XIX

130 9 2
                                    

NAKATANAW LANG AKO MULA SA SASAKYAN KO.  "Nakapagpark na ako" sabi ko nang sa wakas ay sagutin na ni Caila ang tawag. I looked at the mirror, making sure my wig is properly aligned. Bibisitahin ko ngayon si Jane. 


"Alright, 6th floor ha. Sige bye" sabi ko at pinatay na ang tawag. Habang naglalakad papunta sa elevator, I kept dialling Deanna's number. Hindi s'ya sumasagot. Sobrang busy siguro? Napatingin ako sa relo ko, it's almost 6PM.


I just typed a message.


To Cry Baby: My girl's too busy. Call me when you have free time. We're at Jane's.


Ako lang mag-isa rito pero pakiramdam ko may sumusunod. Nagmamadali kong isinara ang elevator. Wala naman akong natatanaw na kahit sino... until I saw someone standing from a distance. 'Yun lang ang nakita ko bago sumara ng tuluyan ang pinto.


Hindi ko na pinansin 'yon, I'm getting paranoid again.


Nang makarating ako, nakita ko si Caila na nakadisguise din. Sobrang ingat namin na wag masundan. Mahigpit dina ng security sa hospital na 'to. We presented the access card given to us saka sa wakas ay nakapasok na.


Jane is just resting, kaaalis lang din daw ng Kuya n'ya kaya si Caila ngayon ang nagbabantay. "How is she?" tanong ko. "Still on therapy but you know what's weird? I think someone is secretly visiting her"


Napakunot naman ang noo ko, "Huh? Sa higpit ng security? This is like the second time na nakavisit ako sa sobrang higpit ng Theon na 'yon, and someone just could secretly go here?" Mabilis akong napakapa sa kama n'ya, sa drawers. Sa lampshade. "Ginagawa mo?" tanong ni Caila.


"Looking for device? A recorder, a camera? Or maybe a tracker?" sabi ko pa. Halos mapahilamos naman si Caila at natatawa. "Stop watching too much western series, seriously"


"Pwede naman talaga 'yon mangyari" naupo ako dahil wala naman akong napala. "Lagi nalang kasi akong nakakakita ng bulaklak sa vase na 'yan, look o. Bago na naman" it's a vase of bright-yellow daffodils. Looking so fresh at alam mong kalalagay lang.


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Baka staff?" tanong ko. Umiling s'ya. "Kuya n'ya? Or Kevin?"


"Wala sa kanila ang naglagay"


Nagsimula na rin akong mapaisip, "And no one is suspecting?" takang tanong ko, knowing how strict the security is. "Kasi sabi ko ako ang naglalagay"

Certain UncertaintiesWhere stories live. Discover now