I'm reading all your comments. I appreciate them all :(( Sana masarap ang almusal n'yo lahat bukas.
Edit: I unpublished this chapter minutes after I published it. May two votes na bago ako nakapagrevised!!! Sorry guys kung may nagbabasa na nedited version pala ang napost ko. Totoo na 'to hahahaha
KINALAMPAG NI DEANNA ANG MESA SA HARAPAN KO HABANG NAKATAYO S'YA AT AKO NAMAN AY NAKAUPO. "Why won't you admit it? You had an affair with someone else, you cheated!"
Sa mga mata n'ya, determinado s'yang makakuha ng sagot. Tanging ang ilaw na nakabitin sa itaas ng table ang pinagmumulan ng liwanag. Malamig ang paligid.
"Wala akong ginagawang masama" matigas na sagot ko habang nakikipaglabanan ng titig sa kanya. "Then how could you explain the fact that you checked in with Mr. Dela Cruz that night?"
Mula sa mga mata n'ya ay ibinaba ko ang tingin sa labi n'ya at inilapit ang mukha ko sa mukha n'ya. Nakita kong bahagya s'yang napaatras, "Alam kong naghahanap ka lang ng motibo, Ms. Prosecutor. Sabihin mo sa'kin, nagmahal ka na ba?"
Sa tanong kong 'yon, napalunok s'ya. "How... How is that relevant in this situation?" nakatingin na rin s'ya sa mga labi ko habang sinasabi 'yon. "Dahil kung nagmahal ka na, maiintindihan mo ako. Kahit paulit-ulit n'ya akong sinasaktan noon... paulit-ulit ko pa rin s'yang pinili at hindi ko magagawang patayin ang taong pinangakuan kong habang buhay mamahalin"
Nagtama ang mga mata namin, ilang segundong nakikipaglabanan s'ya ng titig. "...and CUT!" sigaw ni Direk.
Tinulak n'ya ang noo ko papalayo sa mukha n'ya, "Too close, too close" pailing-iling at natatawang sabi ni Deanna. The scene is when the prosecutor interrogated Veronica.
"That was perfect!" sabi ni Mr. Cortez na nanunuod mula sa screen. "The tension between your characters is convincing, keep it up!" bati naman sa amin ni Direk.
Hindi maalis ang ngiti ko habang naglalakad kami ni Deanna pabalik sa tent, "You're making fun of me!" hinampas n'ya ako ng mahina. "Bakit ka kasi napaatras kanina sa scene?"
"BAKIT KASI ANG LAPIT MO? Hindi naman gano'n yung sinabi ni Direk!"
"Bakit ka namumula?" patuloy pa rin na pang-iinis ko. "You could've at least told me na lalapit ka ng ganon sa akin before we started para nakapaghanda ako di ba-- hey!"
Hinila ko s'ya papasok sa c.r. and I locked it, nakakulong s'ya ngayon sa pagitan ng mga braso ko habang nakasandal s'ya sa pinto.
"What are you doing?" pabulong na sabi n'ya.
"So you hate it when I'm close?" Inilapit ko ang mukha ko. "Ha-ha. Funny" Akma sana s'yang kakawala but I leaned closer, "How about this close?" I intentionally added a little "breathiness" to my voice, making it sound like a sexy whisper.
YOU ARE READING
Certain Uncertainties
FanfictionIn the world where fame is everything, a fandom is a star's kingdom. The larger the number of supporters, the stronger it becomes. BUT WHAT IF THE QUEENS OF THE TWO MOST POWERFUL FANDOMS, FALL IN LOVE WITH EACH OTHER? Will those who proclaim themsel...