XV

133 11 5
                                    

"Mommy, para kang totoong prinsesa!" Sabi ni Denice habang nakatingala sa kanyang inang si Gillian, bakas ang pagkamangha. Nakasuot ng traje de boda na kumikinang kapag tinatamaan ng ilaw.


Hawak hawak ng ina n'ya ang bouquet ng mga maliliit at pulang mga rosas na sa tingkad ng kulay ay talagang nangingibabaw.


Humarap sila sa salamin, "Lalo yatang maiinlove ang Daddy mo pag nakita n'ya ko"


Sunod sunod na tango ang isinagot n'ya at sinabayan ng tingin ang ina sa reflection nito. Umupo si Gillian para mapantayan ang walong taon na si Denice, "Ikaw ang prinsesa ko, anak." Saka hinalikan sa noo ang bata.


"Mommy, bakit ngayon lang po kayo ikakasal ni Daddy? Saka, bakit hindi po makakapunta si Nana at Dada?" bakas ang kawalang-muwang sa tanong na iyon ni Denice.


Pinilit ngumiti ni Gillian, "Someday, kapag grown up ka na, maiintindihan mo rin. They have their reasons, anak. Ang mahalaga, mabigyan ka namin ng buong pamilya. Kami ng Daddy mo, itataguyod ka namin kahit wala sila. I love you, my sunshine" 


Hindi man n'ya maintindihan kung bakit lumuluha ang ina, pinunasan n'ya ito ng tissue. "Wag ka na sad, Mommy. Smile ka na para pretty ka mamaya"


Sa ngiti ng batang si Denice, nawala ang lahat ng lungkot na nararamdaman ni Gillian. Sa loob n'ya, ito lang ang mahalaga. Ang kanyang anak at ang kanilang pamilya. Sa unang pagkakataon, gumawa si Gillian ng desisyon para sa sarili n'ya kahit labag sa utos ng mga magulang.


Ang pakasalan ang ama ng kanyang anak.


Ang piliin  maging masaya.


Pumasok ang isang event staff, "Tara na po, Ma'am" senyales n'ya.


Nakatitig lamang ang batang si Denice sa mga magulang na ngayon ay nasa harapan ng altar at nagpapalitan ng pangako. Hindi man n'ya maintindihan ang kahit na anong sinabi sa kanya ng ina kanina, isa lang ang sigurado s'ya...


Ang ngiti ngayon sa mukha ng kanyang ina at ama, ang kislap sa mga mata nila, ang mga palitan ng sulyap, ito ang pinakamaganda n'yang nakita.



"Ang ganda, 'di ba?" Napalingon ako sa tinig na 'yon ni Deanna. Ngumiti ako at tumango. "Are you telling me biglaan pa 'to?" tanong ko saka binalik ang tingin sa kanina ko pang tinitigang set-up.


Tumango s'ya, "After ikasal ni Ate Desiree at Kuya Nate sa U.S., plan talaga nila ikasal sa Pinas ng summer pero malaki na kasi masyado ang tiyan n'ya noon kaya hindi na natuloy. Ngayong mag-5 years old na si Cleo, they suddenly decided to do the celebration with their Philippine Wedding, good thing sobrang galing ng event planner nila and look at this... wow"


The lights make it even romantic. A beach wedding.

 A beach wedding

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Certain UncertaintiesWhere stories live. Discover now