XIII

133 8 2
                                    

BAKAS ANG PAGKABIGLA SA MUKHA NI JANE NANG BUKSAN ANG PINTO.  "A-Anong ginagawa mo rito?" Pero mas hindi ko magawang paniwalaan ang nakikita ko ngayon.


Ang laki ng ipinayat n'ya, malalam ang mga mata at magulo ang buhok. "Umalis ka na" sabi n'yang muli at isasara sana ang pintuan pero mabilis kong hinarangan 'yon, "Jane, let's talk" pagsusumamo ko.


"Hayaan mo kaming tulungan ka" nagpakita na si Caila. Mas lalo s'yang nabigla at nagsimulang magpanic. "Sinong kasama n'yo? S-Sino? Nahanap na ba n'ya ko? Umalis na kayo. Umalis na kayo!" Pinagtutulakan n'ya kami at pilit na isinara ang pinto pero nagawa naming labanan ang pwersa n'ya at nakapasok kami sa loob ng kwarto.


Isinara namin ang pintuan. "Jane, nandito kami para--"


"Tigilan n'yo na ko! Tigilan n'yo na ko! Tigilan n'yo na ko!" Paulit-ulit n'ya 'yong sinasabi nang hindi manlang kami titingnan at nakatingin sa ibaba, tuloy tuloy ang pag-iling at humahakbang paatras hanggang wala na s'yang maatrasan kung hindi ang kama.


Pumunta s'ya sa sulok habang nakabalot ng kumot at nakabaluktot. "Tigilan mo na ko! Tigilan mo na ko!" Paulit ulit n'yang sabi.


Hindi namin inaasahan ni Caila ang nakikita ngayon. "Jane..." nang maramdaman n'ya ang paghawak namin sa kumot ay nagsimula s'yang magsisigaw.


"Jane, kami 'to. Jane..." nagsimula nang umiyak si Caila habang pinipilit yakapin si Jane na nagwawala. "Beh, ako 'to... kami lang 'to" Nanginginig na tinig ni Caila. "Hindi ka namin sasaktan," buong lakas n'yang nilalabanan ang pagwawala ni Jane.


Nang sabihin ni Theon na maaring biktima s'ya ng rape, hindi ko naisip na ganito ang kalagayan n'ya ngayon. Pareho kaming nakayakap sa kanya ngayon, pinipilit s'ya pakalmahin.


"Jane... kami 'to." Basag ang tinig ni Caila habang patuloy sa pag-iyak. Dinig namin ang hikbi ni Jane. Sa wakas ay naallis na ang kumot, hinawakan ni Caila ang magkabilang pisngi ni Jane na ngayon ay nakayuko pa rin at pailing iling, "Hindi ka namin sasaktan" unti-unting inangat ni Jane ang mukha, hinawi ni Caila ang nakaharang na buhok na basa na rin ng luha.


"C-Cai..." Nilipat n'ya ang tingin sa akin, "D-Den..." basag ang tinig n'ya. Nadudurog ang puso ko sa kalagayan n'ya. Anong nangyari?


Yumakap s'ya sa amin. "P-Patayin n'ya ko... tulungan n'yo ko" hindi namin maintindihan ang ilan pa n'yang sinasabi dahil sa pag-iyak.


"Sinong tinutukoy mo? Sinong gumawa n'yan sa'yo?" sunod sunod na tanong ko. Unti-unti s'yang tumigil sa paghikbi. Nawalan s'ya ng malay.



NAKASANDAL AKO SA BALIKAT NI DEANNA HABANG NAKAUPO KAMI NGAYON SA LOOB NG HOSPITAL ROOM.

Certain UncertaintiesWhere stories live. Discover now