Ang tanong, kailan naman?"

"I'm his friend. I know Zeff and he's not that kind of person. Kung tama man ang hinala mo, maghintay kana lang."

Napakamot ako sa aking noo. "That's why I'm not always here. Palagi ko siyang sinasamahan kung niyayaya niya ako. I'm waiting Lou. Noon iniisip ko ang kapakanan niyong dalawa dahil magkaibigan kayo. Kaya hindi ko sinabi sayo. Kaya ako nalang ang gumawa ng paraan para malaman ang katotohanan."

Black Mafia 5: Zeff LendezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon