CHAPTER 21

1.6K 54 0
                                    

Jeralyn

Love. It's not easy to find. Marami kang pagdadaanan na masasakit, mahihirap na desisyon, takot at marami pa bago mo yan makuha.

Kung wala kang determinasyon na makuha ito, wala kang makukuhang pagmamahal.

But hey, sabi ng iba hindi hinahanap ang pag-ibig. Kusa itong dumadating sayo.

Naniniwala ako sa kasabihang yan. Noon hinangad kong may magmahal sa akin habang buhay, at iyon na nga. Dumating si Zeff upang mahalin ako.

"Kaloka ghorl wag kang malikot!"

Napabuga ako ng marahas na hangin nang pagalitan na naman ako ng make up stylist ko na isang bakla. Hindi ko na mabilang kung ilang ulit na niya akong pinagalitan.

Kanina pa kasi ako parang kiti-kiti at hindi talaga ako mapakali sa kinauupuan ko. Ilang minuto na yata kaming nandito pero hindi parin kami matapos-tapos.

"Ganyan talaga ang pakiramdam kapag kinakasal. I feel you Jeralyn." Ani Juvelyn na nakaupo sa couch na nasa gilid ko.

Yeah. It's obviously my wedding. But I'm so nervous! Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. It's mixed emotion kaya hindi ako mapakali.

Ganito ba talaga kapag kinakasal?

"Fine. Susubukan kong hindi maglikot. Baka magwala na ang groom ko sa simbahan dahil late ako."

"Jusko! Mabuti naman kung ganun!"

Sabay kaming natawa ni Juv sa sinabi ng bakla. Kanina pa tapos magbihis si Juv at presentable na. Siya ang napili kong  maid of honor dahil wala naman akong ibang kaibigan na babae maliban sa kanila.

Ipinikit ko ang aking mga mata nang magsimula ulit ang bakla sa pag me-make-up.

Panay ang pisil ko sa aking kamay kahit hindi naman ume-epek sa kabang nararamdaman ko.

Zeff proposed to me officially. Nang maka recover ako sa trauma na naranasan ko sa John na yun ay nag proposed siya sa akin.

Ang now, officially na kaming ikakasal sa simbahan saksi ang aming mga kaibigan at ibang tao.

I'm two months pregnant. Napapansin na ang baby bump sa tiyan ko kapag fit dress ang aking suot. Hindi maiiwasan ang pagiging moody pero naiintindihan naman ako ni Zeff.

"Ibuka mo na ang keps—este ang mata mo bakla. Gosh! Ang haggard na ng lola niyo!"

Natatawang iminulat ko ang aking mga mata at tiningnan ang sarili ko sa salamin.

Muntik pa akong mapataas ng kilay dahil hindi ko nakilala ang aking sarili. It was just a light make up. But it's stunning. It stand out the beauty kahit ganito lang ka simple.

"Ang ganda ko.." wala sa sariling bulong ko.

"Likas na maganda kana ghorl kaya pak na pak na ang ganda mo! Tingnan lang natin kung hindi maglaway sayo ang mister mo."

Napabungisngis ako sa kanyang sinabi bago pagmasdan muli ang aking mukha.

"Bilis Jeralyn. Late na late na tayo." Aligagang hinila ako ni Juv sa dressing room kung saan nakahanda na ang gown na susuotin ko.

The gown is simple. Tube style siya at hapit na hapit sa katawan ko. It has so many diamonds around it pero sabi ng designer hindi ito mabigat dalhin. Bawal kasi sa akin dahil buntis ako.

Kinalag ko ang tali ng roba na suot ko at hinayaan lang itong bumagsak sa sahig. Kasama ko parin si Juv dito sa loob pero hindi ako naiilang. Siguro dahil pareho kaming babae.

Black Mafia 5: Zeff LendezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon