XXXI

30 2 1
                                    

Dedicated to yourhandmaiden18, thank you for your kind comments❤️ ayan, I had the time to update and to my di kagandahang friend, Jeka hahahah

**

WILL YOU MARRY ME?" Nakatitig lang ako  sa kumikinang na singsing sa harapan ko. Inilipat ko ang tingin sa lalaking nakaluhod ngayon.

Ang ganda ng ngiti n'ya, nahawa naman ako at kasabay no'n ang dahan dahang pagtango. "Yes, Wil. Yes! I will marry you!" Yakap yakap na nya ako habang halos nakalutang ako sa ere, pumatak ang mga luha sa galak.


Ibinaba n'ya ako at ngayo'y haplos  ang pisngi ko, "You'll never regret this day, Mahal. I love you so much" Bakas pa rin ang saya sa mga mata n'ya. "I know, I've been waiting for this day for so long" Ginantihan n'ya ako ng ngiti and reached for my lips. We kissed intimately.


Cut.


Naghiwalay ang mga labi ni Gelo. "That's so good. Pahinga na muna kayo" sabi ni Direk bago tuluyang napunta sa screen ang atensyon n'ya.


"Later?" tanong ni Gelo. "Later" matipid na ngiting sagot ko.


Naglakad na ako papunta sa dressing room kung saan naabutan ko si Marie at Pia at isang lalaki... "Miss Den," bati n'ya sa akin. Humarap naman ang lalaking nakatalikod. Bahagya akong nagulat. "Ken... welcome back"


I gave him a quick hug. "I'm so glad to have my glam team back!" Aniya.


 "We missed you so much, beks!" sabi ni Marie at muling niyakap ang kaibigan. "May kaagaw na ako sa mga lalaki ulit" biro naman ni Pia.


I saw Ken's sudden change of emotion. Bahagya namang kinurot ni Marie si Pia. "Uy, sorry ano lang 'yon, nakasanayan ko lang" mabilis na bawi nito sa biro n'ya.


Napailing naman si Ken, "No, medyo naninibago lang ako na balik na tayo sa work but I'm happy to be back. Thank you so much Miss D for still accepting me" inabot n'ya ang dalawang kamay ko. "Ano ka ba? You really think I'd find anyone as good as you? Kung oo, siguro nga pinalitan na kita" I rolled my eyes.


"Namimiss ko rin yung pagtataray mo" sabi n'ya at sabay kaming nagtawanan. "Mag-uusap lang kami ni Ken, maglunch na muna kayong dalawa" sabi ko kay Marie at Pia.


Naiwan kami sa dressing room. "When you sent me a message about getting back to work, hindi ko alam na ngayon na pala agad. Are you sure about this? Fully recovered ka na ba?" 


"Mas mababaliw ako mag-isa sa bahay. Yung mga sugat, halos wala na pero... pero hindi pa rin ako nakakalimot" may lungkot sa mga mata n'ya. Napansin ko ang suot n'ya na hindi na tulad sa dati n'yang pustura na stylish at makulay. Ngayon, simpleng shirt at pants lang.


I smiled, "It will take time, just go on with the therapy. Nandito lang kami for you" 


Ngumiti rin s'ya. "Tungkol sa... tungkol sa case" sabi n'ya bigla. Mabilis naman akong napatingin sa paligid to make sure no one's listening. "Sinabi na sa akin ni Theon. I understand" agap ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 12, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Certain UncertaintiesWhere stories live. Discover now