XXVIII

92 6 0
                                    

Sobrang daming responsibilities, sorry for the late update. :(( I hope you guys are safe, we will survive this. Let's do everything in our capacity to help those in need. Ingat po tayong lahat xx

Third Person's POV

"Sorry anak, kailagan kong gawin 'to" sabi ng lalaki. Yumakap si Deanna. Sa suot n'yang school uniform at sa pigtail hair, madaling sabihin na isang high school student ang pino-portray n'ya.

"'Tay, wag mo kaming iwan" kasabay ng paghikbi. Kumalas ang lalaki, "Kailangan ko 'tong gawin para protektahan kayo ng Nanay, sana maintindihan mo anak" kasalukuyan s'yang nilalagyan ng posas.

"Anong... anong ginagawa n'yo sa Tatay ko? Hindi s'ya masamang tao! Tay!" pilit na pinagbibitiw ang magkahawak nilang mga kamay habang hila hila ng pulis ang lalaki at si Deanna naman ay pinipigilan ng babaeng nasa likod n'ya.

"Nay, si Tatay!" patuloy ang pag-iyak n'ya pero iling lang ang naging tugon ng kanyang ina kasabay din ng pagluha. Tuluyan nang nawala sa eksena ang lalaki, "Anak, makinig ka. Kailangan nating maging matatag mula ngayon, para sa kanya. Lalabas din ang katotohanan" hinaplos s'ya sa pisngi ng babae, pinunasan ang mga luha.

"Pero si Tatay, si Tatay... hindi s'ya... hindi..." hindi magawang ituloy ni Deanna ang sasabihin. "Hindi..." pinipilit n'yang alalahanin ang susunod na mga salita. Napatingin s'ya sa paligid. 

"Cut!" sigaw ni Direk Patty.

"Sorry po Direk! Sorry Tita Gloria"  Paulit-ulit ang pagsosorry n'ya dahil pangatlong take na ito.

 "Ayos ka lang ba? We can practice if you want" tanong ni Gloria, aktres na nasa 50's na at gumaganap bilang ina ng karakter ni Deanna. 

 "Okay, 10 minutes break" sigaw ni Direk saka tumayo sa kinauupuan at lumapit kay Deanna. "Maybe she's just exhausted, bigyan natin ng break ang bata" nakangiting sabi n'ya bago humarap sa make up artist na inaayos ang buhok n'yang bahagyang nagulo sa eksena.

Kinausap s'ya ni Direk sa di kalayuan, "Deanna, I know this is a lot to take pero kailangan talaga nating matapos ang ilan pang eksena. We were not able  to shoot for almost three days may mga backlogs na kailangang habulin" Napabuga ng malalim na hininga si Direk Patty at muling nagsalita, "I can tell by your eyes how tired you must've been, I understand. After this, I'll give you some time to rest"

Dahan dahang tumango si Deanna, "Thank you, Direk."

"ANNA, NANDITO ANG MOMMY MO" Sabi ni Terry, ang handler ni Deanna. He's in charge of her make up and outfits. Hindi n'ya ito naririnig dahil sa nakapasak na earpods at sagad sa volume na music.

As soon as her mother, Elise, comes in, nagsilabas na ang mga tao sa loob ng dressing room. 

Tinanggal n'ya ang nakapasak na earpods sa right ear ni Deanna, dahilan para mapansin na n'ya sa wakas ang presensya ng ina.

"Just checking in, I need to make sure my lovely daughter isn't doing anything stupid" bungad ni Elise.

"So, hindi pa pala enough yung dalawang guards na ilang araw nang nakabuntot sa akin and now, you have to invade the set?" Malamig na sagot ni Deanna. "They are doing a good  job protecting you from the reporters"

Hindi na n'ya gusto pang magsimula na naman ng pagtatalo sa pagitan nilang mag-ina. She's sick of it, alam n'yang hindi rin naman s'ya hahayaan ni Elise. 

"May agreement na between Virgo's management and ours, you will deny all the allegations. We have an expert to prove that the photo was staged, probably by some haters. We will stick to your  original statement about the breakup. No third party involved, it was a mutual decision and that you're not... I don't know, in a relationship with a girl? Gosh, that rumor's ridiculous!" kita pa rin ang frustration sa mukha ni Elise pero mas nakaramdam ng kurot si Deanna.

Certain UncertaintiesWhere stories live. Discover now