XXIX

97 7 2
                                    

Tatapusin ko po ang story na 'to, sorry if it's taking too long. :))


Sabay na tiningnan ni Terry at Deanna ang reflection sa salamin, "Sobrang ganda talaga ng alaga ko"


Nagbigay ng tipid na ngiti si Deanna. Sa kabila ng eleganteng gayak at nagkikislapang jewelries, hindi maitatago ang pagkabalisa.


"Kaloka, ang itim ng aura. Ang itim itim" sabi pa ni Terry na kunwari ay tinatanggal ang imaginary veil sa kausap.


Bahagyang natawa si Deanna, "Mumshy Terry naman"


"Bakit ba kasi parang hindi ka mapakali? Hindi naman ito ang first time mo para sa product launching at media conference"


Kahit si Terry, walang ideya sa magaganap. Walang nakakaalam sa balak ni Deanna at Denice na aminin ngayon sa harap ng media ang relasyon nila.


Tama ba 'tong ginagawa ko? Paano kung lalong gumulo ang lahat?

Paikot ikot na tanong sa isip n'ya. More than the anxiety and unease she's feeling right now, what makes her feel better is the fact that she'll be seeing Denice today.


Maingay na sa paligid, anumang oras magsimula na rin ang event.


Dinig mula sa labas ang music sa background.


"Mumsh pahiram naman ng phone"

"Tatawagan mo ba ulit si Caila?" Tumango si Deanna kasabay ng pagdial sa number.


"Hello, Deanna?"


"Magkasama na ba kayo?"


"Papunta na ako sa unit ni Den, update kita. Dito ba ako magtetext kung sakali?"


"Yes, dito pa rin. Ingat kayo ha" paalala n'ya bago tuluyang matapos ang tawag.


"Can I come in?" Napalingon sila sa bagong dating. Si Virgo.


"Nandito na pala si pogi, sige hayaan ko muna kayo" sabi ni Terry saka lumabas. Naupo s'ya sa sofa, "Nabasa mo na ba 'yung script?" Tanong n'ya kay Deanna na nakaupo pa rin sa tapat ng vanity glass. "I'm not gonna go with it" sagot nito.


Napakunot naman ang noo ni Virgo sa pagtataka, "What do you mean?"


Hinarap n'ya ang kausap, "I'm done lying to cover up for you, Virgo"


"Kung sa ganyang paraan gagaan ang sitwasyon mo, ikaw ang bahala"


Hindi ito ang inaasahaN n'yang sagot. "Hindi ka ba natatakot? Magagalit sa'yo ang buong fandom kapag nalaman nila kung ano talaga ang dahilan ng break up, and do you even realize how it will affect your career?"

Certain UncertaintiesWhere stories live. Discover now