VII

594 19 7
                                    

Nagising ako sa isang ingay, tunog na parang may bumagsak. Akma akong babangon nang mapansin kong may mabigat na nakadagan sa dibdib ko.

It's... Deanna. Sleeping soundly while hugging me. Hindi pa ko nakakarecover sa fact na 'yon, biglang nagsalita si Starlet. "Sorry, nagising ba kita?" May hawak s'yang mga bote at panlinis.

I suddenly remember last night, napahawak ako sa sentido dahil sa pagkirot. "Thank you sa Ibuprofen, Star." Si Caila habang papapalapit, sa tingin ko galing s'ya sa bathroom.

"Morning bakla" sabi sa akin at naupo sa katabing couch, hawak ang baso saka uminom. "Ugh! Cold water talaga the best pampatanggal ng hangover!" sabi pa n'ya sa akin saka tumingin kay Deanna. "Sino ba namang mag-aakala na si sweet princess Deanna Banson ay makikipag-inuman sa atin?" natatawang sabi n'ya.

Naramdaman ko ang paggalaw ni Deanna, napadilat s'ya at bahagyang nagulat nang makitang nakayakap s'ya sa akin.

Napabangon s'ya bigla, pero mabilis din napahawak sa sentido. "Hurts, right?" Sabi ni Caila. Kita ko sa mukha n'ya ang bahagyang pagdaing.

We were lying on my couch. Napaupo na rin ako ng maayos. Bakit ba nagpapalpitate na naman ako, ang aga-aga?

"Nakailang bottles ba kayong mga bata kayo? Kanina pa ko may pinupulot" si Starlet na tila may inaabot sa ilalim ng coffee table.

"You alright?" tanong ko kay Deanna. "Ang sakit ng ulo ko, shit" Nakapikit s'ya at minamasahe 'yon.

"Nagluto na ako ng soup, pero tama si Ma'am Cai. Mas maganda ang malamig na tubig para sa hangover. Humigop nalang kayo maya maya. Maglilinis na muna ako, mukhang masyado kayong nagsaya sa unang gabi ng teleserye n'yo ah"

"Ito kasing si Deanna, broken" mabilis naman akong napa- "Cai" sakanya as a warning.

"Oops. Sorry" noon lang n'ya narealize na sensitive issue ang bagay na nalaman n'ya kagabi.

Natahimik kami sandali. "It's alright," Deanna broke the ice. Ngumiti s'ya bago magsalita muli, "I just wanna thank you guys for being with me last night. Baka hindi ko nasurvive kung hindi nyo ko sinamahan"

Kita ko na naman ang lungkot sa mga mata n'ya, sumagot si Caila "And the way you scold at your manager, grabe inspiring! I suddenly wanted to call my manager and tell him LALABAS AKO PARA KUMAIN NG ISAW AT WALA KANG MAGAGAWA! SINO KA PARA PAGBAWALAN AKO HA?"

Tila nagulat naman si Deanna sa narinig, "T-Tumawag ako sa manager ko?"

Flashback

I opened the door, "Ang daya n'yo ha! Kaya pala bigla kayo nawala sa party!" reklamo ni Caila habang pumapasok sa unit ko. "That's why I called you to stay over"

"I'll stay over, kahit di mo sabihin. I smell vodka, and you expect me to leave?" Well, birds with same shiny pink feathers, flock together.

"Si Deanna ba 'yung tumatawa?" Napatingin s'ya sa direksyon ng living area. Napatango ako ng dahan dahan. Nang pumasok s'ya, lumakas din ang music. "Hi, Cacai!" masayang bati ni Deanna. "C-Cacai?" Hindi makapaniwalang sabi nito.

Natatawa ko s'yang hinawakan sa braso, "'Wag mo na patulan, tipsy na 'yan"

"Hoy, Deanna. It's Caila" hindi pa rin s'ya nakinig. "I know! Ang cute lang ng Cacai" ang laki ng ngiti n'ya, "Pizza, you like? They can't wait to be eaten"

Nang tingnan namin ang pizza, may mga mukha ang bawat slice! Nagdrawing s'ya gamit ang hotsauce at mustard. Kaya pala tatawa tawa s'ya, "Ang cute nila diba?" proud na sabi pa n'ya.

Hininaan ni Caila ang music, "Nabibingi ako. Ano ba kasing nangyari sa inyo? Bakit kayo nawala at bakit ka nagdrawing sa pizza when I don't eat mustard!"

Certain UncertaintiesWhere stories live. Discover now