XVIII

121 7 5
                                    

MAY NAGTAKIP NG MGA MATA KO, SMELLS LIKE VANILLA. Napangiti ako, I already know who it is. "Come on, babe. Busy ako" sabi ko pa saka inilapag ang script na binabasa ko. Hinawakan ang kamay n'ya at hinarap s'ya.


Unti-unting nawala ang ngiti ko,"Babe pala ha"


"Ikaw pala, Cai" Okay. Now this is awkward. "Babe ha. Sinong babe?" sinundot n'ya ako sa tagliran. "Baliw! Wala 'yon. Ano kasi, magrerehearse kami ng eksena ni Gelo. Akala ko start na"


She still doesn't look convinced. Inilapit n'ya sa akin ang mukha, "Tell me, Maria Denice... what's going on?" napaatras ako sa tanong n'yang 'yon at pinilit na tumawa. "Ano bang pinagsasasabi mo, Cai?"


Humakbang pa s'ya ng papalapit, "Alam kong may hindi ka kinekwento sa'kin" sabi n'ya kasabay naman ng pag-atras ko ulit. . "Akala mo hindi ko napansin noong nasa Batangas tayo?"


Oh my goodness. Did she see anything? "Anong napansin mo?"


Lalo n'ya kong pinagsingkitan ng mata. "Alam kong hindi lang para sa rehearsal ang pagtawag mo ng babe. I was just waiting for you to tell me, pero mukhang wala kang balak"


"Anong walang balak?" pagsabad bigla ni Deanna na kapapasok lang sa room. 


Lumayo sa akin si Caila at hinarap si Deanna, alam na nga kaya n'ya? "That she's in a relationship..." Dey gave me a did-you-tell-her look.


"With Angelo" dugtong ni Caia.


Pareho kaming nakahinga ng maluwag ni Deanna. "Seryoso ka ba d'yan?" natatawang sabi ko. "Cacai naman, wag mo ng i-pressure si Deden" sabi pa ni Dey. "Siguro sinabi na n'ya sa'yo, 'no? Hindi na kayo mapaghiwalay e, laging magkasama. Sabihin mo nga, Maria Denice, sino mas gusto mong kaibigan saming dalawa? Ha? Umamin ka sa harap namin!"


Natatawa nalang ako sa pinagsasasabi ni Caila ngayon, "High ka ba?" tanong ko. Sinimangutan n'ya ko. "Deden didn't tell me anything about them, if that makes you feel better. Bakit mo naman kasi naisip na may relasyon sila?" sabi naman ni Deanna.


"I saw them by the bay that night. Magkayakap pa nga, tapos idedeny mo pa? 'Wag mo rin idadahilan na nagrerehearse kayo dahil duh! Wala pa tayong script no'n" She saw us.


"Really, Cacai? Ano pang ginagawa nila?" sa tono ng pagsasalita ni Dey, I think she's getting the bad idea. "Girl, nagstargazing pa sila. Nakasandal pa si gaga sa balikat ni Angelo"


"Cai!" pagpigil ko. Wala talagang preno ang babaeng 'to! Ngumiti si Deanna, yung sarkastikong ngiti. Yung ngiti na kahit wala s'yang sabihin alam kong pinagbabantaan na n'ya ang buhay ko.


"Ang sweet naman pala" sabi pa ni Deanna habang hindi inaalis ang pekeng ngiti sa akin, "I know! Tapos wala kang kinekwento sakin? Aba, Denice!" Kinurot ko nga s'ya sa tagliran para tumigil, "Tama na sabi, hindi ganon 'yung nangyari. Nag-iimagine ka lang"

Certain Uncertaintiesजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें